2

26 1 0
                                    

"A Beauty Into A Beast" 2
Nagmamadali akong kumain dahil mahuhuli na naman ako sa unang class ko. Sina Bam at Cam kasi ay lumabas na.
"Hintayin niyo si Cozette!" sigaw ni tita sa kanila pero parang wala silang narinig. Sa 2 weeks na pagpasok namin sa iisang school ay ilang beses nila akong iniwanan (may driver kasi sila na maghahatid sa school). Ngayong araw ay di na ako magtataka kung iiwan nila ako ulit.
"Okay lang po tita. Maaga pa naman po," sabi ko bago siya halikan sa pisngi. Paglabas ko nga ng bahay ay nakaalis na nga ang kambal.

So magko-commute na naman ako. Ayaw ko pa naman mamamasahe. Mas mahirap kasing itago ang mukha ko sa mataong lugar. At least, sa service ay mga pinsan at driver lang ang makakakita sa itsura ko.
Ayoko kasi na makita ng tao. Lalo na ang pilat ko kaya palagi akong nakalugay at nakatungo. Ayoko ang ekpresyon ng mukha nila pag napapansin ako. Ayoko yung paraan nila ng pag-iwas ng tingin kapag nahuhuli ko silang nakatingin sa akin.
Naglalakad ako palabas ng village namin nang may bumisinang big bike sa likuran ko.
Pagharap ko ay bumababa na si Niko.

Oo si Niko, ang ka-club ko noong elementary. Ang dapat na gaganap na Don Juan sa stage play namin noon kaso di siya dumating dahil sa allergy niya.
Ang inakala kong true love ko.
But he is my friend. My real friend.
Siya lang ang nanatili kong kaibigan simula nang maganap ang trahedya sa buhay ko. Actually, mas naging close at caring siya sa akin simula noon. Iniisip ko ay baka sobra ang pagkaawa niya sa akin.

But all this time? Siya na pasok sa top 5 campus crush ng school namin? Siya na mayaman ang pamilya? Siya na kilala na dahil miyembro siya ng isang rising star na banda? Si Nicolaj Barrera? 

Come on! Kung hindi lang ako panget at kaawa-awa ay iisipin kong may gusto siya sa akin.
Pero ayon sa kanya, maganda pa rin ako at fresh pa ang ganda ko sa memory niya noong mga bata pa kami kaya wala siyang pake kung panget na ako ngayon.


"Sabi ko naman sayo ay hintayin mo ako diba? Parehas tayo ng oras ng pasok tuwing MWF kaya isasabay na kita. Alam ko naman na iiwanan ka na naman ng mga pinsan mo!" Nakakunot noo siyang lumapit sa akin at hinila ako palapit sa kanya.


"Wala akong pambayad sa serbisyo mo at okay lang ako," sagot ko pero di siya nakikinig kasi sinusuotan na niya ako ng helmet. Yung pulang helmet na may Daisy design na alam kong binili niya para sa akin kahit sinabi niyang napulot niya lang iyon.
"Mas mayaman ako sayo kaya di kita hinihingan ng service fee."
"Okay nga lang ako. Paano kung makita tayo ng tao? Anong sasabihin nila kapag nakita nilang si Niko Barrera ay may kasamang pa-"
"Magandang dilag? E di maiinggit!" putol niya sa akin.

NANG makarating kami sa back gate kung saan niya ipaparada ang big bike niya ay agad akong bumaba. Mabuti nalang walang masyadong tao.
"Para naman akong may sakit kung makaiwas ka," ani Niko nang makababa rin siya.
Binalik ko na ang helmet "sige na mauna ka na sa loob! May bibilhin pa ako" pagsisinungaling ko.
"Okay. See you later!"
Nang wala na siya ay inilabas ko ang Registration form ko dahil may conflict pa sa mga klase ko. Kailangan kong pumunta ng Registrar's Office.
Biglang humangin at natangay ang papel na hawak ko. Di ako nakapag-isip agad kaya hinabol ko kaagad ang papel...
Nang may dadaan palang itim na Impala at masasagasaan ako.
Akala ko mamatay na ako at wala nang magawa kundi mapapikit nalang.
Hinihintay ko ang sakit na madadama ngunit hindi iyon nangyari.
Napadilat ako. Nang ma-realize ko na safe ako ay napabuga ako ng hangin at naupo sa kalsada. 
May dalawang lalaking humahangos na lumabas sa kotse. Agad akong tumayo at tinakpan ang pilat ko ng buhok ko.
"Erwin naman oh!" narinig kong sabi ng isang lalake.
Ang tinawag na Erwin ay agad akong sinipat. "Sorry miss ha. Bigla ka kasing lumitaw eh. Okay ka lang?"
Tumango ako at yumuko. Bakit mukhang pamilyar ang lalaking ito?
Di ko inaasahan ang paglapit ng isa pang lalake. Napapitlag ako nang hawakan niya ako sa magkabilang balikat at sinipat ako kung may galos.
Ikinagulat ko rin ang pagtabing niya ng buhok ko sa mukha ko. Agad kong inalis ang kamay niya at inayos ulit ang buhok ko sa pilat ko.
"Okay lang ako!"
Nang tuluyan ko siya tingnan ay bigla akong nanlamig.
Nakasuot siya ng baseball cap. Naka-jacket siya at may makapal na eye-glasses.
Pero kahit ano pa ang isuot niya, hindi niya ako maloloko kung sino talaga siya.

Si Lance Navarro!

A Beauty Into A BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon