CHAPTER 20: It's All Done

65 27 17
                                    

[It's all done]

Zephania's POV

"Kumain ka na," utas ni Bisinti. Kanina pa kami dito sa cafeteria pero hindi ko pa rin ginagalaw ang pagkain ko. Mamaya may lason 'to at magaya ako sa kabaliwan niya.

Matapos niya akong takutin sa tingin niya kanina, hindi na ako nagsalita at siya naman ay tawa lang nang tawa. Hindi niya raw sinasadya na takutin ako. Pinaningkitan ko lang siya ng mata.

"Baka may lason 'to ah!" sambit ko. Umiling lang siya at saka kumuha ng pagkain sa plato ko sabay subo.

"Proof," aniya. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.

"Kutsara ko 'yan!" reklamo ko nang mapagtantong kutsara ko ang ginamit niya sa pagkain. Tumawa lang siya.

"I don't have virus. Now, eat." Wala na akong nagawa kun'di ang kumain. Kapag hindi ako kumain, baka magutom ako buong maghapon. Hindi pa naman siya mahilig kumain ng snacks kaya walang break time.

Patapos na kami sa pagkain nang mahagip ng mga mata ko ang ZINC kasama ang mga kaibigan ni Bisinti. Si Anything na naka akbay kay Lesti at sina Lloyd at Jaynard na pinagitnaan si Iza. Teka, wala yata si Will?

"Uy Zeph! 'tol!" bati ni Lloyd nang marating ang kinaroroonan namin. Bumati naman kami sa kanila.

Umupo sa tabi ko si Anything sabay ngiti. Yinakap ko siya. "Anything! Namiss kita!" sambit ko sa gitna ng yakap. Ginulo niya lang ang buhok ko at tumawa ng mahina.

"Kumusta?"

"Ayos lang, ikaw?" Bigla kong naalala ang pinasoot niyang coat sa akin noong party. Buti at nailagay ko sa bag kanina. "Heto nga pala, thank you talaga," dagdag ko sabay abot ng paper bag.

Ngumiti siya at ginulo ulit ang buhok ko. Hilig niya talagang guluhin ito, para siyang bakla. "You're welcome," aniya.

Isang tikhim ang umagaw sa atensyon namin, namataan ko ang nagaapoy na namang titig ni Bisinti sa akin. Nasasapian na naman yata siya. Si Lloyd naman sa tabi niya ay nakangiti lang habang si Lesti sa kanan niya ay kunot ang noo. Kunot noo ko rin silang tiningnan.

"Finish your food, marami pa tayong tatapusin," suway ni Bisinti. Marami? E' polishing nalang ang gagawin namin ah!

"Marami? Polishing nalang ang gagawin natin 'di ba?" tanong ko. Tiningnan niya lang ako ng masama kaya sumubo na ako.

Kita ko naman sa kabilang table sina Jaynard at Iza na kumakain, six seaters lang kasi ang table namin kaya siguro sa kabila sila umupo. "Si Williams?" tanong ko habang ngumunguya ng pagkain.

"He has an important meeting," sagot ni Lesti. Napatango nalang ako. Namiss ko tuloy ang presence niya.

Nabalot ng katahimikan ang table namin. Hindi ko alam kung bakit seryoso ang mga buhay nila ngayon. Kahit si Lloyd, seryosong kumakain.

"Okay lang kayo?" tanong ko. Agad naman silang napatingin at tumango.

"Ba't ang tahimik niyo?"

"Baka matusok ako ng tinidor ng wala sa oras dito," natatawang sagot ni Lloyd. Napatingin siya kay Bisinti na walang emosyon saka biglang tumayo at lumipat sa table nina Iza.

Falling for the Psycho Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon