"A Beauty Into A Beast" 5
I still remember the first time I saw Caulder. Pinilit akong isama ni Niko sa gig ng banda ng kuya niya (di pa kasi member si Niko) na ang name ay Marius.
Sobrang proud ni Niko non sa kuya niya habang nanonood kami sa performance ng Marius. Nang mga panahong iyon ay katutuklas ko lang na may half-bro pala si Niko at inasahan kong may hawig sila. Parehas silang itim at kulot ang buhok pero wala na silang pagkakapareho. That time ay na kuminang din ang mga mata ko kay Caulder dahil ang astig niyang kumanta at tumugtog. Bale 3 silang kaumakanta: isang girl at 2 boys na tumutugtog din.
And they were really good kahit kasisimula palang ng Marius.
Di ko malilimutan ang isang moment kung saan nagtama ang mga mata namin during their performances (not sure ako kung sa akin nga ba siya tumingin) dahil halos tumalon ang puso ko sa intensity ng mga mata niya...
Na ngayon ay katitigan ko na dahil inuntog ko lang naman ang matulis niyang baba.
"Sorry," agad kong sabi at sumandal ng upuan dahil nahaharangan ko sila ni Lance.
Sa wakas ay ibinaling na niya kay Lance ang pamatay niyang tingin.
"Hindi mo talaga ako tatantanan no?" Caulder said, mockingly.
Kinabahan ako. What is happening. I know they know each other dahil minsan nang nag-guest ang Marius sa show ni Lance pero di ko in-expect na ganito.
"This is not about you. I am here to learn," kalmadong sagot ni Lance.
"You can learn anywhere, La Salle, UP, Ateneo, SJC but here. Teritoryo ko to, Lance. So I'm warning you."
"Thanks but don't worry, di ko sisirain ang comfort zone mo, Caulder."
napa-tiim bagang si Caulder. Mukhang agad na napikon sa cool lang na si Lance. Pero kinakabahan ako sa tinging binibigay nila sa isa't isa.
Nag-straight ako ng upo kaya naharangan ko na naman sila sa view nila. Alam ko medyo bastos pero kinakabahan talaga ako lalo na at baka may mangyaring di maganda.
Kaso ang award ko ay isa na namang masamang tingin galing kay Caulder. Sa kanya rin kasi ako tumingin para mabantayan ko siya. Mukha kasing siya ang unang manununtok eh.
Napahinga ako nang maluwang nang dumating ang prof. Naghead down lang si Caulder at nakinig na kami ni Lance. And he was silent the whole time.
Nang mag-end ang class ay di ako nagmadali dahil gusto kong maunang lumabas si Caulder. Nang makaalis siya ay ako naman ang nag-ayos.
"I'm sorry," sabi ni Lance. Napayuko na naman ako at inayos ang buhok ko.
"It's okay."
"Don't mind us, Cozette." Tumango ako.
"Anyway, thank you for today. Ikaw ang una kong kaibigan sa school na ito."
Shocks! Really?
"You are so different from the others so I'm thankful. Please treat me like a classmate. I just want to be normal again. Please?"
OMG why is he so handsome? Hi-hindi pa ba ako sa my labs ko?
Tumango ako. He smiled. I smiled.
"Last class natin to so see you tom classmate." aniya then he left.
Mangingisay ata ako sa kilig pero panira ng mood yung girls na masama tingin sa akin. Di yata matanggap na tinalo sila ng panget haha!
Agad akong nagkulong sa CR at naglulundag doon. Tiningnan ko mukha ko sa salamin. Inayos ko buhok ko para matakpan ang pilat ko. I am not so bad naman. I'm still a beauty kung nakatakip ang bahaging iyon ng mukha ko. Naisip ko tuloy na baka di napansin ni Lance ang pilat ko kaya di siya nandiri sa akin?
Nakangisi akong lumabas ng cr nang pagliko ko ay nasa harap ko na si Caulder Barrera. Halos atakihin ako sa puso.
"Mahahati na mukha mo sa ngiti mo," aniya.
Inayos ko ulit ang buhok ko. Nakaka-intimidate talaga siya.
Wait.
Ito ang unang beses na kinausap niya ako! This day is so weird.
"Excuse me," I tried to walk pass him but he blocked me. Sa gulat ko ay yumuko siya para pumantay mukha niya sa akin. To my horror ay hinawi niya ang buhok ko para lumatad ang pilat ko. Wala akong magawa. Napapikit nalang ako sa kahihiyan.
"Lance is a nice guy no doubt. Kung hindi ay bakit siya mag-aaksaya ng panahon sayo? But I recommend to not fall for him. You know better, right Cozette?"
Parang maliliit na karayom ang tumusok sa dibdib ko sa sinabi niya.
Alam ko totoo ang sinabi niya. Pero sino siya para sabihin sa harap ko iyon para pahiyain ako?
Caulder is so evil. Biglang nag-crash ang natitirang self-esteem ko.
Hinintay ko siyang lumayo. Hinintay kong mawala siya sa harapan ko.
Di ako didilat para lang makita niya na nasaktan ako sa sinabi niya.
Nang marinig ko ang papalayo niyang hakbang ay saka ako dumilat. Napansin kong namamasa ang aking mga mata