Chapter 10

8 0 0
                                    

I saw it. Isang bus ang nahulog sa bangin, marami ang namatay sa aksidente. There’s a way for me to stop it but I didn’t mind. Pagod na akong lokohin ang sarili ko. Araw araw iba ibang pagkamatay ang nakikita ko pero nagbubulag-bulagan ako sa katotohanan.Ayoko na, sawang-sawa na ako.Gusto ko nang kalimutan ang lahat, lahat-lahat. Wala na si lola, si Mama, iniwan na nila ako. Ano pang dahilan para magpatuloy sa buhay. Walang oras na di ako umiyak,walang oras na nakalimutan ko silang dalwa.
Di ko na napansin ang kotse sa harapan ko. The next thing I knew I was lying on the road, duguan ang buong katawan ko. Eto na ba ang huli? Katapusan ko na ba?

“Waldorf! WALDORF! WALDORF! Gumising ka……GISING!” naririnig ko siya pero wala na akong lakas para imulat ang mga mata ko. Should I fight? Should I keep on going? Or Should I give up? I really want to end everything.

I opened my eyes, at puro puti ang nakikita ko.Naramdaman kong biglang may yumakap sakin,

“Waldorf, I thought I’ll gonna lose you” sa sobrang higpit ng yakap niya di na ako makahinga.

Tiningnan ko ang sarili ko, ang daming bandage sa katawan, ang daming nakakabit na kung anu- ano sa kin. Nandito ako ngayon sa hospital. Bakit? Bakit niyo pa ako binuhay? Umiyak ako sa halu- halong emosyon.

“Cas, bakit di na lang nila hinayaang mawala na ako. Pagod na pagod na ako, wala na akong dahilan para mabuhay pa” may halong hinanakit ang mga bigkas ko.

“Ako, nandito ako Waldorf, di kita iiwan diba? Di pa ba ako sapat na dahilan para lumaban ka?” nakita ko ang namumuong luha sa mata niya.

“Pagod na ako Cas, araw araw iba ibang pagkamatay ang nakikita ko, nagbingi bingihan ako sa sigaw nilang humihingi ng tulong, nagbulag-bulagan ako sa mga nakikita ko. Iniisip ko na wala rin naman ng mawawala sakin kung hahayaan ko sila.” Patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

“Waldorf……”

“I want to end it Cas. Ayoko na silang makita. Ayoko na silang marinig. Gusto ko na ng normal na buhay, ayoko nang ganito. Ayoko ng magbulag bulagan. Tulungan mo ko Castiel. Gusto ko ng kumawala.” Pagmamakaawa ko sa kaniya.

“Do you really want to end it? Kung talagang pagod ka na….” nakita ko ang pagtulo ng mga luha niya. Niyakap niya ako na parang ayaw niyang ipakita sakin na umiiyak siya. Sobrang higpit ng yakap na iyon. Di na muli siyang nagsalita pa.








Nagpagaling ako sa hospital at pagkatapos ng halos 3 linggo nakalabas na din ako doon. Naghihilom na ang mga sugat ko. Kasama ko palagi si Castiel, siya ang nag-alaga sakin. Pero mula ng pag-uusap naming yun, nagbago ang lahat. Parang palaging malalim ang iniisip niya. Madalas na rin siyang mawala sa tabi ko. Pinilit kong balewalain ang mga yun pero di ko talaga mapigilang magtanong.

“Cas, are you okay?” nilapitan ko siya nang mapansin kong nakatungo lang siya.

“Ha? Yes, ofcourse, I’m okay Waldorf” walang gana niyang sagot nang di man lang tumitingin sakin.
Niyakap ko siya. Gusto ko syang icomfort tulad ng palagi niyang ginagawa sakin pag malungkot ako.

“Kung may problema ka, pwede mo namang sabihin sakin, nandito lang din ako” inalis ko na ang pagkakayakap ko sa kaniya. Bigla siyang tumingin sakin. Napansin ko na malamlam ang mga mata niya. Nakatitig lang siya sakin.
Tatayo na sana ako ng bigla niya akong hinatak papaupo.He kissed me right on the lips… I don’t know but I responded to his kisses….


Nagising ako ng ramdam ang kirot sa katawan ko. I saw him, Castiel, lying in the bed beside me. Napangiti ako.

“Good morning Waldorf”
“Good morning Cas” nakangiti ako sa kaniya.

He kissed me again.

“I love you”  nakangiti niyang saad sakin.

“I love you too” di ko maipaliwanag pero masaya ako. Ngayon pang sinabi niya ang mga kataga na akala ko ay sa panaginip lang mangyayari.

The days have passed at parang walang nagbago. Ganun pa din si Castiel, palaging may ibang iniisip.

“Waldorf…” tawag niya sakin
“Hmmm?”

“I love you” bulong niya na parang may lungkot sa boses niya.

“You keep telling those sweet words to me. I love you too” Kanina pa siya ganiyan. Walang oras na di niya sinabi sakin na mahal niya ako.

“Waldorf, promise me that you would take care of yourself, pag wala na ako sa tabi mo” malungkot ang boses niya. Kinakabahan ako

“Why? Palagi ka namang nandiyan diba?Iiwan mo ba ako?”

“Of—ofcourse not”

“Don’t worry pag malungkot ako, I’ll just say your name.Dadating ka naman diba?”

“Ofcourse………………… hanggat kaya ko” pabulong na lang niyang sinabi ang mga huling salita. Nagpanggap ako na di ko narinig yun. Binalewala ko lang.

BLAIRWhere stories live. Discover now