SPECIAL CHAPTER

45 11 0
                                    

This chapter will be JIDDEN BALT POV, again and again if you are not interested to this couple you can skip this chapter 😉

*JIDDEN*

Inayos ko ulit ang kurbata ng suit ko  bago pumasok sa venue ng Reunion namin.

This would be the first time as well as last the time that I will attend to our reunion.

I'm taking my Architectural degree sa France and I'm not  planning to come back here again.

"Oh my God! Namamalik mata na ba ako kay Jidden?" kilala ko kung kaninong boses iyon.

Ang kaklase ko dati na si liah.

"Guys, Jidden is here!"

Nagsitinginan ang lahat sa dako ng Entrance kung saan ako nakatayo.

Manghang-mangha sila nang makita  ulit ako.

Nginitian ko silang lahat sa sobrang pagkailang.

Ayaw kong napupunta saakin lahat ng atensyon ng tao.

Wala akong nagawa kundi ang maglakad sa pinakagitna at ngitian silang lahat.

Nakiupo ako sa table ng mga kaklase ko noon.

"Cali, Bakit ngayon ka lang umattend ng reunion natin?" Tanong ni reymart.

"Oo nga, saan ka ba namalagi?" Tanong pa ni Sheila.

"I got busy so  I was not able to attend" sagot ko sakanila.

"Sabagay, by the way, may girlfriend ka na ba ha?" Tanong ni drew.

"Wala pa sa bokabularyo ko ang magkagirlfriend" sagot ko.

"Wala sa bokabularyo o may hinihintay lang na bumalik" banat naman ni niko.

Wala nga ba sa bokabularyo ko ang magkasyota o sadyang hinihintay ko lang talaga si Laureen?

"Trulalo! Alam mo jid, hindi kami aattend ng wedding mo pag hindi si laureen ang babae, swear!" sigaw ni liah.

"Hon, Don't shout baka mastress ang baby natin" pagpigil ni Lee kay liah habang hinihimas ang tyan ni liah.

Napansin naman nilang nakatingin ako sakanilang dalawa kaya tinabig ni liah ang kamay ni lee na nakapatong sa tyan niya.

They are now starting their one big happy family.  Lee married Liah immediately when he passed the engineering examination. He just waited.

"So everyone let's start the party goin'!" Sigaw ni Rey ang baklang ssg president namin noon.

Nagkasiyahan ang lahat. Nagsitayuan ang lahat at nakipagsayaw sakanilang mga kapareha.

Bigla ay nakaramdam ako ng kakaibang excitement.

I have this strong feeling na susulpot rito si laureen.

Nanatili akong nakaupo ng umupo rin sa tabi ko si Cazi.

"Why don't you dance with them?" Tanong niya.

"I just don't feel to dance right now, I feel tired" sagot ko.

"Are you sick?" Tanong niya.

Umiling ako saka namulsa.

"Im just hoping na pupunta siya rito" Sabi ko.

Tinapik niya ako sa balikat saka kumain.

Hindi nagtagal ay tumayo din si Cazi at nakipagsiyahan sa iba pa naming mga kabatchmate.

"Ahmm! Jid can you go on stage?" tanong ni Rey.

Tumayo ako at naglakad na papuntang stage.

"So guys stop muna ang kasiyahan, umupo muna tayong lahat para makinig sa sasabihin ni jid"

The Last White RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon