Epilogue

22 0 0
                                    

“Mommy, mommy look oh, ang ganda ng kulay ng balloon” turo niya sa mga makukulay na lobong nasa harapan namin.

“Why baby? Do you want to buy it? Anong kulay ba gusto mo?” tanong ko sa batang nakahawak sa laylayan ng damit ko.

“Ahmmm.. Color blue Mommy, atsaka white and……….ahhhhhhhhm. YELLOW!” kitang kita ko ang mga ngiti sa kaniya. She really looks like his father, like Castiel.

5 years have passed at eto na ako ngayon.Ang dami nang nagbago. Okay na kami ni Papa, sinunod ko kung anuman ang sinabi ni Mama at tama nga siya. Mula ng pinatawad ko si Papa gumaan lahat. Parang dun lang ako lumaya. Nabuhay ako ng normal this past 5 years…Maraming beses na gusto ko ng sumuko pero di ko ginawa…. para kay Mama, kay Cas at lalo na para kay Prim, ang anak namin ni Castiel, ang bagong anghel sa buhay ko.

“Mommy, I want ice cream.Please” nagpapacute pa si Prim para talagang masunod ang gusto niya.

“Sure baby.Anything you want.” Sabay buhat sa kaniya at pumunta sa bilihan ng ice cream.
Kain lang siya ng kain. Palagi kong kinukwento ang papa niya sa kaniya.

“Mommy, mommy, diba sabi mo nasa heaven na si Daddy?” tanong ni Prim.

“Yes baby why?”
“Palagi niyo po siyang kinukweto sakin Mommy. Kahit ba nasa heaven siya nakikita niya tayo?” ang cute talaga nitong anghel na ito lalo na pag tanong ng tanong.

“Oo naman baby, binabantayan niya tayo palagi kahit di man natin siya kasama. Kasi nga love na love niya tayo. Kung sana lang lalo nandito siya, at nakikita kung gaano kaganda ang baby Prim ko.Nakuuuuu” sabay kurot sa pisngi niya.

Siya na ngayon ang buhay ko. I want to giver her the life na dapat niya talagang maranasan. Mahal na mahal ko siya.

“Mommy” naramdaman kong may kumakalabit sa tagiliran ko.

“Hmmmmm?” sabay lingon ko kay Prim
“Kwento ka nga ulit tungkol kay Daddy” eto na naman ito nangungulit, sabik na sabik palagi sa daddy niya. Kung nakita niya lang kung gaano kabuti ang puso ng daddy niya.

“Hmm.. He is a good man . He always there for me, lalo na pag kelangan ko ng kadamay, siya ang palaging nandyan para sakin. He always protecting me sa lahat ng mga gustong manakit kay Mommy”

“So he is a superhero Mommy? Daddy is a superhero”

“Di lang superhero. He is my guardian angel, ngayon ikaw na ang anghel ko” sabay yakap ng mahigpit kay Prim.

“Tss.. Wag mong masyadong higpitan ang yakap sa kaniya, baka di na siya makahinga, Di ka pa rin nagbabago.

Btw, it’s been a long time, WALDORF”

Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ko iyon. Ang boses na ilang taon kong hinintay na marinig. Lumingon ako. It was him.

“Castiel?”


THE END.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 22, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BLAIRWhere stories live. Discover now