Chapter 34

48 7 0
                                    

*ALISA*


"Ya, Inayos ko na ang mga damit na dadalhin sa laundry shop mamaya nandun lang sa bathroom" Sabi ni mama habang kumakain kami.

"Yes po ma'am,Pagkatapos ko po mag-ayos rito sa kusina ay dadalhin ko na iyon sa laundry shop" sagot naman ng bagong utusan namin.

Tatlong linggo na ang lumipas matapos ang kasal ni Kuya Jid at hanggang  ngayon ay hindi ko pa rin matignan ng deritso si mama but thank God hindi niya na rin ako kinakausap.

Iwan ko ba bakit.

Hindi naman niya ako nakitang nakikinig sa naging usapan nila ni Cali.

Naiinis lang ako sa ginawa niya Kay Cali. Alam niyo yun? Anak niya tapos ipinagtabuyan niya.

Alam kaya ni papa na may pamilya dati si mama?

Pagkatapos kong kumain ay pumanhik na ako sa kuwarto ko. Ilang sandali lang ay may kumatok.

"Pasok" pagbibigay permiso ko sa kung sino man ang kumakatok.

Pumasok naman si mama. "Can we talk?"

Naglakad ito palapit saakin at umupo sa kama ko.

"Stay away from Cali" Sabi nito.

Like? Why?

"Bakit naman po?" Tanong ko.

"He's not a good influence to you, Alisa" napamaang na sagot nito.

"No, he is" tugon ko.

"Can you listen to me ... just for now" Sabi nito. Halata sa boses niya ang pagkairita.

"what?" iritadong tanong ko.

"Ayaw ko lang na sumasama ka sakanya, ang rinig ko, hindi siya mabuting bata, tinatrato niya ang lahat bilang kakompetensya niya" Sabi nito.

"Mas maganda yun, magiging competitive ang tao, dun kasi nagsisimulang matuto yung mga tao lumaban para sakanilang karapatan" sagot ko.

"Alisa, Sa nakikita ko, ayaw mo ng makinig saakin then I'll tell your father na siya na ang magsabi sayo na lumayo ka dun sa lalaking yun!" iritadong sigaw niya.

Bravo! Lumabas rin ang tinatago niyang tulo, tsss.

"Bat ba ayaw mo akong makalapit sa anak mo?" diretsong tanong ko na ikinagulat niya.

"Anong sabi mo?" di makapaniwalang tanong niya.

"Hindi kasi porke't magkalapit kami ay masisira niya na ang bago mong pamilya, hindi ganun yun ma" I answered her angrily.

"We can be friends with or without your permission, I'm living my own and no one can control me except the God" Pagkatapos kong sabihin yun ay umupo ako sa harapan ng laptop ko saka ikinabit ang headphone ko.

Ilang saglit lang ay lumabas na si mama sa kuwarto ko.

Naliwanagan na si cali at alam ko na titigilan rin niya ang paghahabol niya sayo mama kaya wala ka ng kailangan pang ipagalala.

PAGKAUMAGA  ay hindi na ako nag-almusal pa. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay nagpunta na ako ng school. Doon nalang ako maguumagahan.

Pagkarating ko dun ay nakapark na ang kotse ni Jay. Bakit maaga ang taong to?

Ngayon kasi ang simulan ng practice para sa intramurals. Siguro ay nagpaaga siya ay dahil maaga ang ensayo nila sa basketball.

Nagpunta ako ng canteen at umorder ng pagkain.

"Anong sasalihan mo?" muntikan na akong mabilaukan ng magsalita si jay sa gilid ko.

"Ano ba yan, nanggugulat ka!" singhal ko sakanya.

The Last White RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon