Chapter 12

51 10 0
                                    

"For the first time in the history"

panimula ni Mr. Baler nang makapasok siya sa room.

"Cali, nakapikit ka ba habang sumasagot sa test?" Tanong ni Mr. Baler kay Cali.

"Hindi po, bakit?" kabadong tanong ni Cali.

"You got 155 out of 160 points" Sabi niya.

"Naunahan ka pa ng mga Tropa mo" Sabi pa ni Mr. Baler

"Jay and Nash got 158, Louis got 157,ford got 156, Rhys got 159"anunsyo niya.

"the rest got 140 below except for----"

putol niya sa sinabi niya saka tumingin saakin.

"Clarissa" Sabi niya saka nagpalakpakan ang mga kaklase ko.

Wala na akong nagawa kundi ang mapakamot sa sentido ko.

I didn't made it!

"Clarissa, got 150,ano ba kayo" pagpatuloy niya sa sinabi niya.

"Alisa Balt got the perfect score!"

Natameme ako sa naging anunsyo ni Mr. Baler. Kung kanina ay kinain ako ng nerbyos at hiya ngayon ay biglaang nawala!

Tanging mga kalalakihan lamang ang nagpalakpakan at ang ibang nga babae ay nakaismid.

Tsss. Mga Inggetera!

Tumayo ako para kunin ang test paper.

"This is the first time"

Napatingin ako kay Mr. Baler na umaktong magpupush up kaya pinigilan ko kaagad.

"Sir, I was just kidding in that time, don't do that na" Sabi ko saka bumalik sa upuan ko.

Hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni Louis!

"By the way na post na sa bulletin board ang ranking niyo, tignan niyo nalang mamaya" anunsyo pa niya.

Nagsimula na ang klase sa bagong topic, Universe, ang topic namin.

Pagkatapos nang first period ay nagsilabasan na kami para tignan ang ranking namin sa bulletin board.

GRADE 10[Top 8 students]

1 BASMAN, CALI
2-BALT, ALISA
3-MANABAT, JAYSON
4-FLOREZ, LOUIS
5-AMATE,FORD
6-BANI,AMERHASSAN
7-ISAGANI, RHYS
8-CHUA, CLARISSA

Top 2 agad!!!!

What the! I'm so proud of myself!
Akala ko hindi ako makakacatch up sakanila pero second ako! I can't believe it!

Humarap ako sa likod at nakingiti saakin ang big 5.

"You beat me! Congrats!" bati saakin ni Jay.

"No wonder, mukha ka naman talagang matalino, kaya Congrats!" bati rin saakin ni Rhys.

"Muntikan mo na akong malampasan ha! Ano bang secret power mo at ang bilis mong nakaangat?" di makapaniwalang tanong ni Cali.

Itinuro ko ang ulo ko saka tumango tango sakanilang lima.

"Oh, Rhys, dahil ikaw ang huli saatin, do you mind treating us?" tanong ni nash.

"Of course, celebration for Alisa too, mamayang uwian!" masayang tugon ni Rhys.

Nagpatuloy ang klase at hindi ko na napansin si Louis. Kakausapin ko na lang siya mamayang lunch time.

"That's all for today, class dismissed" anunsyo ng guro namin sa last period saka lumabas.

Inayos ko agad ang gamit ko saka pinigilan si Louis nang patayo na siya.

"Can we talk?" paghimuk ko sakanya.

Napatingin siya sa kamay kong nakahawak sa braso niya kaya naalis ko agad.

Pumunta kami ng soccer field saka umupo sa mga bleachers.

"Bakit di mo na ako pinapansin?" prangkang tanong ko.

Wala akong natanggap na sagot sakanya.

"hoy, Bakit hindi ka na nagrereply sa mga text ko?" Tanong ko ulit pero hindi parin siya sumagot.

"Louis Florez, sige ka hindi na rin kita papansinin forever" pananakot ko sakanya.

"I got confused in this past days"

Napangiti ako sa biglaang sagot niya saakin.

Hahahahhahaha, dahil lang sa tinakot ko siya na hindi ko na papansinin kumagat agad!

"youre confused? About?" takang tanong ko.

"About you" Napataas ang isang kilay ko dahil sa sagot niya.

"about me? Wala namang katakataka saakin" sagot ko.

"I just can't understand myself this past few days, I know I'm still in love with clarissa but I think I'm starting to like you"

Did I hear it wrong?

"Absolutely you are confused, you should not like me, I'm not capable of liking someone back just because they like me" Sabi ko.

Totoo naman kasi, hindi porke't gusto ka nung tao dapat magustuhan mo rin
Ayaw ko magbigay ng motibo na gusto ko siya kahit wala naman talaga akong nararamdaman Para sakanya.

"yeah, I know" tanging nasabi niya saka tumingin sa malayo.

"let's clear everything, you are just confused, you should go back with Clarissa and us?---- We are still friends, don't worry" pagkaklaro ko sa sitwasyon namin.

Tumango naman siya sa inilahad ang kanyang kamay para makipagshakehands.

Inabot ko naman ito saka ngumiti.

"Sumama ka mamaya, ha" bilin ko sakanya saka binawi ang kamay ko.

Tumango naman siya bilang sagot.

Habang naglalakad kami sa hallway ay bigla niya akong hinatak kaya napayakap ako sakanya ng hindi sinasadya at saka namin narinig ang nabasag na paso. Agad rna humiwalay ako sa kanya at tiningala namin ang building at kung saan tingin namin ay doon nanggaling ang flower pot na nahulog.

Mukhang sinadya kasi nakaayos ang pagkalagay ng ibang flower pot.

Pero sinong baliw ang gagawa nun?

Luminga-linga ako at nakita ko ang big 5 na nakatayo sa entrance hall.

Dumapo ang tingin ko lay Cali na Sobrang talim ng tingin niya saakin.

Anong nagawa ko sakanya at bakit ganyan siya kung makatingin?

"Okay ka lang ba?" rinig kong tanong ni Louis.

Walang balak tanggalin ni Cali ang mga titig niya saakin kaya I stared him back.

"Alisa, nagkasugat ka sa paa"

Agad na napatingin ako sa paa ko na dumudugo.

Lumapit agad sina Jay maliban na lang Kay Cali na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin saakin.

"Kaya mo bang maglakad?"

nagaalalang tanong ni Louis.

Tumango naman ako. Inalalayan ako ng apat papuntang clinic.

The Last White RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon