Chapter 13

47 10 0
                                    

*CALI*

Kalalabas lang namin ng junior high building at  bumungad saamin ang magkayakap na si Alisa at Louis.

Hindi ko alam kung bakit biglang uminit ang dugo ko sa nasasaksihan ko.

Humiwalay sila sa pagkakayakap at may tiningala sa itaas!

Anong feeling niyo may snow kasi nagyakapan kayo?!

Tsk!

Bwesit! Ang ganda na ng mood ko kanina tapos masisira lang dahil sa nakita ko?! NO WAY!

"Tol, Bakit mukhang naiinis ka?" Tanong ni Jay.

Obvious bang naiinis ako?

Kahit kaunting bagay napapansin ng taong to!

"Hindi mo ba nagustuhan ang nasaksihan mong pagyayakapan nilang dalawa?" pangkakatyaw ni Nash saka sila ititnuro.

"Hindi pa nga nagsisimula ang laro, talo ka na agad"

Napatingin ako kay Ford ng sabihin niya yun.

"Sinong may sabi na talo na ako?" inis na tanong ko saka ibinalik ang tingin ko sakanilang dalawa.

Nagpalinga-linga si alisa bago niya kami nakita.

Tinignan niya kaming lahat bago niya ipinukos ang titig  saakin.

Yung paraan ng nga tingin niya ay wari mo'y nagtatanong.

" Okay ka lang ba?" rinig kong tanong ni Louis kay alisa pero mukhang hindi niya ito narinig kasi nasaakin ang buong atensyon niya.

Nakipagtitigan ako sakanya pero bakit hindi ko maintindihan bakit kakaiba ang naidudulot ng mga titig niya saakin.

"Alisa, nagkasugat ka sa paa"

Agad na napatingin ako sa paa niya nang sabihin iyon ni Louis at doon ko lang din nakita ang basag na paso.

Naintindihan ko na kung bakit magkayakap sila.

Lumapit din agad ang mga kaibigan ko para tignan ito kaya lumapit na rin ako.

"Kaya mo bang maglakad?"nagaalalang tanong ni Louis.

Tumango naman si Alisa saka inalalayan ni Louis at nong apat papuntang clinic. Nakasunod na lang din ako.

Si louis lang ang pinapasok ng nurse  kaya naghihintay na lang kami ngayon sa labas.

Bigla kong naalala ang mga titig ni Alisa saakin kanina, Alam kung may gusto siyang iparating gamit ang mga titig na iyon.

Hindi ganito ang naramdaman ko sa naging unang target namin nung second year palang kami.

Yung ganung titig ang nagpapatino saakin.

Bat ba kakaiba ang naidudulot mo saakin Alisa?

Lumipas ang ilang minuto at lumabas na rin si louis na mukhang nagmamadali.

"Tol, pakitingin muna si alisa para saakin may kakausapin lang ako" tapik ni Louis sa balikat ko.

Hindi pa ako nakakasagot ay kumaripas na siya ng takbo kaya pumasok na rin kami sa loob para tignan si Alisa.

Nadatnan namin siyang nakasimangot habang nakatingin sa kawalan, ang cute niya!

Hahahhahahaha

"Ang cute mo pala pagnakasimangot, hahahahahahaha" napunta saamin ang tingin niya nang bumanat si Jay.

"Mukha kang kamatis, bwahahhaahah" Sabi pa niya.

Nasapo ko na lang ang noo ko!

Wala talagang pinipiling tao itong si Jay, lahat nalang pinagtitripan.

The Last White RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon