8

21 1 0
                                    

A BEAUTY INTO A BEAST pt 8
"Mauna ka na sa class. Magpapalate lang ako ng konti," sabi ni Lance.
Kinahihiya niya ba akong kasabay?
He smiled na para bang alam niya ang iniisip ko.
"You can't be seen with me. Ayokong madamay ka sa kalagayan ko."
I smiled. He cares.
"But I have a request: save me a chair next to you ifnit is okay."
Gusto kong sumagot ng "okay na okay my labs" pero pinigilan ko sarili ko. Sa halip ay tumango ako.
Pagdating ko ng room ay marami na ang tao. Isa uli itong minor subject kaya marami ang students.
Agad kong hinila ang upuan sa likuran. Sa side na iyon ay apat ang mga upuan. Doo kami pupwesto ni Lance.
Pag-upo ko ay plano ko nang ilagay ang bag sa katabi konv upuan nang may humila non at umupo.
Caulder!
Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat.
"Don't look at me. It is creepy."
Agad akong nakabawi sa gulat. "May nakaupo na dyan."
"Yes. Ako."
Base sa tono niya ay di siya madadala sa pakiusap kaya ginala ko ang tingin sa room. Mayron pang dalawang bakanteng upuan sa may gitna ng room. Pwede kami don ni Lance.
Nang tumayo ako para lumipat ay naramdaman ko ang kamay ni Caulder sa braso ko sabay hila sa akin pabalik ng upuan. Muntik na akong mapasigaw sa gulat.
"What is wrong? Ayaw mo akong katabi?"
"Wala kang pakialam."
"I know what are you doing. You like Lance? Well sorry shrimp you can't."
"Sino ka ba para pigilan ako?"
"Hindi kita pinipigilan. May gusto lang akong sabihin bago ka umalis," aniya.
Dumako ang mga mata ko sa gusto kong lipatan. Pero hindi na iyon bakante. Shit.
"Maghapon kayong magkatabi sa klase ni Lance. At since mainit siya sa mga mata ng tao ngayon, baka ikaw madamay. I mean, you dont like that do you? Ayaw mong mapansin ka ng mga tao. Hindi ka lang nila mapapansin, they would also hate you, and worse, destroy you." Pinakawalan na niya ang braso ko. "Now I said it. Go ahead."
Pero hindi ako makagalaw. Nagbaba ako ng tingin. Ayoko mang aminin ay tama si Caulder.
Pareho kamjng napalingon nang pumasok ng room si Lance. Napatingin din siya sa amin ni Caulder.
"Hi superstar! Bati ni Caulder sabay lapag ng bag niya sa katabing upuan.
Meaning, ayaw niyang katabi si Lance.
Gusto kong manghingj ng sorry nang makita ang pagkadismaya ni Lance. Pero di niya pinatulan si Caulder. Umupo nalang siya sa natitirang upuan sa linya namin. Katabi ng bag ni Caulder.
Nagstart ang class pero di ako mapakali. Una, dahil ramdam ko ang tension sa pagitan ni Caulder at Lance. Pangalawa, baka galit sa akin si Lance.
Gusto kong habulin ang tingin niya para mag-sorry nang tahimik pero mukhang sinasadya ni Caulder na humarang sa paningin ko.
Ano bang problema ng taong ito? Kung tao talaga siya.
Samantalang si Lance ay diretso lang ang tingin.
Nagulat nalang ako nang tawagin ng prof ang pangalan ko. Napatayo agad ako. May tinanong siya sa akin na di ko masagot dahil hindi ako nakinig sa kanya.
Medyo nakakahiya nang sabihin kong "I have no idea."
May ilang nagtawanan. Napailing naman ang professor. "Are you really here miss?"
Napayuko nalang ako dahil pansin kong lahat sila ay sa akin nakatingin.
"Okay. Who wants to help her?"
Walang nagtaas.
"Anybody?"
This is so embarrassing!
Napasinghap halos lahat ng naroon nang sabay na magtaa ng kamay si Lance at si Caulder.
Natuod ako sa kinatatayuan ko.
Dahil mukhang may crush ang prof kay Lance ay ito ang tinawag niya.
Tumayo agad si Lance at saglit na nag-isip. Nang ibigay niya ang sagot ay medyo napasimangot ang prof."
"That is not the right term but can be considered mister Navarro."
Muling tagtaas si Caulder. Nang ibigay niya ang sagot ay ngumiti ang prof.
"You may sit down now miss. Mr. Barrera has saved you."
Hindi ako natutuwa sa sinabi niya. Parang may utang na loob pa ako sa devil na ito.
-
Nang matapos ang klase ay agad na lumabas si Lance. Oh great. Mukhang bad trip talaga siya.
Nagmadali na rin akong lumabas dahil di ko na kayang kasama si Caulder.
Paglabas ko ng pinto ay naroon pa pala si Lance, kausap ni Erwin. Nang makita niya ako ay tinanguan ako.
"I am sorry--"
"Shh. It's fine Cozette. Really. Bad trip lang talaga ako kay Caulder."putol ni Lance sa akin. Nakahinga ako ng maluwang.
"We will have our early lunch. Want to join us?"
Gustong-gusto kong sumagot ng oo pero bigla kong naalala ang sinabi ni Caulder kanina.
"Ah ano kasi..."
"Ayoko kasing kumain sa cafeteria. Do you know a place where we cannot be disturbed?"
Tumango ako at na-realized na pwede pa rin akong sumabay sa kanila na di nakikita ng tao.
"Actually, meron. Doon ako madalas kumakain."
"Great! Let's go!" Tumalikod na sila para lumakad. Ako naman ay inayos muna ang buhok para matakpan ang ngiti ko.
Nawala ang kilig ko nang may bumangga sa akin. Si Caulder na kalalabas lang ng room. Hindi man lang nag-sorry.

A Beauty Into A BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon