“CASTIEL! CASTIEL! CAS! CAS!” kanina pa ako tawag ng tawag sa kaniya. Tatlong araw ko na siyang di nakikita.Naninibago na ako. Ano bang problema nun, masyadong nagpapamiss.Nasan kaya yun? Akala ko ba di siya aalis sa tabi ko. Tss.“Hey, Waldorf” napangiti ako ng marinig ko yun. Paglingon ko sa likod ko nadisappoint ako, it was Damon. Anong ginagawa niya dito.
“Bat parang nadisappoint ka ng malaman mong di ako ang hinahanap mo? Wag ka ng umasang babalik pa si Castiel, di mo na siya makikita” natatawang sabi niya
“Anong pinagsasasabi mo ha? What are you doing here?” binalewala ko ang sinasabi niya.
“Di mo ba alam ang nangyari?Wala ka palang alam”
“Tungkol saan? Ano--- ano bang nangyari?” naguguluhan na ako.
“Fine sasabihin ko na lahat sayo. Bago mo madiscover ang abilidad mo nagkaroon ng kasunduan si Eleazar sa tatay niya na may isang paraan para tumigil ang kakayahan mong makita ang mga nakikita mo which is sacrifice. Kelangang may magsakripisyong buhay para mabuhay ka ng normal. At dahil sa sobrang pagmamahal sayo ni Castiel, he gave his life for you. Siya ang nagsakripisyo para lang makalaya ka sa mga nakikita mo” seryoso ang mukha niya hang nagsasalita.
“Wag mo kong lokohin”
“Sa tingin mo niloloko kita? Yun ang dahilan kaya di siya nagpapakita sayo. Mula ngayon wala ka ng abilidad Blair, dahil yun ang gusto mo. Pinagbigyan ni Castiel ang hiling mo para lang maging masaya ka. Ewan ko nga ba kung bakit ang dali nilang maloko pagdating sa pagmamahal......... So paano Blair. Ito na ang huli nating pagkikita. Bye, beautiful” at bigla na lang siyang naglaho sa harapan ko.
Gusto kong balewalain lahat pero there’s a part from me na nagsasabing totoo ang mga yun. Napansin ko ang papel na iiwan ni Damon bago siya umalis. Binuksan ko iyon.
Dear Waldorf,
Siguro binabasa mo ito nang wala na ako sa tabi mo…How are you? I really want to keep my promise na di umalis sa tabi mo. Gustong gusto kitang protektahan kaya nang nagmakaawa ka saking tulungan kita. I can’t help it, kaya tutuparin ko. Mahal na mahal kita, matagal na itong nararamdaman ko, di ko agad inamin kasi natatakot akong ipagtabuyan mo ako. Palagi mo sanang ingatan ang sarili mo. Wag kang sumuko, palagi pa rin naman kitang babantayan kahit wala na ako sa tabi mo. Mahal na mahal na mahal kita. I love you Waldorf.
Love,
Castiel, the angel of the Lord
Di ko namalayang umiiyak na pala ako habang binabasa ang sulat ni Cas sa akin. Bakit? Bakit kelangang pati sya mawala? Kung sana sinabi niya sakin, ang lahat.Sana nagtiis na lang ako sa mga nakikita, naririnig at nararamdaman ko. Mas okay nang masaktan ako wag lang siyang mawala sa tabi ko. Bakit pati kelangan lahat sila mawala sakin. Bakit pati ang lalaking palaging nandyan para sakin… Kung kelan may importante akong sasabihin."CASTIEL! CASTIEL! CASTIEL! cas.. Cas...." pahina na ng pahina ang boses ko.
"Akala ko ba darating ka? Kapag sinabi ko ang pangalan mo.. Akala ko ba hindi ka mawawala sa tabi ko? Bakit? BAKIT!? BAKIT?" Humagulgol na ako sa iyak.Lumipas ang limang minuto. Bago magsink-in sakin lahat.
Sinabi niyang lumaban ako kaya gagawin ko yun. Di lang ako mag-isa, lalaban ako para sa sarili ko, para sa anak namin. Yan ang gusto kong ibalita pero iniwan na niya ako.
Pangako Cas, di kita bibiguin. Para sayo, sa magiging anak natin. Patuloy pa din ang pag-agos ng luha sa mga mata ko.
“I love you Cas” bulong ko sa hangin………