Chapter 20

43 11 0
                                    

*ALISA*

Pagkagising ko ay agad na kinuha ko ang phone sa table bed. Wala parin reply si Cali.

Tumayo agad ako upang mag-ayos ng sarili saka lumabas  para puntahan siya.

Habang naglalakad ako sa kung saan ay hindi pa rin mawala ang kaba na nararamdaman ko.

Kinuha ko ang phone ko para ilocate ang phone niya.

'Goddesses motel?'

Is he kidding me?!

Aligaga akong pumara ng jeep para pumunta sa motel na iyon. Hindi pa ako nakabababa ay tanaw ko na sina Ford na mukhang may hinihintay sa labas ng motel.

Bakit nandito sila?

Hinahanap rin ba nila si Cali?

Bago pa man ako makalapit sakanila ay nakita agad ako ni Jay kaya lumapit na rin ako sakanila. Hindi nakatakas saakin ang pagtitinginan nilang apat bago tumingin saakin ng normal.

"Nakita niyo si Cali?" kabadong tanong ko.

"Bakit mo siya hinahanap??" Tanong ni Jay.

"Di na siya nagreply ng text ko mula kaninang gabi. Tinatawagan ko pero hindi niya sinasagot"Malungkot na sagot ko.

"Sumama ka saamin, hinahanap rin namin siya" Sabi ni Ford.

Tumango naman ako pero bago kami naglakad paalis ay tinignan ko muna ang malaking plaka sa itaas ng building kung saan nakalagay ang pangalan ng motel GODDESSES MOTEL.

Natatakot ako sa anumang pwedeng malaman ko ngayon.

Cali, Sana naman hindi ka katulad ng iniisip ko ngayon please!

Kasi hindi ko yun matatanggap.

Lumipas ang tatlong oras at hindi na namin siya nahanap kaya napagpasyahan ng apat na pumunta sa bahay nila.

Nandito kami ngayon sa sala nila.

Walang nagsasalita saamin ni isa. Pati si Cazi ay Tahimik lang din sakanyang kinauupuan.

Nakapangdekwatrong upo si Cazi at walang emosyon na nakatingin sa kawalan pero nakakatakot ang aura nito.

Muli't muli akong nakaramdam ng kaba dahil hindi pa dumarating si Cali.

Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Cali na halos matumba na kakalakad.

Agad na inalalayan ito ng mga kasambahay nila.

"Walang tutulong dyan" maawtoridad na utos ni Cazi.

Gustuhin ko man tumayo para tulungan siya ay hindi ko magawa dahil sa takot at kaba kay Cazi.

"Aalis ako ngayong araw at gusto ko walang gagalaw Dyan sa kapatid ko. Kung Sino man ang makapagsumbong saakin na pinakain niyo siya o ano pa man, huwag na niyang aasahan na makakatapak pa rito sa bahay" Pagkatapos niyang sabihin yun ay pumanhik na siya.

Nang hindi na namin maaninag ang katawan ni Cazi ay agad na binalingan ko si Cali na nakatingin rin pala saakin.

Nakaramdam ako ng pagkaphiya sa paraan ng pagtingin niya saakin.

"Mauuna na ako" pagkasabi ko nun ay tumayo na ako at nagsimulang maglakad. Lalampasan ko  na sana  si Cali pero hinarangan niya ako.

"You've think it wrong" Sabi niya habang nakatingin saakin ng seryoso.

Anong wrong lasing na lasing ka tapos halos hindi ka na nakabuttones.

"Hindi kita papangunahan, I will wait for you to explain all of this" tanging nasabi ko.

The Last White RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon