[Episodes]
Izabella's POV
Kanina pa ako pabalik-balik sa paglalakad dito sa kabuuan ng dorm ni Zeph. Ang tagal kasing lumabas ni Dr. Wilson sa kwarto niya. Kapag may nangyaring masama talaga kay Zeph, hindi siya makakalabas ng buhay dito sa dorm.
Tinawagan ko kanina ang nasa contacts niyang Dr. Wilson. Hindi ko alam kung sino 'yun basta tinawagan ko lang buti at tama nga ako ng tinawagan. Psychiatrist daw siya ni Zeph kaya agad ko na siyang pinapunta rito. Tinry ko ring tawagan si tita kaso hindi sumasagot at ang kuya niya naman ay out-of-coverage. Kung bakit ba kasi ngayon pa umaatake ang sakit niya. Paano kapag wala ako dun? Tutulong kaya yung dalawang kuhol na 'yon?!
Napasabunot nalang ako sa buhok ko at agad na pinasok ang kwarto ni Zeph. Unang araw ko pa nga lang, absent na ako. Hindi ko naman kasi pwedeng iwan nalang ang babaeng 'to dito. Hindi ko rin pwedeng ipagkatiwala sa dalawang bagong kaibigan niya kahit na nag volunteer na sila dahil wala pa akong tiwala sa kanila lalo na't bago pa lang kami nagkakilala. Mabuti ng sigurado. Kaya pinayuhan ko muna silang pumasok at magpapaliwanag na kapag okay na ang lahat.
Tulog pa rin siya nang madatnan ko dito sa kwarto. Kitang-kita ko ang pamumutla niya sapagkat nakabukas ang lahat ng ilaw sa kanyang malaking silid. Pinasadaan ko ng tingin ang kabuuan ng kwarto niya, parang hindi dorm ah. Sobrang laki at maganda daig pa ang condo unit. Mas malaki pa nga itong kwarto niya kaysa sa inuupahan ko ngayon e'. Napako naman ang tingin ko sa doctor na nagsusulat sa tabi. Sinilip ko muna saglit dahil baka naglilista siya ng kung anong pwedeng manakaw dito o kaya mga bagay na nakakasama kay Zeph. Pero sa napansin ko naman, reseta ito ng gamot.
Tumikhim ako sandali upang makuha ang attensyon niya.
"Doc, how's Zeph? Kumusta po siya?" tanong ko at agad naman niyang inabot sa akin ang papel na sinulatan niya kanina.
Binaba ni Dr. Wilson ang kanyang eyeglasses at saka tumikhim. Kung titingnan mo ng maigi, may edad na talaga siya dahil sa kulubot ng balat at kulay ng buhok niya but I think he is naturally baby face lang kaya hindi masyadong halata.
"Ayon sa mga kuwento ni Ms. Phile kanina—" napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Adik ba sya? E' ang himbing ng tulong ni Zeph dito ah! Pinaglololoko yata ako nito.
"How did that happened, doc? She's obviously sleeping."
"She woke up a minute after I entered here. We talked and I let her sleep afterwards." Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba siya pero hinayaan ko lang siyang mag kwento. Tatanongin ko nalang si Zeph mamaya at kapag nalaman kong hindi totoo 'yun, lagot siya sa akin.
"She's experiencing Psychosis. It's not a disease but rather a symptom of some mental illness. Kaya basically, hindi ito sakit kun'di isang sintomas lamang sa isang sakit kagaya ng schizophrenia. A person having this condition loses a contact with reality. Ibig sabihin, makakaranas siya ng mga bagay bagay na walang katotohanan at hindi rin nage-exist. In simple terms, they will experience hallucinations or delusions. But as what she have told me and how she responded my question, she's having hallucinations."
I know this kind of illness of hers. Hindi lang ito ang unang beses na inatake siya ng tinatawag na Psychosis. Way back Junior High School ay nagkaroon din siya ng ganitong episode pero hindi naman malala parang naghahalucinate lang siya kaya tinawagan ko agad ang Mommy niya. Pero ngayon, ibang klase! Parang nasapian ng sampung praning na demonyo.
BINABASA MO ANG
Falling for the Psycho
Teen FictionMost men fall in love to a supermodel, ideal successful woman with a genius mind, and a perfectly angelic damsel but in his case?... He fell in love to a Psycho.