Chapter 6

16 0 0
                                    

Nandito ako sa garden namin. Nakaupo lang habang nagbabasa... Nang biglang may humawak sa librong hawak ko.

"Nagbabasa ka pa rin nito?" tila nangiinsultong bigkas niya.

"Papatayin mo ba talaga ako sa gulat Castiel? Ha? Bat ba bigla bigla ka na lang sumusulpot?"

"Cause, binabantayan kita. Sabi ko naman sayo, di ako mawawala sa tabi mo." Namula ako sa sinabi niya. Di ko alam kung bakit ganun.

"Tss. So anong plano mo? Bat ka nandito?" tanong ko sa kanya.

"Ano bang plano mong gawin ngayon?" balik tanong niya sa akin.

"Ahmmm.. Matulog! Tama! Tutulog ako. Umalis ka na, I mean maglaho ka na tulad ng palagi mong ginagawa. Bye. Bye." pagtataboy ko sa kanya.

As usual umalis.. I mean naglaho na siya. Pumasok na ako sa bahay. Dire-diretso ako sa kwarto ko. Ni lock ko ang pinto.

Natigilan ako nang biglang may humawak sa balikat ko. Kinabahan ako bigla.

"Blair..... Anak ko.. " boses yun ng lalaki. Lumingon ako bigla.

"Who.. Who are you?" kabadong tanong ko. Anak? Tinawag niya akong anak? Siya na ba ang tatay ko? I looked at him. Kulay pula ang kaniyang mga mata. Naalala ko ang kwento ni mama.

"Ang tagal kong hinintay na dumating ang pagkakataong ito. I waited for so long para makita kita personally anak." maluha luha niyang sinabi.

Niyakap niya ako nang mahigpit. Pakiramdam ko may parte sa akin na nabuo dahil sa yakap na yun

"Pa? Ikaw na ba yan?" di ko na mapigilan ang sarili ko.

"Ako nga anak. Ako nga. Ang tunay mong ama." may diin ang bawat salita niya.

"Why? Ang dami kong tanong na gusto kong sagutin mo. Ang tagal kong hinintay ito." naiiyak na ako.
"Bakit mo kami iniwan ni mama? Bakit mo siya hinayaang mag-isa? Bakit mo nagawang bigyan ako ng walang kwentang abilidad na ito?" sigaw ko sa kaniya.

"Anak ko....... Kung alam mo lang kung gaano kahirap para sa akin na iwanan kayo ng mama mo. Kung alam mo lang talaga." naiiyak na din siya.

"Paano ko malalaman lahat kung wala ka sa tabi namin, kung iniwan mo kami. Di mo alam ang lahat ng pinagdadaanan ko. Ang pinagdaanan namin ni Mama."

" Alam ko na marami akong kasalanan sa inyo... sa inyo ng Mama mo. Ngayon gusto kong bumawi sa lahat....."

"Bumawi? Sa anong paraan ha? Sa pagbibigay sa aking ng kung anong regalo na babago ng buhay ko? Na gugulo sa buhay ko? Kung talagang mahalaga kami sayo ni Mama sana di mo ginawa yun. Sana alam mo na nahihirapan na ako, na di ko ito gusto!" di ko na mapgilan ang nararamdaman ko.

" Nakipagkasundo ako kasi ito lang ang paraan para muli kitang makita, umaasa ako na maging maayos ang samahan natin, kahit ituring lang ako bilang ama mo. Ginawa ko lahat para muling magkalapit tayo. Sana naiintindihan mo ko..."

"Can you hear how selfish you sound right now? Hinayaan mo kong magsuffer para lang sa sarili mong kagustuhan? Sa tingin mo ba gusto kitang makita? Gusto kitang makasama? Hindi....Hindi! Noon akala ko makukumpleto ako kapag nakasama ko ang tatay ko, pero nang malaman ko lahat lahat. Di ko alam ang mararamdaman ko. Pero ngayon... Malinaw na sakin lahat" tuluy tuloy lang ang pag-iyak ko
Lumuhod siya bigla sa harapan ko. Kitang kita ko ang mga luhang naglalakbay sa mukha niya.

"Patawarin mo ko Blair, patawarin mo ko"

"Then kunin mo lahat ng binigay mo sakin. Bawiin mo ang kakayahan kong magkita ng mga bagay- bagay. Hayaan mo kong mabuhay ng normal"

"Im sorry, I can't..I can't"

"Then leave me alone. Leave us alone. Ayaw na kitang makita pa.Iwanan mo na ako!"

"Please anak..Please"

"No! Umalis ka na, Just leave please, just leave!"
Tuluyan na nga siyang nawala sa harapan ko. Sobrang sakit. Araw- araw na lang may bagong nangyayari sa akin, mga kakaibang pangyayari.Di ko alam ang dapat kong maramdaman.Naramdaman ko ang mga bisig na nakayakap sakin.

"Its gonna be okay, Waldorf. Everything is gonna be okay. I'm here"
Katulad ng palaging nangyayari, nandito na naman sya, Si Castiel. Pakiramdam ko ligtas ako sa lahat basta nandyan siya sa tabi ko. Gumagaan lahat pag andyan sya.

"Bakit? Bakit ako na lang palagi" umiiyak ako ngayon sa balikat niya.

"There's always answer for everything. You should be strong to face it. Nandito lang ako, I'll never leave your side, Waldorf."

BLAIRWhere stories live. Discover now