1

49 3 0
                                    

A Beauty Into A Beast" 1
Ang init! Sobrang init na para bang iniihaw ako.
Hindi rin ako makahinga!
Hindi rin ako makakita dahil sa usok.
Usok!
Nataranta ako at agad na tumawag sa mga magulang ko.
May nakikita na akong apoy na nakapalibot sa bahay. Lalong kumakapal ang usok. Nauubo na ako at nanghihina.
Ano'ng nangyayari? Mamamatay na ba ako?
Muli akong tumawag kay papa at mama. Ubo na ako nang ubo.
Naulinigan ko ang pagtawag ni papa sa pangalan ko. Nabuhayan ako ng loob. Tumawag ulit ako.
Nang sa wakas ay magkaharap na kami ay napansin kong lalong lumaki ang apoy. Pareho na kaming nanghihina ni papa.
Naiiyak na ako sa takot. Ngunit ang ekpresyon ng mukha ni  papa ay kalmado.
"Papa natatakot ako!"
"Nandito ako anak. Di ko hahayaang may mangyari sa'yo."
Naniwala ako kay papa. Alam kong hindi niya ako pababayaan.
"Nasaan si mama?" lalo akong kinabahan dahil hindi ko nakikita ang akin ina.

"Patawad, anak." Sabi ni papa na hindi ko maunawaan ang gusto niyang sabihin.


Halos tumalon ang puso ko nang may marinig kaming parang babagsak.
"Cozette!" ang sigaw ni papa.
At bigla nalang nagdilim ang lahat
-
Napalikwas ako mula sa pagtulog. Panaginip na naman ng nakaraan. Bakit kailangan pa akong bisitahin ng alaalang iyon 3 years ago?
Napatingin ako sa katabi kong ding-ding kung saan nakapaskil ang poster ni Lance Navarro, ang ultimate crush ko na hindi lang sikat na sikat na artista kundi hearthrob din sa buong Pilipinas.

"Good morning, my labs!" bati ko sa kanya sabay kiss sa papel niyang lips.
Pangalawang linggo ko ngayon sa school. First year college na ako at ang kinukuha kong course ay Social Work. Bukod sa likas akong matulungin ay gusto kong maging Social Woker dahil na-inspire ako sa mga katulad nila simula nang mangyari ang aksidente sa bahay namin. Ang social workers ay kabilang sa mga tumulong sa amin sa mga panahong di namin alam ang gagawin ni mama
Naghanda na ako sa pagpasok sa school. Nang makaligo ay kumuha ako ng maong pants, turtle neck na blouse at blazer.
Pagharap ko sa salamin ay napasimangot ako. Kahit kasi matakpan ng damit ko ang kanang bahagi ng katawan ko na may pilat ng pagkasunog, di basta-basta makukubli ang kanang gilid ng pisngi ko. Ang minsan kong magandang mukha ngayon ay may pilat na. Napasulyap ako sa nakadikit na picture ni Lance sa salamin.
"Nako labs, pagnagkita tayo baka i-break moko."
Binago ko ang boses ko para kunwari ay sumagot si Lance "Ano ka ba Cozette, my labs. Tanggap kita kahit ikaw pa ang pinaka-panget na babae sa buong mundo!"
Kinilig naman ako at natawa.
"Aww, yung pinsan natin, baliw at panget na nga, pilingera pa!"
Napalingon ako kay Bam at Cam, ang dalawa kong laiterang magkambal na pinsan. Hindi naman sila totally evil. Sadyang mapang-asar lang at spoiled. Pero kaya ko naman sila pakisamahan.

Amateur freelance models sila at gandang-ganda sa mga sarili. Well, yung isa sa kanila ay mas malapad ang noo, yung isa ay mas mapanga. Bukod doon ay identical na sila maging sa ugali.
"Di na naman kayo kumatok sa kwarto ko," sabi ko kunwari naiirita para matakpan ang pagkapahiya ko.
"FYI dear cousin na inihaw, nakikitira ka sa amin kaya may karapatan kami. Anyway, where's my assignment?" tanong ni Bam.
"At yung pinaplantsa ko sayong blouse?" si Cam.
Kinuha ko ang mga kailangan nila. Pagharap ko sa kanila ay hawak na nila ang picture ni Lance na kanina ay nakadikit sa salamin ko.
"Lance Navarro is so handsome, Cozette. He will never want to even meet you. Kaya ituloy mo nalang pangangarap mo," ani Bam bago kinuha sa akin ang blouse niya. Kinuha na rin ni Cam ang assignment niya. "Or mag-ipon ka para sa pagpapa-ayos ng balat mo pero baka abutin ka ng 50 years. So here's 500 for your service." Initsa nila ang 500 pesos at ang picture.

Then nawala na sila. Sanay naman na ako sa kanilang dalawa. Mabuti nga at binabayaran nila ako sa mga inuutos nila. Kailangan ko talaga ng pera.
After the fire and my papa's death ay kinupkop kami ng pamilya ni tito Fred, ang kapatid ni mama. Ang asawa ni tito ay si Tita Lita na bestfriend ni mama noon pa man. Sa katunayan kaya nagkatuluyan sina titio at tita ay dahil kay mama kaya malaki ang pasasalamat nila sa mama ko.

Kaso mga ilang buwan palang matapos ang trahedya ay biglang nagbago si mama. Sa sobrang stress at heartbroken ay di na niya kinaya. Bigla nalang siyang natutulala at hindi na makausap.


Ngayon ay nasa especial siyang pangangalaga. Mabuti nalang ay may insurance ngunit maging iyon ay kulang. Kaya hangga't maaari ay ayoko maging pabigat kila Tito at Tita.
I need to focus on how mama and I will survive. Di ko naman kailangan ng love life. Imagination nalang.
Pinulot ko ang picture ni Lance. Last month lang, after ng 3 years of airing ng kanyang musical day drama ay in-announce niya na di muna siya tatanggap ng anumang projects dahil magfo-focus muna siya sa pag-aaral. Sad talaga kaming mga fans niya dahil di namin alam kung kailan ulit namin siya makikita sa TV. Kaya ngayon ay hanggang picture na lang niya ako magti-tiyaga.

"Hay nako. I admire you for your decision pero paano naman ako labs? All these years ay ikaw pa rin ang love ko. Kahit sino walang pumalit sayo simula nang mag-play tayo noon for Buwan ng Wika. Ikaw pa rin ang Don Juan ko. Ikaw pa rin ang Lawrence na crush ko noon pa man. Kahit di na tayo magtagpo, para sa akin ay ikaw lang ang true love ko!" And I kissed his picture.

ABANGAN...

A Beauty Into A BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon