9

22 1 0
                                    

A BEAUTY INTO A BEAST pt 9
Pumasok muna ng cr sina Lance habang ako ay naghintay sa labas. Paglabas nilang dalawa ay di ko sila nakilala dahil nagmukha silanh matatabang ibang tao. Kung di pa nga nila ako nilapitan ay di ko sila makikilala.
"Sorry to keep you waiting. We really have to do this."
"I understand," sagot ko.
Habang papunta kami ng canteen para bumili ng makakain ay nagtanong si Lance. "So saan ba itong kakainan natin?"
"Sa likod. Sa puno ng balete."
"At hindi pinupuntahan ninuman?" Sabat ni Erwin.
"Pinupuntahan ng iba kung gusto mag-yosi o ng mag-dyowa pero hapon sila pumupunta. Isa pa ay kilalang haunted iyon kaya di talaga gustong tambayan."
"Sounds a perfect spot for us," Lance commented.
Walang pumansin sa amin sa canteen. Effective ang disguise ng dalawa.
"Bakit iyan lang ang in-order mo?" Tanong ni Erwin sa binili ko.
"Hindi ako masyado nagugutom. Isa pa ay nag-iipon ako kasi malapit na birthday ni mama."
"Wow. Good daughter. I wish her a happy birthday."
"Thank you," kimi konh tugon at yuko. Magkasabay kasi kami sa paglalakad ni Lance samatalang si Erwin ay nasa likuran.
Papalapit palang kamk sa pwesto namin ay nakita na namin ang isang lalake na nakaupo sa isang malaking sanga ng puno.
"Mukhang may nauna na sa atin," ani Erwin.
Pero agad kong nakilala si Niko. Napakamot tuloy ako ng ulo. Bakit nandito siya?
Nang makalapit kami ay nagtataka rin ang ekpresyon ni Niko.
"Who are these guys, Cozette?"
"I am Lance and this is Erwin. We are in disguise," simpleng sagot ni Lance.
Napangiti si Niko. "Great! So makakasabay ko kayong kumain?"
Mukhang hindi gusto ni Lance ang sinabi ni Niko dahil hindi siya sumagot.
Kaya ako na ang bumasag sa katahimikan.
"Bakit ka pala nandito Niko? Wala naman tayong usapan ah?"
"Just wanted to surprise you. I even bought your favorite pizza," aniya sabay pakita ng box ng pizza.
"For what?"
"Ligawan ka. Para makamit ang matamis mong 'oo'."
Di lang mga mata ko ang nanlaki. Pati kay Lance.
"Sweet," ani Erwin.
Tumawa ng malakas si Niko. "Kailangan ko na talaga ng 'oo' mo Cozette. Ang pumayag ka sa pag-demo. Feeling ko kasi hi-hindi ka na eh dahil sa nangyari kahapon."
Napahinga ako ng maluwang. Oo nga naman, kailangan niya ako sa demo.
"Demo? Para sa banda?" Erwin asked.
"Oo. Cozette is a good singer. Actually siya rin yung--"
"You sing?" Tanong sa akin ni Lance.
"Marunong," sagot ko sabay ayos ng buhok ko.
"Kain na tayo!" Aya ni Niko sabay akbay sa akin para paupuin. Sumunod naman ang dalawa.
At first it was awkward. Halos si Niko ang nagdadala ng usapan. Sumasali rin si Erwin pero tahimik lang ako at si Lance.
Medyo naiinis na nga ako sa kaibigan ko kasi kung makaasta ay parang closr na kaming lahat. Panay rin ang pag-asikaso niya sa akin tulad ng pagkuha ng pagkain ko, pag-ayos ng buhok ko at pagkurot s tagiliran ko kapag tinutukso ako.
Normal naman iyon pag kami lang dalawa. Pero nakakahiya sa dalawa pa naming kasama.
"Are you friends or dating?" Biglang tanong ni Lance.
"Friends!" Agad kong sagot.
"And more," natatawang sagot ni Niko.
"Magkababata kami. We went to the same schools--"
"We were clubmates. Ahead ako ng one year kaya sa drama club kami nagkakilala. You know when we were in elem, we were supposed to be Don--"
"Oy may sauce ka sa bibig," sabi ko sabay pahid ng panyo sa buong bibig niya.
Sobrang daldal ni Niko at ikukwento pa niya ang nakaraan. Baka biglang maalala ni Lance na naging clubmate din namin siya.
I don't want him to find out. Na ang Donya Maria niya ay Donya Sunog na ngayon.
Kinuha ni Niko ang panyo sa bibig niya. "Ikaw rin meron," aniya sabay punas sa gilid ng labi ko.
Nataranta naman ako. Nakakahiya talaga.
"May malapit bang CR dito?" Lance asked.

A Beauty Into A BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon