A BEAUTY INTO A BEAST pt 10
Binatukan ko si Niko nang umalis sina Lance papuntang restroom.
"Problema mo?" Tanong niya.
"Umayos ka ng kilos mo. Baka anong isipin ng dalawa."
"Ha? Eh lagi naman akong ganon sayo no, bakit ko naman babaguhin ang kilos ko para sa kanila? Sila ang mag-adjust hindi ako."
"Kahit na!"
"Ano ba Cozette--" namulagat siya. "Don't tell me may crush ka sa isa sa kanila?"
Agad akong namutla. "Wala ah!"
Tumawa lang siya. "Kabisado na kita. So sino sa kanila? Si Lance?"
Di ako sumagot.
"I see. Sino ba namang hindi mafo-fall sa kanya? Gwapo, talented, mabait-- ay sandali nga! Gwapo't talented at mabait din naman ako ah!"
"You are my friend."
"I know," he sighed. "But as a friend, i have to tell you, don't fall for him."
Hindi ako sumagot kaya nagpatuloy siya. "He is different. I mean, he is famous. Laging pinagkakaguluhan. Marami kang karibal. Knowing you, hindi ka match sa kanila. Not physically. I mean, you don't like attention. At ngayong napapalapit ka sa kanya, surely, soon, maraming magkakagulo sa iyo. They will destroy you. And as a friend, i don't want that to happen to you."
As I look at Niko, kitang-kita ko ang labis na pag-aalala sa kanya.
"Salamat. But don't worry. Hindi na ako maghahanap pa ng sosobra sa ganito. Tama na sa akin na seatmate siya. Iyon lang masaya na ako. Alam ko namang malabo ang maging kami."
"If he is not Lance Navarro, I would support you. You deserve someone like him. Or better."
I smiled. He smiled.
"So sinasagot mo na ba ako?"
Natawa ako. "Yeah. Pero hatid mo ako before eight. May duty ako."
"Yes ma'am!"
-
Pabalik ng building ay nagkahiwa-hiwalay na kaming apat. Si Erwin kasi ay iba ang course program kaya di namin siya kaklase.
Suot pa rin ni Lance ang disguise niya kaya malaya kaming nakakalakad sa crowd. Pinilit kong maglakad nang nahuhuli pero pinapantayan niya ako.
"Pagpasensiyahan mo na si Niko. Ganon talaga siya," I blurted out.
"Yeah. He is a very good... friend."
"He is. He is not like his brother, Caulder. Di ko nga alam kung talaga bang magkadugo sila. Magkaibang-magkaiba."
"Right. I can see that. He is so caring. Lalo na sa'yo."
"Oo nga eh. Feeling ko siya ang hero ko. Alam mo ba simula nang makuha ko ang pilat na ito, di siya nawala. I mean, siya lang ang nag-stay. Siya nalang ang natira kong kaibigan. I am so grateful."
"But now, you have me. I am now your friend so be more grateful," aniya at maluwang na ngiti ang binigay sa akin.
Muntik na akong matisod.
-
Natapos ang dalawa pa naming klase ng maayos. Pag sinabi kong maayos, ibig sabihin ay walang panggulo na si Caulder.
"Saan ka nakatira?" Biglang tanong ni Lance nang palakad na kami palabas. Sinagot ko naman.
"Great. We can take you there."
Gusto kong bumulalas ng "Oo" pero naalala kong may usapan kami ni Niko.
"Ah okay lang Lance. May pupuntahan pa kasi ako. Sinagot ko na kasi si Niko."
Parehas kaming nagulat sa sinabi ko.
"I mean, um-oo na ako na gawin yung demo. Haha."
Nawala naman pagkabigla ni Lance. "Okay then. So see you tomorrow, Cozette?"
Nakakakilig talaga tuwing lalabas ang pangalan ko sa mga labi niya. Alam kong namumula ako kaya yumuko ako.
"Sige."
Sa di ko inaasahan ay naramdaman ko ang paghawi niya ng buhok ko sa mukha ko.
"Pretty," aniya.
-
"Okay ka lang?" nagtatakang tanonv ni Niko nang ma-meet ko siya sa labas. Hinahanda na niya ang motor niya.
