Chapter 4

9 0 0
                                    

The days have passed at nailibing na nga si Lola. Everything has changed, di na katulad ng dati..ngayon pa at alam ko na ang katotohanan sa totoo kong pagkatao.
“Blair, magpahinga ka na, ako nang bahala magligpit nito” si Mama habang hawak ang mga gamit ni Lola.
“Ma, I knew everything. Everything about dad and………… and his identity. He is---------”
“How did you know, I mean anong nalaman mo?”
“He is------------- He’s a-------- a demon” di ko alam pero hirap na hirap akong sabihin yun.

“Of--- ofcourse not Blair. Kanino mo nalaman yan? Anong pinag--- pinagsasasabi mo?” Alam kong nagsisinungaling sya.
“Why did you hide it from me? Wag ka nang magsinungaling please. I don’t want anything but the truth”
“Blair, I am sorry” tuluyan na syang naiyak. Niyakap ko siya.
“It’s ok Ma. You can tell me everything.”
Umalis sya sa pagkakayakap ko at nagsimula ng magkwento ng nakaraan nila ni Papa.
“I met him 20 years ago. Hanggang ngayon di ko pa nakakalimutan ang araw na iyon. He’s wearing all black. The way he looks at me is very different. He approached me that day at dun na nagsimula ang lahat.”
Tahimik lang akong nakikinig kay Mama. Hinayaan ko siyang magkwento.
“Naging malapit kami sa isa’t isa hanggang dumating sa puntong di na kami mapaghiwalay at nabuo ka Blair. Sobrang saya ko noon kasi magkakababy na kami. Excited akong sabihin ang balitang yun kaso----------------” parang may namumuong luha sa mga mata ni Mama. Halatang nasasaktan pa din siya.
“Sinabi ko sa kaniya ang nangyari umaasang magiging masaya sya pero nung nalaman niya iyon bigla na lang nagbago ang lahat. Nanlamig sya sa akin hanggang sa………” napahagugol na si Mama. Niyakap ko sya para maramdaman niyang di siya nag-iisa.
“Hanggang sa nalaman ko ang lahat sa pagkatao niya.”
“Then how ma? Pano niyo po nalaman ang lahat lahat?”

FLASHBACK:

Naglalakad si Serena (nanay ni Blair) papalapit sa lalaking mahal niya, si Eleazar. Malayo pa man siya’y napansin niya itong may mga kausap na tatlong lalaking kapwa nakaitim.
“You need to go home Eleazar” wika ng isang lalaki.
“Not now, marami pa akong kailangang gawin” sagot ni Elezar.
“Your father sent us here para pabalikin ka sa tunay mong tahanan ang Underworld.”
Nagtaka si Serena sa mga naririnig niya. Di niya maintindihan kung anong nangyayari. Hinayaan niya lang ang sarili nyang makinig sa usapan.
“You are not belong here Eleazar. Di ka nila kauri.Iwasan mo na ang babaeng yun, dahil baka dumating pa ang araw na siya ang magtaboy sayo pag nalaman niya kung ano ka talaga”
“Wag niyo syang galawin. Ako na ang bahala”
Hindi na napigilan ni Serena ang sarili dahil gulong gulo na siya.
“Sino ka ba talaga? Ano bang nangyayari sayo? Sino sila?” umentra na si Serena sa usapan nila.
“Serena what are you---------- teka bakit ka….” Halos mautal na wika ni Eleazar.

“He is a demon, Ms. Serena. He doesn’t belong here . Hindi mo sya kauri” sabat ng lalaki.
“Anong pinagsasasabi mo?” tiningnan niya ang minamahal at nakatungo lamang ito.
“Hindi siya ordinaryong tao lang. He is one of us. We’re demons. Napunta lang siya dito because his father punished him. Pero ngayong tapos na ang lahat, kelangan na niyang umuwi.”
Hindi maniwala si Serena sa mga naririnig niya. Gulong-gulo siya. Demon? Totoo ba talagang nag-eexist ang mga yun? Yan ang nasa isip niya.
“Serena, I’m sorry. Hindi ko na dapat pinaabot sa ganito” sabay lapit ni Eleazar sa kaniya.
“Leave me alone. Kaya pala…. Ngayon malinaw na sakin lahat, sumama ka na sa kanila. Wala kang kwenta. YOU LIAR!!!!” sigaw ni Serena at nagtatakbo na papalayo.

END OF FLASHBACK.
“Yun ang nangyari Blair.”
“Yun na ba ang huli niyong pagkikita Ma?” Curious kong tanong sa kaniya.
“Hindi Blair..After a week nakita ko siya. I was crying that time nang bigla syang sumulpot sa harapan ko. Ibang iba ang itsura niya sa nakasanayan ko His eyes.. kulay pula ang mga iyon.”
“Anong nangyari Ma?”
“Nagpaalam sya sakin at kinumpirma ang tunay niyang pagkatao. Totoo lahat ng nalaman ko sa kaniya. Sinabi niyang di na muli sya magpapakita sakin dahil yun ang gusto ko, then suddenly he disappeared.”

Ngayong alam ko na lahat. Pakiramdam ko malaya na ako. Siguro tama si Castiel.I need to face my reality gaano man kaweird ito. I went to my room thinking kung ano ang mangyayari bukas. I closed my eyes at ang pinakahuling taon rumehistro sa isip ko was him…. Castiel, the angel of the Lord.

BLAIRWhere stories live. Discover now