Chapter 2

95 14 0
                                    

LUMIPAS ang ilang araw at nanatili nga ako sa loob ng kuwarto ko.

Lumalabas lang ako pagkakain na kami. Araw-araw rin may pipuntahan ang parents ko kasi bininisita nila ang mga kamag-anak namin sa Marawi dahil sa sobrang tagal raw nilang hindi nagkita.

Habang nakatunganga ako sa ceiling may biglang sumagi sa isip ko.

Bakit kaya hindi ako magmall?

I can't just waste my energy staring at the ceiling, di ba?

I wore my Gray Adidas Sweatshirt and jogging pants.

Mukha akong mag-ggym pero bahala na atleast I'm comfortable.

Lalabas na sana ako ng kuwarto pero nakita ko yung hijab na ibinigay saakin ni mama noon sa Airport habang nakasabit sa may pintuan.

Kinuha ko ito at lumapit sa mirror para suotin. Kinuha ko ang mga pin at inilagay ko ito ng maayos sa ulo ko pero nahuhulog!

Bakit pa kailangan lagyan ng pin.

Bahala na! isinabit ko na lang ang hijab sa leeg ko at lumabas. Maybe in the future matututunan ko rin ang pagsuot nito.

"San ka pupunta?" Tanong ni Kuya Jid habang nanonood ng TV.

"Magmamall" tipid na sagot ko.

"Sinong maghahatid sayo?" Tanong niya.

"I know how to commute" sagot ko.

Inilabas niya ang phone niya at ibinigay saakin.

"Isave mo ang number mo" Sabi niya.

Inabot ko ito saka sinave ang number ko.

"Mauna na ako" pagpaalam ko bago lumabas ng bahay.

Nagpunta ako ng Gaisano Mall at pumasok sa isang department store para mamili ng damit.

I wasted my four hours grabbing anything I like sa bawat store na pinapasukan ko.

Alam kung magagalit si papa dahil sa isang iglap ubos agad ang allowance ko,but they can't blame me. Hindi nila pinadala saakin lahat ng mga damit ko.

Nang mapagod ako ay naisipan kong kumain. I decided to eat in McDonald's.

I ordered Mc. Flurry and Choco pie and enjoyed eating it ALONE.

Hindi nagtagal ay pumasok ang grupo ng kalalakihan na nasa lima ang bilang lahat sila nakasuot ng uniform.
White short-sleeved polo for the upper and navy green slacks for the lower. Lahat sila may itsura,anyway.

"Ako na ang oorder" pagpresenta nung nakasalamin na sobrang ayos ang buhok.

"Ang gwapo nila"

"Sila yung big 5 ng la salle"

"Balita ko sila yung top 5 students nila, ang tatalino"

Umupo sila sa tabi ng table ko.

"Full package Gaga"

If they are real geniuses, Hindi sila mukhang nerd. Maybe they are just maarte or you called the 'Richkid with brain' madalang ka na makakita ng ganyan. Yung full package.

Lahat sila mapuputi, matatangkad at ang linis nilang tignan sa uniform nila.

Ibinalik ko ang atensyon ko sa phone ko at nagsimulang magscroll sa Facebook.

"Anong sabi ni prof?" rinig kong tanong nung isang lalaki.

"May bagong transferee" sagot naman nung nagpresentang umorder kanina nang makaupo siya.

The Last White RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon