[Punishment]
Zephania's POV
Kasalukuyan akong kumakain ng agahan kasama si Iza. Lunes na naman, nakakatamad na araw. Parang hindi pa nga sapat ang weekend bilang pahinga e'.
Matapos akong ihatid ni Bisinti pabalik kina Iza at initusan silang iuwi na ako ay hindi na sila nagdalawang-isip na sundin ito sa sandaling makita ang hitsura ko. Tahimik lang kaming naby-byahe at napaulanan ng tanong sa oras na dumating kami sa dorm.
Ipinaliwanag ko sa kanila ang lahat ng nangyari sa akin dahilan upang bigla silang magkagulong tatlo. Babalik pa sana si Will upang hanapin ang gumawa sa akin ng masama pero pinigilan ko na siya. Ayaw ko na ng gulo at nakaganti na naman si Bisinti sa kanya e'.
Natanong din nila sa akin kung hindi ba nagbago ang tingin ko kay Bisinti at sa mga kaibigan niya sa kabila ng nalaman ko. Sa totoo lang, natatakot ako sa kanya pero sa noong iniligtas niya ako parang nahawi lahat ng pangamba at takot ko sa kanila. Besides, mabait naman sina Lloyd at Jaynard sa amin, si Bisinti lang ang may topak.
"Zeph, malapit na ang contest nyo. Handa ka na ba?" biglang tanong ni Iza matapos kaming kumain.
Napaisip din ako sa tanong niya, kinakabahan nga ako eh. Habang papalapit nang papalapit ang mga araw ay mas lalong nadadagdagan ang kaba ko. Malapit naman kaming matapos sa project namin dahil matalino at masipag ang partner ko, yun nga lang palagi nalang masama ang tingin sa akin.
"Hindi ko alam, Iza. Kinakabahan ako." Yan lang ang sinabi ko upang makatanggap ako ng yakap sa kanya.
"Kaya mo 'yan!" Nakangiti niyang sambit sa akin.
Laking pasalamat ko sa kanya dahil tinulungan niya kami at siya minsan ang tumatapos sa gawain ko kapag napapagod ako. Tapos pinapalakas niya pa ang loob ko, sana naman hindi siya magsawa sa akin.
Pinauna ko na si Iza sa paaralan dahil mag-aayos pa ako ng gamit. Gumawa kasi kami ng project kahapon at nakalimutan kong ilagay pabalik ang mga gamit sa bag. Tutal maaga pa naman, manonood muna ako ng movie dahil mababagot lang ako sa room kapag maaga akong dumating.
Naaaliw na ako sa pinapanood kong Frozen 2 at pa minsan-minsay sinasabayan ang kanta nila. Pang-ilang ulit ko na itong pinapanood pero hindi pa rin ako nagsasawa tapos ang ganda pa ni Elsa dito. Parang gusto ko na tuloy maging cartoon character. Napatigil ako bigla sa pagkanta nang mag-ring ang telepono sa center table kaya agad ko itong inabot.
"Zephania, nasa'n ka na? Malelate ka na!" sigaw ni Iza sa kabilang linya. Napatingin ako saglit sa Wall clock at walang anoma'y pinatay ko ang TV saka tumakbo palabas.
Kampante kasi ako kanina na hindi ako malelate dahil malapit lang ako sa room namin pero hindi ko napansin ang oras. Lagot! Si Mr. Devon walang puso, puro atay pa naman ang teacher namin ngayon.
Halos lakad takbo na ang ginawa ko. Daig ko pa ang nasali sa marathon dito. Nagsipatakan na rin ang mga pawis ko sa noo at halos kapusin na ako ng hininga. Mabuti nalang at buhay pa akong nakarating sa room namin.
Napahawak ako sa pintuan habang habul-habol ang paghinga. Napagod ako dun ah! Mabuti nalang at tahimik pa ang klase, siguro wala pa si Mr. Devon.
Kung bakit ba kasi pinapasok pa kami sa klase, pwede namang excuse ulit kami sa subject niya. Tutal may pinapagawa naman siya sa amin ni Bisinti.
BINABASA MO ANG
Falling for the Psycho
Teen FictionMost men fall in love to a supermodel, ideal successful woman with a genius mind, and a perfectly angelic damsel but in his case?... He fell in love to a Psycho.