Nagising ako with a smile on my face. Parang gaan gaan ng pakiramdam ko.
"Hey Waldorf, how was your sleep?" napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko iyon. Teka ang aga aga at sino---------Castiel? Teka, what are you doing here?"
"Binabantayan ka, I told you na mula ngayon hindi ka na mag-iisa dahil kasama mo na ako." nakangiti niyang bigkas sa akin.
"Ha? Castiel, alam mo you don't have to do it naman eh. Kaya ko na ang sarili ko. Tsaka ano man ang mangyayari----- ahhh! Ahh! Aray!" Bigla akong napahawak sa ulo ko, pakiramdam ko mabibiyak yun..
"Hey, what's wrong? are you okay?" bigla siyang lumapit sa akin.
"Katniss, Katniss, Katniss" ulit ulit kong bigkas. I saw her. Siya ang rumehistro sa utak ko."What did you see? Tell me Waldorf, what did you see?"
"Katniss, I saw her......." di ko alam ang sasabihin ko.. Natataranta ako, may nakita akong bigla na lang rumehistro sa utak ko. Hindi ko maintindihan. Kinuha ko ang phone ko, I called her... (Calling Kat)(Hey! Blair! What's up?)
"Where are you? Kat, please answer me!" sigaw ko sa kanya.
(Ano bang nagyayari sa---------)
"Just answer me! Where are you?
(Okay, Fine.. Fine, I'm here at ****** with Dave. Ofcourse my bf)
"Shit" pinatay ko ang tawag, nagmadali akong lumabas ng bahay.
Nag-abang ako ng taxi at dumiretso na kay Katniss.
"Hey, tell me, what did you see?" bigla na lang sumulpot si Castiel.
"Just help me! Find Katniss please.. saka ko na ikukuwento." lingon lingon ako para mahanap ko siya. There she is.
"KATNISS!!" sigaw ko. Wala na akong pakialam kung gaano kalakas yun, bigla naman siyang lumingon sakin.
"Oh! Blair, what are you doing he-----" bigla ko siyang niyakap.
"Hey, Blair, what's wrong? Are you okay?" mas lalo ko siyang niyakap ng mahigpit.
"Ano ba ang nangyayari sayo Blair? May nangyari ba?" nagtataka na siguro siya sakin. Bumitaw na ako sa yakap ko sa kanya
"I thought, I'm gonna lose you. Btw, Let's go. I need you to get out of here."
"Why? I'm with Dave." Nagpaalam lang siya sandali. "May plano kami ngayon, next time na lang. 'Wag ngayon.
"No, kahit ahmmm.. 30 minutes lang. Yes, 30 minutes lang, pleaseeee.." kinakabahan ako.
"Fine, Fine. I'll just call Dave. Ako na ang mag-eexplain. Sayang naman ang effort mo pagpunta dito ng nakapanjamas. Hahahaha."
Tinignan ko ang sarili ko. Hindi na pala ako nakapagpalit sa sobrang pagmamadali ko papunta kay Katniss.
Niyaya ko siya sa bahay."Dito mo lang pala ako yayain. Tsss." parang nalulungkot na wika ni Kat.
"Magbibihis lang ako. Intayin mo na lang ako sa sala." paalam ko sa kanya.
Saktong nagbibihis ako nang biglang.."Did you saw her die?" Naibalik ko ang damit kong hinubad ko na sana.
"Bat ba bigla bigla ka namang sumusulpot ha? Alam mo namang nagbibihis ako eah."
"What's wrong?" tanong niya.
"Anong what's wrong, what's wrong ka diyan?" singhal ko sa kaniya.
Iniba na naman niya ang usapan"So, why didn't you tell me kung ano ang nakita mo kanina?" tanong niya sa akin.
"Tss. Cause I was afraid sa kung anuman ang mangyayari. I saw Katniss, nasaksak siya ng isang magnanakaw na habang kinukuha ang bag niya.
Naalala ko na naman lahat. Kung paano napasalampak si Katniss sa kalsada na duguan ang katawan niya."I was afraid, takot na takot akong mawala siya sakin. Isa lang ang nasa isip ko kanina, to do everything to save her. I thought, I'm gonna lose her." naiiyak na talaga ako, di ko mapigilan. Nagulat ako nang biglang may kumatok sa pinto.
Tok! Tok! Tok!"Blair, nandiyan ka pa ba? Ano ka ba naman? Niyaya mo ako tapos wala naman tayong ginagawa." reklamo niya mula sa labas.
"Castiel, umalis ka------" paglingon ko wala na siya. Woah. Pinagbuksan ko si Kat ng pinto.
"May kausap ka ba diyan? O nagsasalita ka na namang mag-isa?" natatawa na siya.
"Wala, sino naman ang kakausapin ko?" Gusto kong matawa pero pinigilan ko. Kung alam niya kung sino ang kausap ko. Kung alam lang niya talaga..