Tumango ako dahil di ako makapagsalita. Lance just told me I am pretty.
Pretty daw ako.
Pretty.
Pretty!
Naramdaman ko nalang si Niko sa likuran ko at ginagalaw ang buhok ko.
"Anong ginagawa mo?"
"Tinatalian ka ng buhok. Bubuhaghag na naman to sa byahe. Wag ka malikot!"
Di nga ako gumalaw. Pero namumula ako dahil naka-exposed ang pilat ko sa mukha. Isa pa ay nahihiya ako sa maaaring isipin ng mga nakakakita sa amin.
"May pantali ka ba?" Tanong ko.
"May napulot akong goma sa sahig kanina."
Nataranta ako. Masakit iyon eh.
"Nako hindi pantay!" sabi niya sabay hila sa goma. Napa-aray ako.
"Uulitin ko lang."
"Wag na okay na!"
Pero inulit niya pa rin.
"Perfect!" sabi niya habang pinamamasdan ako. Sarap niyang sapakin.
"Oh bakit? Galit ka?"
"Tara na!" Ako na ang nagsuot ng helmet ko baka masakal pa ako sa straps pag siya pa.
-
Ilang beses palang akong nakapasok sa bahay nina Niko. Iyon ay dahil iniiwasan namin si Caulder na simula palang ay mukhang ayaw sa akin. Ang nag-iisa nilang kasama ay si lola Lita. Ang tatay kasi nila ay sa ibang bansa nagtatrabaho.
Ang lola nila ay gaya ni Niko na mabait at laging natutuwa pag bibisita ako.
Magand ang bahag nila ngunit di naman sobrang laki. Tama lang sa kanilang tatlo. Mayroon nga silang kwarto na kung saan nagpa-practice ang banda nila. Sound proofed pa.
Pero sa veranda muna kami ni Niko.
"Here it is!" sabi niya sabay abot ng lyrics ng kanta. Agad akong sumimangot.
"Bakit ang title ay "Pilat ng Nakaraan?" Nang-aasar ka ba?"
Napakamot siya ng ulo. "Ah ano, sorry. Di naman yan tungkol sa pilat mo eh."
"Hmp. Last time nga "She Used to be Pretty" ang title eh. Di lang ako nagreklamo."
"Cozette naman eh. Hindi naman ikaw yon."
Tumawa lang ako. Sobrang ganda ng lyrics, sana nga ako nalang yon.
Nag-work kami ni Niko. Pinarinig niya sa akin ang tono at ang dapat na tugtog. Binigyan niya ako ng kopya para pag-aralan ko muna.
"Pwede ko namang i-try kantahin ngayon," alok ko kay Niko.
"Alam mo na ba?"
"Duh. Singer ang nanay ko. Alam kong mabasa ng nota."
Napangiti si Niko. "Sige para mabilis ang progress," aniya at hinanda ang gitara niya.
Tulad ng She Used to be Pretty ay napakaganda rin ng lyrics ng Pilat ng Kahapon. Medyo sad nga lang pero inawit ko iyon habang inaalala si Lance at ang sinabi niya kanina.
Matapos kong kumanta at tumugtog ni Niko ay nagkangitian kami.
Pero muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko nang makita ko si Caulder na nakasandal sa pinto na halatang kanina pa nandoon.
He was smiling? O namamalik-mata lang ako kasi pagkurap ko ay seryoso na ang mukha niya.
"Kuya!" napansin na rin siya ni Niko. "Sorry pero I had to ask Cozette's help. Di ko naman kasi alam kung babalik pa si Cath."
Si Cath ang female vocalist nila na ka on and off ni Caulder. Balita ko ay nag-quit ulit ito matapos nila mag-away ni Caulder kaya kinailangan ni Niko ng tulong ko.
"Cath will be back," sagot ni Caulder.
"Kailan? At sigurado ka ba? Malala ang away niyo last time. Kung hihintayin pa natin siya--"
"I understand Niko kaya nga di ko pinapalayas si Cozette."
Hindi kami makapaniwala ni Niko. Di kami agad nakapagsalita.
Ako naman ay ninanamnam ang unang beses na binaggit ni Caulder ang pangalan ko.
Another first.