CHAPTER 18: He saved me

81 36 34
                                    

[He saved me]

Zephania's POV

"Anong ginagawa mo d'yan?" pabulong na sigaw sigaw ni Will sa tapat ko habang nakatutok sa kanya.

Maging ako nagulat din sa biglang pagsulpot niya.

"Ano pa bang tinatayo mo d'yan?! Maupo ka na," si Iza naman sa tabi ko.

Hinawakan ko na ang Black na suot ni Lesti at mahinang hinila upang maupo na siya. Bigla na lang kasing darating nang walang pasabi at kanina pa kami naghihintay sa kanya.

"Sorry guys late ako, naiwan ko kasi ang card kaya kailangan kong bumalik sa bahay." Paliwanag niya na tinanguan lang namin.

Sa lahat ba naman kasi ng pwedeng maiwan niya, eh ang card pa. Hindi kasi pwedeng pumasok kapag walang invitation para raw sa security naming lahat. Sa kabila ng ganda niya ay nakatago ang makakalimuting babae.

"Alam niyo ba —" hindi na niya natapos ang dapat niyang sasabihin sa sandaling napako ang kanyang paningin sa harap.

"Is that —" hindi makapaniwalang saad niya sa sarili habang nakaturo sa babaeng kumikinang at maangas na nakatayo.

"Dauntless Humane Crumlin, From Dauntless," aniya sabay smirk.

Sobrang cool lang niya at napakainosenteng tingnan. Hindi ko naman alam na special child din siya. Naalala ko pa nung first day of school, magkatabi kami tapos tinanong ko pa siya kung isa ba siya sa tinatawag ni Ms. A. Si You, Standap at Begin pero tiningnan lang niya ako ng masama. Hindi naman siya inaano pero parang kakainin niya na ako sa mga oras na 'yon.

Hindi rin kasi siya masyadong nagsasalita at loner kaya mas lalong nakakamangha tapos malalaman ko nalang na ganito siya? Kawawa naman siya, siguro hindi sila naaalagaan ng tama ng mga pamilya nila.

Hindi ko na pinansin ang ibang nagpakilala pa dahil naaawa na ako sa kanila. Napakarami palang nga Special dito sa Hampshire. Kanina gusto ko ring magpakilala kami ng ZINC dahil may group name naman kami gaya nila kaso iniisip ko na baka hindi kami pwede dahil hindi kami special gaya nila.

"Kawawa naman sila," wala na sariling wika ko.

Nangunot naman ang noo ni Lesti sa sabi ko. "Why?" tanong niya.

"Eh kasi nga special child sila tapos inihiwalay pa ng upuan sa mga normal child."

Mas lalo lang nangunot ang noo niya sa sinabi ko. Ang gulo rin niyang kausap minsan e'.

"Sabi kasi nila kanina na mga special daw ang uupo sa kabila–" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang biglang tumawa si Lesti. Napaisip tuloy ako na baka isa rin siya sa Specials.

"Ano ka ba, Zeph. They are not the special children that you think. They are the fraternities in the school kaya mag-ingat ka sa kanila. Mga gangs 'yan na maaaring maglagay sa atin sa piligro." Napatakip ako ng bibig dahil sa sinabi niya. Hindi talaga sila special child? At totoong mga gangs nga sila? Hala! Eh kung ganun, gangster si Bisinti?

Ibinuka ko ang aking bibig pero walang lumalabas na salita kaya mas pinili kong itikom ito.

"But don't worry about Vince, he's good and I trust him." Pagpapatuloy niya. Good ba yun? Halos durogin na nga ang buto ko e'!

Falling for the Psycho Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon