Chapter 32

34 5 0
                                    

*CALI*

Pagkarating namin ng bahay ay dumiretso na ako ng kuwarto ko.

Hinubad ko ang suot kong blazer at dumampa sa kama.

"Ito na sana ang huling pagkikita natin dahil ayaw kong masira ang bago kong pamilya ng dahil sainyo"

"Ito na sana ang huling pagkikita natin dahil ayaw kong masira ang bago kong pamilya ng dahil sainyo"

"Ito na sana ang huling pagkikita natin dahil ayaw kong masira ang bago kong pamilya ng dahil sainyo"

"Ito na sana ang huling pagkikita natin dahil ayaw kong masira ang bago kong pamilya ng dahil sainyo"

Sa lahat ng sinabi ni mama yan ang mga katagang nagpaiyak saakin ng sobra.

Ayaw na niya kaming makita ni kuya dahil natatakot siya na masira ang bago niyang pamilya.

Damn! How about us? Hindi ba niya kami pamilya? Galing kami sakanya pero bakit ang dali lang para sakanya ang itapon kami sa ere?

Ipinikit ko ang mga mata ko dahil sa pagod at hindi ko na namalayang nakatulog na ako.

"Masyadong mataas ang lagnat niya"

Nagising ang diwa ko ng marinig ang boses ni Kuya. Sino kaya ang kausap niya?

"Baka po itaboy niya ako" nakapikit ako pero kilalang-kilala ko kung kanino ang boses na iyon. Si Alisa.

"Hindi mangyayari yun at pasensya ka na kung ikaw pa ang inabala ko. Alam ko kasing pagkagising niyan hindi na yan mamamansin, natatakot lang ako na baka hindi siya kumain" Sabi ni Kuya.

"Suppose to be I have a meeting this early 4pm pero nung pupunta na ako dun, pinuntahan ko si Cali at nakita kong tulog ito at sobrang init ng katawan kaya  nimove ko ang meeting ko" Sabi pa niya.

"Okay lang po, Wala naman akong gagawin ngayon" tugon naman ni alisa.

"Sige, mauuna na ako at kung may kailangan ka tawagin mo yung mga maid at maraming salamat talaga" Sabi ni Kuya.

"Walang anuman" sagot naman ni alisa.

Lumabas na si Kuya at kami na lang dalawa. Nananatiling nakapikit ang mga mata ko.

Naramdaman kong may humawak sa noo ko. Tinanggal din naman niya kaagad.

"We have the same past cali pero Alam mo ang pinagkaiba natin? Ako, tinanggap ko yung nakaraan ko, kahit na sobrang sakit kailangan kong tanggapin habang ikaw binabalik-balikan mo pa rin kahit alam mo naman na hindi mo kaya yung maidudulot niyang sakit lara sayo"Sabi niya.

"Pinanganak tayong hindi malaya pagdating sa pamilya" Sabi pa niya.

"Naiintindihan kita kung bakit ka nagagalit saakin dahil nga kay papa, pero kung hindi mo talaga ako kailanman matatanggap sa buhay mo then I should stay away from you" Sabi pa niya.

Inimulat ko kaagad ang mga mata ko dahil sa sinabi niya at umupo.

I should stay away from you

I should stay away from you

I should stay away from you

Nagpaulit-ulit ang mga katagang iyon habang nakatingin ako sa mukha niyang gulat.

"Kanina ka pa gising?" gitlang tanong niya.

Tumango-tango naman ako bilang sagot pero hindi ko binawi ang mga titig ko sakanya.

"Bakit hindi mo sinabi?" naiinis na tanong niya.

"Akala ko sasabihin mong mahal mo na ako" pangtutukso ko sakanya.

"kasi kung oo, papakasalan na kita agad" Sabi ko pa.

Hinampas niya ako sa balikat bago umupo sa single sofa malapit sa kama ko.

"Magpagaling ka muna bago mo atupagin yang pagpapakasal mo" singhal niya saakin.

Napatawa na lang ako.

"Huwag kang tatawa-tawa dyan, akala mo hindi ko nakalimutan yung pinagsasabi mo noong ihatid mo ako sa bahay" sumbat niya saakin.

"Sorry, nagpadala lang ako sa galit nun" tugon ko.

"Che! Foolishness, ang sakit nun, gago ka!" singhal niya saakin.

"Huwag mo akong murahin" sabat ko.

"Eh sa gusto kitang murahin nuh ba!" sigaw niya ulit.

"Galit ka ba?" natatawang tanong ko.

"Hindi ako galit, naiinis lang ako sa pinaggagawa mo" sagot naman niya.

"Paano mo tinanggap yung sitwasyon mo nung bata ka pa?" seryosong tanong ko.

Ipinagpatong niya ang mga paa niya saka ipinagkrus ang mga kamay.

"Forgiveness and acceptance" sagot niya.

"Nung freshman pa lang ako nakita ko ulit ang mama ko sa isang mall malapit sa dati kong school, linapitan ko siya at kinausap, tulad mo rin, may bago na rin siyang pamilya at  ang gusto niya huwag ko na raw siya puntahan, nung una sobrang sakit, tinanong ko siya kung bakit niya kami iniwan at humingi rin siya ng tawad saakin eh, dahil nga sa malawak ang pag-unawa ko dati I let that thing go and move on"mahabang paliwanag niya.

"Ano naman ang rason niya bakit niya kayo iniwan?" Tanong ko.

"They fell out of love" sagot niya.

"Ikaw? Bakit naghiwalay ang mga magulang mo?" Tanong rin niya.

"My mom got tired of understanding my dad's messy life" tipid na sagot ko.

"I see"tugon niya.

"It can lessen your problem if you share it"Sabi niya.

"Pinlano kong saktan ka nung nalaman ko na anak ka nang lalaking umagaw sa nanay ko pero hindi nangyari kasi nga gusto na kita" Sabi ko.

Ngumiti naman siya saakin.

"Pasalamat ka at mabait ako dahil pagnagkataon baka hindi mo na ako makikita ngayon" Sabi niya.

"Wala na akong balak makipagrelasyon pa" Sabi ko.

"Kasi?" Tanong niya.

"After we finished our studies and get a stable job then I'll marry you immediately" sagot na ikinalapad ng mga ngiti niya.

"I'll wait" maikling sagot niya na nagdulot saakin ng kakaibang saya.

"Kumain ka na" Sabi niya.

Kanina pa pala ako tulog. Nakaligtaan ko na ang pagkain ko.

Masaya kaming bumaba at sabay na kumain.

"Can we go outside after this?" suggestion ko.

"Yes, of course" sagot naman niya.

Pagkatapos naming kumain ay lumabas kami at umupo sa isa sa mga bench rito sa park.

Napakaganda kasi ng view rito tuning sunset.

"You know what, I'm very thankful kasi dumating ka sa buhay ko" panimula ko.

"Alam kong masyadong mabilis pero kanina habang kinukuwento mo kung paano mo tinanggap ang sitwasyon mo nung bata ka pa, napahiya ako kasi ikaw nga babae nakayanan mo yung pagsubok na yun at nagawa mo rin magpatawad at magmove on" Sabi ko.

"Habang ako itong lalaki, parang bakla hindi matanggap ang sitwasyon ko. Today I learn that not all people will stay even that person you think he give you all the worth will leave you soon and you just need to accept it and move on"
Sabi ko.

Nginitian niya ako bago tumingin sa mga mata ko.

"It's a sign of maturity, hahahah, tumatanda ka na" Tawa niya.

Kanina pa ako nito tinatawanan, pasalamat ka at mahal kita.

The Last White RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon