[Anything]
Zephania's POV
Tahimik lang kaming nagba-byahe ni Bisinti. Hindi na ako nagsalita at nagtanong kung adik ba talaga siya baka pababain ako dito sa kotse niya, mahirap na. Hindi ko pa naman kabisado ang lugar na 'to.
Maya-maya lang ay natanaw ko na ang Mall sa hindi kalayuan. Sa National Book Store raw kami bumili sabi ni Mr. Devon dahil may sale. Hindi ko inakala na updated din pala si siya sa mga ganitong sale.
Agad na nagpark si Bisinti sa vacant lot at naunang lumabas ng kotse. Inayos ko muna ang damit ko at kinuha ang bag na nilagay sa backseat. Nagulat nalang ako nang biglang nagbukas ang pinto sa tabi ko. Buti nalang at hindi ako sumandal kun'di bagok ang ulo kinalabasan nito. Ito namang si Bisinti, nagdadala ng sirang sasakyan.
Nang maabot ko na ang bag ay sumalubong sa akin ang naka arkong kilay ni sungit.
"Make it fast!" wika niya na nginitian ko lang with peace sign. Nagmamadali naman siya masyado kaya pala nabukas ang pinto.
Agad na akong bumaba at sinara ni Bisinti ang pinto. Inihagis pa niya ang susi ng kotse na sinalo rin niya agad saka ibinulsa. Isinukbit niya rin ang suot niyang itim na jacket sa kanang balikat niya at nakapamulsang naglalakad.
Nang makarating na kami sa harap mismo ng NBS ay pinasadaan niya lang ito ng tingin. Papasok na sana ako nang bigla niyang hilain ang bag ko dahilan upang matangay rin ako.
"Aray! Bakit?" takhang tanong ko. Sa pagkakaalam ko at sa pagkakabasa ko, dito kami bibili ng mga libro. Umaandar na naman ang pagkatanga nitong si Bisinti.
"We'll be back later. Come with me for a while, I'll meet someone," aniya kaya nagkibit-balikat na lamang ako.
"Bisinti, sino ime-meet mo?" tanong ko habang papalayo kami sa NBS.
"A friend," tipid niyang sagot.
Tumango muna ako at saka siya tinanong ulit. "Sinong friend?" hindi naman kasi pwedeng si Lloyd kasi kaka-meet lang nila kanina sa paaralan. Pwera nalang kung nag-aadik talaga sila.
Binato niya ako ng isang nakakatakot na tingin kaya napaatras ako ng konti. Ayan na naman siya, nagiging monster na naman. "Can you please shut your mouth up?" usal niya kaya napanguso nalang ako. Para nagtatanong lang eh. Hindi naman niya ikinagwapo ang hindi pagsagot sa tanong ko.
Napansin ko nalang na nakapasok na pala kami sa Starbucks. Agad niyang inilibot ang paningin tila may hinahanap kaya naghanap na rin ako kahit hindi ko alam kung ano ang hinahanap niya.
"Ano hinahanap mo? Nahihilo na ako sayo," komento ko na hindi niya pinansin. Hindi talaga makausap ng matino ang lalaking 'to. Bakit kaya siya ganito? Siguro nga hindi talaga siya mahal ng mama niya.
Kinapa niya saglit ang bulsa niya at hinugot ang nakapaloob na cellphone dito. Nag-dial siya ng kung kaninong numero na agad namang nasagot. "Yes... I'm here... Okay, I've seen you," sabi niya sa kabilang linya saka ibinaba ang telepono.
Sinenyasan niya akong sumunod sa kanya na agad kong ginawa. Nang mapansin kong papalapit kami sa isang lalaking mag-isang naka-upo sa mesa ay bigla akong kinabahan. Hinila ko ang laylayan ng damit ni Bisinti na agad niyang napansin. Baka ibenta niya ako o 'di kaya ibugaw. Sana hindi na talaga ako pumayag na pumunta kami rito.
"Sorry na, Bisinti," naiiyak kong sabi. Gusto ko pang makasama ang pamilya ko kaya hindi niya ako maaaring ibenta.
Kumunot lang ang noo niya tila naghihintay sa susunod na sasabihin ko.
BINABASA MO ANG
Falling for the Psycho
Teen FictionMost men fall in love to a supermodel, ideal successful woman with a genius mind, and a perfectly angelic damsel but in his case?... He fell in love to a Psycho.