Nasisiyahang tinititigan ni Cozette ang sarili sa hawak na salamin. Wala na siyang masasabi pa dahil perpekto ang nakikita niya sa kanyang reflection. Bukod sa magaling ang nag-ayos sa kanya ay natural siyang maganda. Di makakailang siya ang pinakamaganda sa klase nila. Baka nga siya ang pinakamaganda sa lahat ng grade 5 students sa kanilang school.
Dalawang oras nalang bago mag-umpisa ang stage play nila at lahat sila ay abala ngayon sa paghahanda sa loob ng isang classroom. At sa unang pagkakataon ay siya ang magiging bida at ang partner niyang lalake bilang Donya Maria Blanca at Don Juan, excerp galing sa Ibong Adarna. Importante ang araw na ito para kay Cozette. Sa edad niyang sampung taon ay nangangarap na siyang matagpuan ang true love niya. Ang mga magulang niya kasi noong mga nag-aaral pa ay nagkamabutihan nang parehas silang gumanap na bida sa isa ring love story sa isang play. Gustong-gusto ni Cozette tuwing kinikwento ng mama niya ang love story nila ng papa niya.
Kaya grade one palang siya ay sumali siya sa Drama club ng school na suportado naman ng mama niya dahil actress ito sa theater.
At ngayong selebrasyon ng buwan ng wika ay naniniwala si Cozette na oras na niya para sa kanyang true love!
Ang gaganap na Don Juan ay si Niko. Grade 6 na si Niko at gwapo kaya bagay na bagay sila ni Cozette.Baka si Niko na ang true love niya!
Lahat sila ng mga ka-club niya ay napalingon nang humahangos na pumasok ng room ang isa pa nilang ka-miyembro. Pawis na pawis ito.
"May problema po."
Agad kinabahan si Cozette. Ang kanilang teacher naman ay agad na nagtanong.
"Tumawag po lola ni Niko. Inatake po ng allergy si Niko. Hindi raw po siya makaka-perform."
Halos lahat ng tao sa room ay nataranta. Si Cozette naman ay nanghina.Paano na? Hindi na matutuloy ang play? Pero marami ang manonood sa kanya! Ang principal, ang mayor, ang buong school at ang mga magulang niya!
Gustong maiyak sa inis ni Cozette. Bakit kasi ngayong araw pa inatake ang Niko na yon?Hindi ba ito ang true love niya?
"Baka po pwedeng may pumalit kay Niko."
Napukaw ang atensiyon nila sa nag-suggest.
"Papalit? Ilang oras nalang bago magsimula ang program. Makakabisado ba niya lahat ng nasa script?"Patay. Oo nga. Hindi biro ang mga linya ni Don Juan.
Malapit na talagang maiyak si Cozette nang may isang nagsalita."Alam ko po ang script. Kaya ko pong maging si Don Juan."
Lahat ng mata ay napunta kay Lawrence, ang transferee, ang tahimik, ang mahiyain, ang script writer. Lahat sila ay di inasahan ang pagsasalita niya dahil kahit always present ito sa meeting nila ay parang hangin lang ito.
Sa ilang buwan na nakasama nila ito ay ngayon lang napagtuunan ng pansin ni Cozette si Lawrence. Tulad niya ay grade 5 din ito at mas matangkad sa kanya. Itim na itim ang buhok nito na may pagkakulot. Hindi ito kaputian ngunit bagay sa kanya ang brownish na kulay. Pero ang pinakanakakuha ng pansin ni Cozette ay ang blue nitong mga mata. Alam na agad ni Cozette na may lahi ito. At bakit nga pala ngayon lang niya napansin na may higit na mas gwapo pa kay Niko sa club nila?
"Sigurado ka?" tanong ni Cozette. Napatingin naman si Lawrence sa kanya at ngumiti. Sa unang pagkakataon sa buhay ni Cozette ay kinabahan siya. Hindi yung negative na kaba. Masarap na kaba.
At ang mga matang iyon ni Lawrence ay talaga namang nakakaparalisa.
"Ako po ang nag-ayos ng script niya. At ako rin po ang nag-aassist kay Niko. Palagi rin po akong nanonood ng practice. So I think kaya ko po," sa teacher nila nagsasabi si Lawrence pero kay Cozette naman ito nakatingin.
Lahat naman ay di na tumutol pa. Lahat nalang sila ay nagtiwala kay Lawrence.
Lalo na si Cozette.
Dahil sa kanyang tingin ay si Lawrence na ang true love niya.
-
Natuloy ang play nila para sa selebrasyon ng Buwan ng Wika. Halos lahat naman ay nagulat sa performance ni Lawrence at Cozette dahil aakalaing mga bihasa na sila sa pag-arte. Kumbinsido naman si Cozette na si Lawrence ang gusto niyang makatuluyan habang buhay. iyon nga lang ay hindi niya alam kung may gusto rin ito sa kanya.Sa ganda at talento ba naman niya?
Napag-desisyunan ni Cozette na kakaibiganin niya si Lawrence para mapalapit dito.
Ngunit dalawang araw makalipas ang performance nila ay naglaho nalang ito. Lumipat na naman ito ng school kahit 2 quarters palang ito sa school nila.
Nabalisa si Cozette. Akala niya ay okay na ang lahat at mapapalapit na siya kay Lawrence.
Makikita pa kaya niya si ito?
ABANGAN...