Chapter 27

35 10 0
                                    

*CALI*

"Gash, ate, sayo bagay ang salitang goddess, ang ganda niyo super" dinig kong pagpuri ni alisa ay Laureen.

Kaya lumapit na ako sakanila.

"Jid, sinong mas maganda sa kanila?" Tanong ko.

Mukhang nagulat naman si Alisa dahil sa biglaang pagsulpot ko.

Natawa na lang si jid at ate Laureen.

"Ahh-you don't need to answer it, si ate Laureen ang pinakamagandang babae sa Mata mo, while this lady" tugon ko sa sariling tanong ko. Itinuro ko si alisa at;

"Is the most beautiful lady in my eyes" patuloy ko.

Hindi na kalagpas sa mga mata ko ang pagngisi ni Alisa. Tsk, kinilig ka na niyan.

"Binata ka na talaga!" nanggigil na kurot ni ate Laureen sa pisngi ko.

"Sympre sa tagal mong nawala malang sa malang, si jid lang ang nagawang maghintay sayo"pagbara ko sakanya.

" Kaya nga bumalik kasi alam kong may naghihintay pa"sagot naman ni ate Laureen.

"tsk! Eh di kayo na ang ikakasal" Singhal ko sakanilang Dalawa.

They deserve each other,

"Ikaw kailan mo ba gustong magpakasal?" Tanong ni ate Laureen saakin pero na kay alisa ang paningin niya kaya tinignan ko na rin ang magiging reaksyon nito.

Mukhang nahiya naman si alisa.

Tinignan ko si jid at tinanong.

"Jid, kailan ba magiging handa yang pamangkin mo?"

"Bat mo ako tinatanong, siya ang tanungin mo" sagot ni jid saka itinuro si alisa.

Hinarap ko ulit si alisa at halos hindi na maipinta ang mukha niya dahil sa pagkahiya.

"Kailan ka ba handang magpakasal?" Tanong ko sa mismong mukha niya.

Nginingitian ko ito habang nag-aantay ng sagot. Tinignan niya ako ng masama bago ako sagutin.

"Handa kitang pakasalan pag nawala yang pambababae mo!" Singhal niya saakin.

Hindi ko napigilan ang mapangiti dahil sa unti-unting pamumula ng pisngi niya.

Tinalikuran niya kami saka naglakad papunta sa mga table.

"Nasaan ba sina tita Mira?"

Naibalik ko ang tingin ko kay jid ng banggitin niya ang pangalan na iyon.

"Baka natraffic lang sila" tugon rin ni ate Laureen.

"By the way, Cali nasaan si Cazi?" Tanong ni jid saakin.

"May tatapusin lang daw." sagot ko.

"Mauupo na muna ako dun" Sabi ko.

Umupo ako sa tabi ni alisa.

Ilang segundo lang ay dumating na rin si louis.

May sinabi siya kay jid at ate Laureen bago hinanap si alisa. Nang makita niya kami ay biglang nag-iba ang templa ng mukha niya.

Linapitan niya kami estie si alisa lang pala. Umupo ito sa tabi niya.

No one dare to talk.

Natanaw ko ang pamilya ni alisa na naglalakad papasok sa loob.

My mom is wearing a red long dress.
Habang nakapulupot ang  kamay sa bisig ng bago niyang asawa.

"Are we late?" nakangiting tanong ng lalaki.

The Last White RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon