Alam niyo ba na sa bilyon-bilyong tao sa mundo ay may isang nakalaan para sa 'yo?
May mga taong bigla na lang darating sa buhay mo ng walang pasintabi at hindi mo aakalaing para sayo pala talaga dahil...
Una, hindi mo naman siya type. Hindi siya 'yong tipong hinahanap mo! In short, not your ideal person.
Pangalawa, bwesit. Oo, nangbubwesit at mabubwesit ka sa pagmumukha niya.
At pangatlo, wala lang. Perfect strangers nung una. In short, unexpected way.
Pero ika nga... Love moves in mysterious ways.
I am Vince Sebastian Cervantes,... Masungit
... Cold-hearted
... Mayabang, pero
... Matalino
... Sporty
... TalentedYes, inaamin ko ang lahat ng tawag nila sa akin. What can I do? I am damn not interested on their lives. They want me, hindi ko sila pinapansin. They give motives, mas lalo akong naiinis. I hate useless presence.
One day, I entered Hampshire, our school, with an issue that surprised me. I heard another murmurs about my name... I did have a girlfriend sabi nila. Girlfriend is no big deal for me dahil sanay na ako sa kahit sino-sinong umaangkin sa akin. But I hate issues and spreading false news about me especially now. Fvck!
"Oy Vince, hanap ka ng girlfriend mo kanina pa." Bungad ng kaibigan ko sa hallway. Hindi ko mapigilang mangunot ang noo dahil ito ang unang pagkakataon na sumuporta siya sa kung sinong baliw.
"Tol, hanap ka ng Jowa mo. Nando'n sa canteen naghihintay," sabi naman ng isa kong tropa.
"Sht!" napamura nalang ako at madaling tinungo ang canteen. Actually, wala akong paki-alam sa kumakalat na issue, gusto ko lang malaman kung sino na naman ang nagkalat nang masuway ko. Hindi pwedeng papasok sila ng ganito sa buhay ko ngayon.
"Bisinti!" nakangiting sigaw ng babaeng palagi kong kasama. Tinaasan ko siya ng kilay. Anong ginagawa niya dito? Fuck!
"Tss. Psycho," Bulong ko at walang emosyong naglakad palayo.
"Hoy, Bisinti sandali lang! Hintayin mo ako!" sigaw niya ulit pero hindi ko pa rin siya nililingon at nagpatuloy lang sa paglalakad. Kailangan ko siyang mailayo dito.
"Bye guys! Una na ako ah, mag-aaral pa kami ng boyfriend ko. Bye!"
Hindi ko mapigilang mapangiti at mainis dahil sa sinabi niya. Siya ang nagkakalat?! Humarap ako at tiningnan siya ng masama.
"Makatingin ka naman sa akin, Bisinti. Mahal na mahal mo talaga ako 'no?!" Pinilit kong hindi mapangiti sa biro niya. Alam kong nababaliw na naman siya.
"Psycho!" sagot ko saka iniwan siyang nakatulala.
***
This is a work of fiction. Names, places, business, Organizations, events and incidents are either the products of author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events are purely coincidental.
All rights reserved 2019
©Pearlyshellx
BINABASA MO ANG
Falling for the Psycho
Teen FictionMost men fall in love to a supermodel, ideal successful woman with a genius mind, and a perfectly angelic damsel but in his case?... He fell in love to a Psycho.