A Beauty Into A Beast" 4
Nang mag-ring ang bell ay agad akong tumalima para makalabas na ng klase. Paano ba naman ay isa't kalahating oras ako halos na di makahinga. Bakit naman kasi tinabihan na naman ako ni Lance? At bakit ang bango niya? At bakit niya ako casual na kinakausap na para bang close kami?
I know that I like him pero di ibig sabihin non ay komportable na akong katabi siya.
Isa pa ay kakaiba na ang tingin ng iba sa akin. Iniisip siguro nila na bakit sa panget na katulad ko dumidikit si Lance?
May isang oras pa bago ang lunch pero dahil alam kong wala pang masyadong tao sa cafeteria ay nagpasya na akong kumain.
Kung darating naman siguro si Lance ay mapapansin ko dahil tiyak na maraming tao ang susunod sa kanya.
Nang makabili ako ng pagkain ay nakayuko akong pumunta sa likod ng cafeteria kung saan may sinasabing haunted na Balete tree kaya walang pumupunta don kundi ako. Di naman ako matatakutin at nagpapaniwala sa multo kaya napagpasyahan kong gawing tambayan iyon. Tutal gusto kong walang nakakakita sa akin.
Tahimik akong kumakain nang maramdaman kong di na ako nag-iisa. May malamig na kamay ang dumapo sa batok na nagpataas ng mga balahibo ko.
Tawa nang tawa si Niko sa reaction ko. Muntik ko na tuloy siyang batukan ngunit nakailag siya.
"Bat ka nandito?"
"Nami-miss ko na ang donya Maria ko eh," aniya at pinaglalagyan ng pagkain ang box of rice ko.
"Ano'ng ginagawa mo?"
"Kumain ka ng marami. Nangangayayat ka na. Di ka na sexy," sagot ni Niko sabay kindat.
Tahimik kaming kumain.
"Di ka hinahanap ng mga kasama mo?"
"Nope. Busy sila sa mga dyowa nila. Isa pa alam kong mag-isa ka na namang kakain."
"Okay lang namana ako. Di mo kailangang palaging mag-alala."
"I know but I can't help it, Cozette."
Niko is so nice talaga. Sana lahat ng lalake ay katulad niya.
"Nga pala. Can you go with me later after class. I have a new song kasi."
Pumaikot ang mata ko. Heto na naman si Niko. Ilang buwan lang ang lumipas ay may lyrics din siyang pinakita at pinakanta sa akin. Ni-record niya at pinarinig sa banda nila. Nang magustuhan ng bandmates niya ay sinama na sa album nila.
At kumita rin naman ako.
Ang problema lang ay ang kuya ni Niko na si Caulder. 5 years ang tanda niya kay Niko at half brothers sila. Hanggang ngayon ay nag-aaral pa ito dahil irregular siyang student at panay ang repeat ng subjects. Saksakan din ng kasupladuhan ang lalaking iyon at ayaw niya sa mga panget na katulad ko. Paano ko alam? Eh kasi simula nang magkakilala kami ay never niya akong kinausap o tiningnan man lang. Di rin siya sumang-ayon sa una kong demo sa sinulat ni Niko pero wala na siyang nagawa.
At ngayon ulit? Gusto yata ni Niko ma-kick out sa banda nila.
"Alam na ba ng kuya mo na i-involve mo ulit ako?"
"Wala na siyang magagawa kapag natapos mo na. Ako bahala."
"Bakit kasi ang creepy ng kuya mo? Halos magkabaligtarankayo. Sigurado bang magkapatid kayo?"
"Oy, he's great. Di mo lang alam," palagi naman niyang sinasabi iyon. Halatang idol niya kuya niya.
"Nga pala. Narito raw si Lance Navarro? Nakita mo na?"
Nagbago na ang mood ko. Pina-alala pa niya. Hanggang ngayon ay di alam ni Niko na naging schoolmate namin si Lawrence. I'm not planning to tell him.
"Ay may gagawin pala ako sa lib. See you later!" sabi ko at tumakas na.
-
Nagpa-late ako sa klase at sinigurong pumasok sa si Lance. Pagpasok ko ng room ay nakita ko siyang napaliligiran ng mga babae. Gusto ko tuloy silang pagsasabunutan dahil papansin sila kay Lance pero ayoko rin naman kumuha ng attention.
At least solved na problema ko dahil tiyak na di na ako matatabihan ni Lance.
Sa lagi kong pwesto ako umupo. Iyon nga lang ay may lalake na akong katabi. Mukha siyang tulog dahil nakasandal siya at nakatakip ng panyo ang mukha.
Kinuha ko notes ko at nagreview kuno. Pero ding na dinig ko ang kaharutan ng mga babae sa pwesto ni Lance.
Gusto ko nang takpan ang tenga ko.
Bakit wala pa ang prof namin? Letse naman oh!
Then suddenly tumahimik ang silid. Tanging naglalakad na sapatos ang maririnig.
Sapatos ni Lance na papalapit sa kinaroroonan ko!
Tatabi na nama siya sa akin!
Di ako makapaniwalang napatingin sa kanya.
He shrugged. "Ang ingay don eh. At least dito ay tahimik kasama ka."
Natameme ako habang pinapanood siyang umupo.
Lance naman eh!
"So it's true you're here Lance!" sabi ng boses sa isa kong gilid. Sa lapit ng boses niya ay nagulat ako at biglang lumingon sa nagsalita.
Sadya ngang malapit siya dahil nagbungguan ang noo ko at ang baba niya.
Napa-aray ako. Siya naman ay nakakakilabot na tingin ang binigay sa akin.
Sadyang pinaglalaruan ako ng tadhana. Dahil di ko lang nakauntugan ang lalakeng kanina ay natutulog. Siya rin pala ang kuya ni Niko, si Caulder Barrera!
And he's killing me with his glare.