CHAPTER 17: Acquaintance

71 36 30
                                    

[Acquaintance]

Zephania's POV

"Zeph, sandali na muna, aayusin ko saglit ang buhok mo. Huwag masyadong malikot kasi magugulo na naman," pasabi ni Iza sa akin habang ginagawa na ang buhok ko.

Acquaintance party na namin ngayon at si Iza ang nag-ayos sa akin, hindi siya kilalang fashionista pero may alam siya sa mga ganito kaya walang problema. Noong napunta kami sa Mall, si Lesti ang tumulong sa amin pumili nang masusuot at ngayon si Iza naman ang tumutulong sa pag-aayos ng mukha ko. Hindi ko na alam kung mabubuhay ba talaga ako kapag mag-isa lang. Buti at nandito sila sa tabi ko.

Matapos ko ring makita si Jaynard na naka akbay kay Iza ay parang ang saya ni Iza lagi. Akala ko injured si Jaynard dahil sa paakbay niyang nalalaman pero hindi naman pala. Maganda rin ang dulot niya sa kaibigan ko dahil minsan na lang ako nasigawan pero hindi pa rin nawawala ang mga paalala niya sa akin.

Isiniksik ko ang mga takas na hibla ng buhok ko sa naka semi-bun kong hairstyle. Napapansin kasi kapag natakas, out of place masyado si hairy. Tiningnan ko ng maigi ang mukha ko at nagulat ako dahil halos hindi ko na ito makilala. Maganda ang nasa salamin kaysa sa akin. Lumilitaw ang kaunting ilaw ng parang stardust sa gilid ng mga mata ko na bumagay sa pula kong labi. Ang saya tingnan!

"Ang ganda mo talaga, Zeph." Napangiwi nalang ako sa sinabi niya. Mas maganda nga sila ni Lesti sa akin e'.

Tinulungan na akong tumayo ni Iza sa upuan at pilit na ibinaba ang suot kong knee-length peach off-shoulder dress na may slit sa hita. Ayoko pa sanang piliin 'to kaso nagpupumilit si Lesti dahil bagay raw sa akin kaya wala na akong magawa. Sino ba kasi ang designer dito at bakit nahiwa pa sa gilid.

"Iza, nahihiya ako," sabi ko sa kanya. Umiling na muna siya bago tumayo at humawak sa magkabilang balikat ko.

"Huwag kang mahiya dahil maganda ka. May iba nga d'yan na hindi kagandahan, sobrang kapal pa ng mukhang pumarada." Natawa ako sa sinabi niya. "Kaya huwag na huwag kang mahihiya kung ayaw mong ipukpok ko sayo ang sapatos mo," aniya dahilan upang matawa kaming dalawa.

Izabella became my foundation in everything. Siya ang naging kapatid ko sa loob ng mahabang panahon. Kahit hindi kami magkadugo ay tinrato niya ako ng sobra pa sa kaibigan. Sana pumayag nalang siya na kupkopin namin siya dahil hindi naman iba ang tingin namin sa kanya. She's nice, she's caring at bagay sila ni kuya. Ni minsan wala pang ipinakilala si kuya na girlfriend niya liban na lamang sa babaeng kinukwento niya lagi sa akin noon na magiging Guardian Angel ko.

Tumambay na ako sa mini-salas namin habang tine-text si Williams. Sabi kasi niya na isasabay niya kami ni Iza papunta sa venue ng party. Kahit na sinabi ni Iza na hindi na kailangan, mas pinili kong makisabay sa kanya. Baka kasi palakarin ako ni Iza tapos ang haba pa ng takong ko, edi baldado ang labas ko. Mababali pa ang mga inosente kong mga paa.

Maya-maya lang ay lumabas na si Iza sa kwarto ko. Nakalugay lang ang buhok niya suot-suot ang navy blue with a combination of black at heels. Simple lang ang hitsura niya pero napakaganda, siguradong marami ang titingin sa kanya.

"Wala pa ba si Nate?" tanong niya habang naglalakad papunta sa direksyon ko at naupo.

"On the way na raw siya sabi niya kanina." Tumango lang siya sa sinabi ko.

Ilang saglit lang ay nakarinig na kami ng busina kaya agad na kaming nag-ayos at lumabas. Sumalubong sa amin si Will na nakasuot ng blue na tuxedo na nakangiti. Mas pansin tuloy ang inosente at gwapo niyang mukha.

Falling for the Psycho Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon