"A Beauty Into A Beast" 3
"I'm sorry," sabi ni Lance ngunit ako ay nagbaba ulit ng tingin. Pinaglalaruan ata ako ng tadhana. Kung saan kahit gustong-gusto ko si Lance ay ganon ko rin kagusto na di kami magkita. Hiyang-hiya ako at gusto ko nalang kainin ng lupa.
"Lance, let's go. Baka may makapansin sayo-" ani Erwin na kaya pala pamilyar dahil personal driver siya ni Lance. Kahit saan si Lance ay palagi siyang naroon.
May narinig kaming babae na napasigaw nang makita sila. Dahil doon ay marami na ring nakapansin at papalapit sa amin.
"Too late," sabi ni Lance na napatingin na rin sa paligid.
This is my chance! Ayoko mapaligiran ng mga tao. I have to escape kaya dali-dali akong tumalikod.
"Wait!" dinig kong tawag ni Lance. Sana lang ay hindi ako ang tinatawag niya dahil di ako huminto.
Takbo agad ako sa ladies' CR.Bakit narito si Lance? Dito siya mag-aaral? Sa lahat ng school sa Pilipinas ay dito pa? Well, kahit papano ay maganda at secured dito. Safe kahit papano kahit ang mga TV personalities na tulad niya.
Gayon pa man ay aminado akong natutuwa dahil nakaharap ko na ulit si Lawrence. Grabe, mas gwapo siya sa personal!
Ganon pa rin ang mga bughaw niyang mga mata. Gusto kong mangisay sa kilig!
Napatingin ako sa salamin sa CR at nawala ang ngiti ko. Hanggang tingin nalang siguro ako kay Lance dahil sa itsurang ito.
-
MAAGA akong pumasok sa klase ko. Ako ang unang tao doon. Pumwesto ako sa dati ko pang inuupuan-- sa likod ng room malapit sa pinto para madali akong makalabas at di na kailangang makita pa ng iba.Ilang minuto lang ay nadaragdagan ang mga kaklase kong pumapasok. Lahat ay may kasama at kausap. Lahat ay may kaibigan. Ako ay wala.
Miss ko na agad si Niko.
Dumating ang professor naming bading nang mag-bell na which is nakapagtataka dahil lagi naman itong late. At medyo good mood lang. He scanned our room, may hinahanap ata pero mukhang wala pa ang hinahanap niya.
5 minutes later ay di pa rin nag-uumpisa ang klase. Mukhang may hinihintay talaga ang prof namin.
Suddenly, bumukas ang pinto at biglang lumiwanag mukha ni sir Bading.
"Lawrence! Come in. Have a seat," tinuro ni sir ang pinakamalapit na upuan sa kanya.Ako naman, ang pinakamalapit sa pinto, ay natuod at di makatingin sa kapapasok lang.
Kaklase ko siya? This is not happening!
"Thank you, sir. Pero may problem po ako sa mata so I guess I'll seat in the back," sagot ni Lance and to my horror ay sa tabi ko siya umupo.
Kami lang dalawa ang magkatabi sa pinaka likod.
Nag-start ang klase. Bibo si sir Bading at panay ang tingin kay Lance. Palakad-lakad din siya sa likod at nagtatagal sa side namin ni Lance. Ang mga kaklase namin ay panay din ang lingon sa likod. Kay Lance.
Ako naman ay straight body lang. I can't even look at him. At ang bango-bango niya. Siya naman ay seryoso sa pakikinig. Mabuti pa siya ay natututo samantalang ako ay mukhang tumigil ang mundo.
Nang matapos ang lecture ay pinakopya na kami ng notes. Nanginginig pa akong kumuha ng pen at paper. Sa kaba ko ay nahulog ko pa ang pen na gumulong sa tabi ng paa ni Lance.
Napatingin ako sa ibaba. Pati binti ni Lance ay gwapo.Kukunin ko ba? Wag na. May extra pen pa naman ako.
Kukunin ko na sana ang extra pen ko nang mapansin kong may naglapag ng nahulog kong pen sa desk ko. Pag-angat ko ng tingin ay ang nakangiti na si Lance ang nakita ko.WTH!
"Hi Cozette."
Kinabahan agad ako. Kilala niya ako? Natatandaan niya ba ako?
"Tinatawag kita kanina kaso nakaalis ka na. Naiwanan mo kasi 'to," aniya at inabot ang reg form ko.
So nabasa niya lang pala do'n ang name ko."I'm Lawrence Twaine," inilahad niya ang kamay niya.
I know everything about you. Even your real name!
Pero di ko yata kaya tanggapin ang kamay niya kahit gusto ko kaya tumango nalang ako sa kanya.
Akala ko tapos na siya pero di pa pala.
"I'm sorry if I'm making you uncomfortable. Please don't see me as Lance Navarro. Treat me like a normal student please?"
Tumango nalang din ako ulit at inayos ang buhok ko. Why is he so nice? I mean, diba dapat mayabang at pasikat siya?Well, he's different from other actors.
I think I love him more.Nang matapos ang klase ay nagmadali akong lumabas. Si Lance ay di agad nakaalis dahil pinalibutan siya ng mga students at ni sir Bading.
-
SECOND class. Iniisip ko kung ano ang major ni Lance. Minor subject ang klase namin kanina kaya pwedeng magkaklase mga magkakaibang major.
Sana di ko na siya kaklase ngayon kahit gusto ko.Tulad ng una, sa likuran malapit sa pinto ako pumwesto. Wala pa ang prof kaya head down muna ako.
Naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Naamoy ko rin ang pamilyar na pabangong iyon.
Then I heard him say, "Sorry pero nakita ko schedule ng klase mo sa reg form mo. I think we're gonna have to spend more time together, classmate. I'm taking up Social Work too."
Napa-straight body ako at nilingon ang katabi ko.
Lance is also looking at me, smiling sweetly.Oh my God!