Chapter 18

42 11 0
                                    


"Kanina ka pa walang kibo" Malungkot na sabi ni Alisa nang makarating kami sa bahay nila.

"May iniisip lang ako" sagot ko naman.

"Salamat sa paghatid, mag-ingat ka, ha" Sabi niya bago lumabas ng sasakyan.

"Sorry" Tanging nasabi ko.

"You don't need to say sorry" Sabi pa niya saka ngumiti.

"Umuwi ka na late na" Sabi pa niya bago pumasok ng bahay nila.

Alam kong si Laureen iyon!

Hindi ako nagkakamali. Kailangan malaman agad ito ni Kuya.

Pinaharurot ko ang sasakyan ko pauwi ng bahay. Pumunta agad ako sa opisina ni Kuya at nadatnan ko siyang natutulog.

"Bro, I saw Laureen" panimula ko.

Nag-angat siya ng tingin saakin na tila ba ay hindi makapaniwala.

"Where?"

"Sa Mall"

Kinuha ni Kuya ang phone niya saka may tinawagan.

"J, hindi ako nagkakamali si Laureen nga ang nakita ko sa mall nung isang araw"

"Cali saw her too"

"Okay, we're on our way"

"Sumama ka saakin"

Nagmadali kaming lumabas ni Kuya at sumakay sa sasakyan ko. Pumunta kami ng mall.

Nasa parking lot kami at nandoon na ang uncle ni alisa na si jid.

"Saan niyo siya nakita?" Tanong ni, jid.

"I Saw her at the Adidas department" sagot ni Kuya saka tumingin saakin.

"Sa mga may mga libero, book launch"sagot ko.

Tinignan ni jid ang orasan niya.

"30 minutes na lang at magcoclose na ang mall. Maghiwahiwalay tayo C, ikaw ang sa Adidas department at ako naman sa may mga book launch. Ikaw dito ka lang, tumingin tingin ka kung sino ang lumalabas galing mall" nanginginig na sabi ni jid.

Bago paman sila umalis ay nasilaw kami sa napakaliwanag na ilaw galing sa sasakyan at isang preno.

Inaninag namin kung sino man iyon pero hindi namin makita dahil sa liwanag.

Tumabi si Kuya at jid upang makadaan ang sasakyan.

Dumaan ito saamin pero hindi namin nakita kung Sino ang nasa loob dahil tainted ito.

"Bilisan natin" sabi ni jid saka sila tumakbo ni Kuya papasok ng mall.

Lumipas ang isang oras ay bumalik silang dalawa  at lahat mukhang bigo.

"Mauna na ako" paalam ni jid saka sumakay sa sasakyan niya at umalis. Tinignan ko si Kuya at mukhang nanlulumo ito.

Sumakay na rin kami. Habang nagdadrive ako ay hindi ko napigilan ang bunganga kong matanong.

"Anong nagyari?" Tanong ko.

"Bumalik na talaga siya" Sagot ni Kuya.

"Siya ang may-ari ng Adidas department at book launch na sinasabi mo" Sabi pa niya.

"Hindi na namin siya naabutan dahil nakauwi na raw" Sabi pa niya.

"Natanong niyo ba kung saan siya nakatira?" Tanong ko.

"Hindi sinabi ng mga staff niya" sagot ni Kuya.

"Her life is too private now" Sabi pa niya.

Wala ng nagsalita saamin.

The Last White RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon