[Bisinti]
Third Person POV
Kanina pa nakasalubong ang kilay ni Vince sa kanyang upuan habang naghihintay kay Zeph. Pupunta kasi sila sa office ni Mr. Devon para sa research na gagawin nila.
"'Tol, mukhang ang laki na naman ng problema natin ah!" komento ni Lloyd sa tabi na umiiling-iling pa.
Sa lahat ng lalaking nilipat ng upuan ni Mr. Corpin, sila lang yata ang hindi nabuwag. Si Vince pa rin sa gitna at sina Lloyd at Jaynard sa magkabilang gilid.
"Sige, simulan mo 'yan ptngina para mawala ka na ditong gago ka." singit naman ni Jaynard habang si Vince ay hindi pa rin umiimik.
Isinuot ni Vince ang kanyang earphones and rested his head on the armchair. Hindi na niya muna pinansin ang dalawa baka ma bad trip pa siya lalo. Sa lahat pa naman ng ayaw niya ay late comers idagdag mo pa ang hindi matukoy na inis niya sa babae.
Sa kabilang banda, masayang naglalakad sa hallway sina Iza at Zeph. May mga bitbit na libro si Iza habang si Zeph naman ay pangiti-ngiting naglalakad lang. Sobrang saya niya dahil magkasama ulit sila ng kaibigan niya. Kinuha nila kahapon ang mga gamit ni Iza sa apartment niya at dinala sa dorm ni Zeph. Wala kasing bawal na tumira sa kada dorm as long as same gender.
"Zeph, tumigil ka nga d'yan para kang timang." Napalabi siya bigla sa sinabi ni Iza.
"Masaya lang naman ako, Iza—" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil namataan niya sa hindi kalayuan sina Lesti at Williams kaya agad siyang tumakbo papunta sa kanila.
"Lesti! Will!" sigaw niya. Napalingon naman ang dalawa sa kinaroroonan niya at sinalubong siya ng mga ngiti.
Nang magkalapit na sila ay agad siyang yumakap habang si Iza naman ay walang nagawa kun'di ang sumunod sa kanya.
"Isang taon hindi nagkita, Zeph? Isang taon?" sarkastikong wika ni Iza na ikinatawa nila.
"Are you jealous, Iza? Come on let's have a group hug." Natatawang saad ni Lesti na inismiran lang niya. Ibang paraan kasi ang pagpapakita ni Iza ng ka-sweet-an.
Sabay na silang apat na naglakad papuntang classroom nila. Prenteng-prenteng nagkukwentohan habang tinatahak ang daan na tila ba sila lang ang tao. Sa pinakagilid, si Lesti, nakikipag-usap kay Iza. Si Williams naman sa gitna ay nakikipag-kwetohan kay Zeph habang naka akbay.
"Anong problema?" tanong ni Williams nang biglang tumigil si Zeph sa paglalakad. Napatigil na rin ang dalawang babae at tiningnan sila na nakakunot ang noo.
Agad siya napatampal sa noo at napa-isip na lagot na naman siya kay Sungit dahil nakalimutan niyang pinapunta pala sila ni Mr. Devon sa opisina niya ngayon. Akmang sasagot na si Zeph pero natigil 'yon nang hinablot siya ni Vince kay Williams.
"Hoy! S'an mo siya dadalhin?" tanong niya saka hinarangan ang daan nila. Si Vince naman ay nanatiling wala sa emosyon.
"Subukan mong dalhin siya sa kung saan makikita mo ang hinahanap mo." Segunda naman ni Iza.
Lumapit na rin si Lesti sa harap nila at saka sila inawat. "Can you guys please relax? You're overreacting," aniya na sinamaan lang ng tingin ni Iza.
Napakamot naman ng ulo si Zeph habang hawak pa rin ni Vince ang kabilang kamay niya.
"Huwag mong sabihing may relasyon kayo nito baka masapak ko kayo." Pangunguna ni Iza habang tinuturo si Vince dahilan upang bumilog ang mga mata ni Zeph.
BINABASA MO ANG
Falling for the Psycho
Teen FictionMost men fall in love to a supermodel, ideal successful woman with a genius mind, and a perfectly angelic damsel but in his case?... He fell in love to a Psycho.