“You look prettier with that dress” sabay turo ni Castiel sa pulang dress na sinukat ko kanina.
Nandito kami ngayon sa mall, namimili ng damit for Katniss’ party. Its her birthday today.
“Tss. Mula ng nagsukat ako ng mga damit, yan yung sinasabi mo sakin”
“Because it’s true Waldorf, lahat bagay sayo. You look beautiful kahit ano pang suot mo.” Nakatitig sya sa mukha ko.
Pakiramdam ko mala kamatis na ang mukha ko sa pula. Di ko alam pero naiilang ako sa mga titig niya.“Che! Tigilan mo nga ako.And stop calling me Waldorf. Blair ang pangalan ko.Hmpph”
“What’s wrong? Apelyido mo naman yun, tsaka ayaw mo nun unique? Ako lang tumatawag sayo?
Di ko na lang sya pinansin. I picked the red dress na tinuro ni Cas kanina. Bakit ba? Eh sa yun yung gusto ko. Para na akong baliw nakikipag-usap sa sarili ko.
“Cas, bakit di tayo bumili ng damit mo? Yan na lang suot- suot mo palagi.Tara” hatak ko sa kaniya pagkabayad ng binili ko.
“Cas? That’s not my name. It’s Castiel, the angel of the-----“
“Stop saying that words.hahahaha. Ilang beses mo na bang nabanggit yang angel angel na yan,hahaha”
Pumili ako ng damit niya Pinagpalit ko siya. WOW. He is wearing a blue polo shirt at pinartneran niya yun ng black tokong. Kitang kita ang hugis ng katawan niya. He’s sexy. Teka ano ba itong iniisip ko.
“Stop staring at me.Alam kong gwapo ako”
Dumiretso na ako sa counter para bayaran ang damit niya.Napansin kong lahat ng sales lady dun ay nakatitig sa kaniya.
“Miss eto bayad” sabay abot ko ng pera sa cashier na halos lumuwa ang mata katititig kay Cas. Di ako pinapansin.
“Hey miss, bayad oh” mas nilakasan ko para mapansin niya.
“Ayy.sorry sorry Ma’am. Ang gwapo kasi ng kasama niyo.Parang anghel…. Ang swerte niyo naman sa kaniya.Hehehe” nagpapacute pa si ate oh.Kung alam lang talaga nilang anghel nga ang kasama ko…….literal na anghel.
Pagkatapos naming mamili umuwi na ako. Kelangan ko pang magready para sa party mamaya. Inayos ko na ang sarili ko, nag-apply ng konting make-up.Nang ayos na ang sarili ko.
“Ma, una na po ako.” Paalam ko kay Mama
“Sige anak.Ingat ka sa daan.Wag masyadong magpakalasing ha?” paalala ni Mama.
“Oo naman po Ma.” Bye.
AT THE PARTY:
“Hey, Kat. Happy birthday. Here’s my gift” niyakap ko sya sabay abot ng regalo ko.
“Thanks Blair. Oh btw. Sino naman itong anghel na kasama mo? Sabay tingin sa gilid ko.Pagtingin ko si Castiel pala. Basta basta na lang sumusulpot. Di ko namalayan na nakasunod pala sya sakin.
“Anghel, alam mo?” nagtataka kong tanong sa kaniya
“Anong pinagsasasabi mo?, ang ibig kong sabihin mukhang anghel. Hahaha san mo napulot yan?”
“Ha..ahhhhh….ah he is a friend. Yes, a very close friend..
“Ipakilala mo naman ako” nagpapacute si Kat kay Cas. Tingnan mo nga naman to oh.May boyfriend na ehh.
“ahhmm.Castiel si Katniss, friend ko. Katniss si Castiel, haha friend ko din” awkward ng moment.
Hours have passed. Sayaw dito, sayaw duon.Inom dito, inom doon ang mga tao dito.Samantalang ako nandito nakaupo lang sa tabi kasama ang isang anghel.alam niyo na… Di naman talaga ako mahilig sa mga ganito.
“Waldorf, let’s get out of here. Ang ingay dito.Tara!” sabay hatak sakin palabas.
“Wait lang.Ano ba,Magpapaalam muna ako kay Kat.”
“Tss. Its’ okay.Pag di ka niya nakita, understood na niya na umalis ka.Let’s go” patuloy pa din ang paghatak niya sakin. Makakahindi pa ba ako?
Nandito kami ngayon sa park. Dito kami dinala ng mga paa namin. Well, dito niya ako dinala.Nakaupo ako ngayon sa damuhan nang biglang humiga si Cas sa lap ko.
“Ano ba, ang bigat bigat mo.Bumangon ka nga diyan” pilit ko syang binabangon.
“Tss.Inaantok ako, hayaan mo muna akong matulog. Ang hirap hirap bantayan ng katulad mo” nagsasalita sya habang nakapikit ang mga mata.
“Sinabi ko bang bantayan mo ko? Tsaka anghel ka diba.Napapagod ba ang mga anghel?”
“Yes, you didn’t ask me to, pero di ko mapigilan ang sarili kong bantayan ka Tss.”
Ganito ba talaga itong tao….I mean anghel na ito. Palaging direct to the point.Tinitigan ko ang mukha niya tutal mukhang tulog na naman siya.Ngayon ko lang natitigan ang mukha niya. Ang ganda ng kilay niya, ang mga mata niya, ang perfect ng ilong niya, and his lips…..
“Stop staring at me Waldorf. Wag mo kong pagnasahan” Pano niya nalamang------------
“Che. Matulog ka na nga lang Cas. Dami mo pang sinasabi eh”
At dito na natapos ang gabi ko.And the most special thing sa lahat ay yung ngayon. Watching the star with the man who always there for me.My angel, Castiel…