Chapter 33

41 7 0
                                    

*JAY*


Today is our examination day, sobrang excited namin kasi nga intramurals na!

Sa gymnasium gaganapin ang examination namin kasi hindi ko alam, hahahahaha

Nandito kami sa labas ng gym kasi hinihintay namin si Cali.

Ewan ba namin sakanya, hindi yun naglalate pag-Exam.

"Nagkalagnat daw siya kaninang gabi sabi ni manang" Sabi ni Rhys.

Ba't naman yun magkakalagnat?

Nagkatinginan kaming apat dahil hindi namin alam kung papaano siya nagkasakit, hindi kasi yun tinatablan ng sakit, hahahahaha.

Bigla ay natanaw namin siyang nakikipagtawanan kay alisa habang naglalakad palapit saamin.

Nagkaayos na ba sila?

"Yow Pre!" bungad sakanya ni Nash.

Nakipag-apiran naman ito saamin.

"Sabi ni manang nagkasakit ka daw nung isang araw?ayos ka na?" nag-aalalang tanong ni Rhys.

"Ayos na ako kasi magaling yung nurse na nag-alaga saakin" nakangiting sagot niya.

Tinignan niya si alisa saka kinindatan.

"Bati na kayo?" Tanong ko.

Tumango naman si Cali.

"Mauna na ako sainyo, okay" pagpaalam ni alisa saka kinuha ang isang libro na hawak ni Cali.

Nakatuon ang buong atensyon ni Cali Kay Alisa habang pumapasok sa gym.

Nang makapasok si alisa ay nakangiti itong tumingin saamin.

"I think there would be a lot of stories you need to tell us" Sabi ni Ford.

"After exam?" nakangiting panghahamon niya.

"Sige, libre mo kami kasi mukhang sobrang saya mo" Sabi ko.

"No, problem!" sagot naman niya.

"Mauna na ako sainyo sa loob, mag-aaral muna ako" Sabi niya pa bago pumasok.

Nagkatinginan kaming apat.

"Akala ko ba ayaw na niya?" nagtatakang tanong ni Nash.

Nagkibit balikat na lamang kami.

"May nalalaman pang I detest I detest tapos makikipag-ayos lang din, hahahahahah" malakas na tawa ko.

"Siguradong mahaba-habang storya na naman ang naghihintay saatin" Sabi ni Ford.

Pumasok na rin kami dahil ilang minuto na lang ay dadating rin nag mga professor para magbigay ng exam.

Nagbabasa si alisa habang sakanyang likuran naman ay si cali na nakatingin lang sakanya.

Magbabasa pala ha!

Nagsiupuan na ang lahat nang dumating si sir baler.

"Siguro ay nakapaghanda-handa na kayo para sa exam natin ngayon di ba? Huwag kayong mag-alala kasi Pagkatapos naman nito mag-eenjoy naman din kayo sa intramurals natin di ba!" masayang Sabi ni sir baler.

"Sir, paano kung hindi namin maipasa?" Tanong ko.

"Hay naku! Jay ikaw pa?!" natatawang tanong niya.

"Sir, kasi sympre wala na kaming group study, busy na kasi yung boss namin sa bebe girl niya!" pagpaparinig ko kay Cali.

Nagtawanan naman ang lahat sa sinabi ko.

Ganito akong tao, masayahin lang, buti at hindi mapipikon saakin ang mga kaibigan ko,hahahaha.

"Eh, Sino ba kasi yung bebe girl ng boss mo?" pagsakay ni sir baler sa trip ko.

"Ayun po! Nagseselos na po ako sakanya, hahahahah" sagot ko sakanya habang itinuturo si alisa tumatawa rin.

"Cali, nagpaparinig na ang kaibigan mong cute raw sa paningin ng lahat" Sabi ni sir.

"Sir, naman hindi kasi ako cute, gwapo na ako!" pagtatama ko sa sinabi niya.

"O, siya sige na, magsimula na tayo, pagtalaga napapansin si Jay, umiingay ang buong klase"Sabi ni sir baler.

Kilalang-kilala na ako ni sir baler, mula pagka-kinder dito na ako nag-aaral sa la salle at guro na rin rito si sir.

Nanahimik ang lahat at masayang ipinamigay ni sir ang test questionnaire.

ANIM na oras ang itinagal ng exam namin kaya hapon na ang uwian namin.

Nandito kami ngayon sa isang coffee shop at hinihintay namin  si Cali dahil hinatid niya ang kanyang bebe girl.

Ilang minuto lang ng paghihintay namin ay dumating na rin siya.

"Dali na magkuwento ka na!" atat na sabi ko.

"Hahaha, excited lang" Sabi niya saka umupo.

"Anong nangyari bat nagkaganun?" Tanong ni Rhys.

"Nagkabati kami kasi ayaw ko siyang mawala saakin, ayaw kong pakawalan ang babaeng katulad niya" diretsong sagot niya.

"So, talo ka talaga sa pustahan natin?" Tanong ni Nash.

Nakangiti niya kaming sinagot.

"Yes, I know this was the second time na natalo na naman ako at masaya ako sa pagkatalo ko dahil mahal ako ng babaeng sana ay pangtrip lang"sagot niya.

" Amazing! Sana ay magtino ka na! "Sabi ni Ford.

"We have the same past pero ang pinagkaiba namin, siya tinanggap niya ang sitwasyon  niya habang ako binabalik-balikan ko pa rin" Sabi niya.

"Bakla ka kasi!" singhal ko.

"Gago ka! Ikaw ata ang bakla!" singhal rin niya saakin.

Nauwi kami sa tawanan at kuwentuhan.

Alas-syete na ng gabi ng maisipan naming umuwi.

Nandito kami sa parking lot ng mall. Papasok na sana ako sa kotse ko pero pinigilan ako ni Cali.

"Can we talk?" Tanong nito. Tinignan ko muna ang iba at nagsipasukan sila sakanilang kotse.

"Mauna na ako!"

"Gtg, see yah!"

"arat na!"

pagpaalam nila

"masyado ka namang formal" natatawang sagot ko.

"Seryoso bro, Alam kong hindi mo pa limot yung usapan natin nung pinakauna" Sabi niya.

"Marami tayong napagusapan alin dun?" tanong ko.

"Yung tungkol dun sa pustahan" sagot naman niya.

"Kasabay nung pag-suko ko ng huling maple card ko ay kasama na dun yung pagtigil ko sa naging usapan natin, sana ay maintindihan mo" Sabi niya.

"Okay lang, yun lang pala... Akala ko kung ano na" Sabi ko.

"Salamat talaga! Yun na nga ba maiintindihan mo talaga ako!" Sabi niya saka ako niyakap.

Siya rin ang unang humiwalay sa yakapan namin.

"Thanks bro!" Sabi pa niya.

"Mauuna na ako, kanina pa text ng text si mama, bibisita kasi siya sa bago kong condo" pagpaalam ko.

"Speaking of your new condo, kailan ba kami makakabisita dun?" Tanong niya.

"Let's plan it later, hahaha" pagkatapos kung sabihin yun ay pumasok na ako sa kotse ko at pinaharorot.

The Last White RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon