CHAPTER 12: Yours

71 41 39
                                    

[Yours]

Zephania's POV

Tamad akong lumabas ng kwarto at tila zombie kung maglakad. May usapan kasi kaming gagawa ng research ngayon at tutulungan kami ni Iza. Matigas talaga si Bisinti e' at hindi nagpapatinag. Mukhang na gets naman ni Iza ang point niya kaya pumayag na rin siya sa huli.

Nakapikit pa rin akong tinahak ang papuntang mini-salas dala ng antok. Maaga pa naman kaya agad kong tinapon ang sarili ko sa couch at humiga. Parang hita yata ang naging unan ko kaya nag good morning na ako. Alam ko kasing si Iza 'to.

"Tumayo ka nga d'yan! Maghilamos ka," sagot niya kaya napasimangot ako. Wala man lang good morning too o kaya kahit morning man lang.

Hinawakan ko ang kamay niya at saka siya sinagot, "Mamaya na Iz—" teka, parang lumaki 'ata ang kamay niya.

"Tatayo ka ba o babatuhin kita?" mas mabilis pa sa alas kwatro ko siyang binitiwan sabay takbo sa cr. Hindi man lang makapaghintay kita niyang bagong gising pa yung tao.

Bago ako nakapasok sa cr ay may naamoy akong pamilyar na pabango kaya tinanong ko siya habang diretso pa rin ang tingin ko sa dinaraanan.

"Iza, naaamoy mo ba ang naaamoy ko?" Tanong ko bago pumasok sa cr.

"Aba malay ko kung ano ang naaamoy mo."

"Iza naman e'! 'Yung pabango... May naaamoy ka bang pabango?" tanong ko ulit.

"Kay Vince," tipid niyang sabi. Oo, tama! Parang pareho ng amoy sa perfume ni Bisinti.

"Oo, parang. Naaamoy mo rin pala?"

"Aba malamang. Anong akala mo, ikaw lang ang may ilong?"

Binabangungot na yata kami ng kasamaan niya kaya naaamoy ko na siya. Nakakakilabot naman.

"Alam mo ba Iza na ang sama ng taong 'yon? 'Di ba naikwento ko na sayo na ang tanga niya dahil palagi niya akong binabangga?" sabi ko nang mabuksan ko na ang gripo. Kumuha na rin ako ng sabon at sinabon sa mukha ko. "Tapos akala ko tanga lang siya nuknukan din pala ng sama. Hinawakan ba naman ang kamay ko kahapon na akala ko madudurog na." Pagpapatuloy ko habang minamasahe ng sabon ang mukha. Hindi naman nagkomento si Iza kaya nagsalita ulit ako.

"Tapos hindi niya ako pinapayagang magpahinga kahit na napapagod na ang utak ko. Ang bilis niya ring maglakad, naiiwan ako. Hindi nga rin 'yon ngumingiti e' mukhang pinaglihi sa sama ng loob. Totoong bakulaw siya pero may hitsura din naman kahit papa'no. Marami ngang umaaligid sa kanya eh," wika ko sabay hilamos ng mukha sa malinis na tubig. Ang sarap talaga ng tubig, nakakagising ng diwa. Nang malinis na ang mukha ko ay nagpahid na ako ng towel at nagpatuyo bago lumabas.

"Tapos alam mo ba, Iza—" napatigil ako bigla nang may nakita akong pigura ng lalaki sa hinihigaan ko kanina. Teka— si Iza ang naka-upo d'on kanina ah! Sinuyod ko ang kabuuan ng salas at namataan ko si Iza na prenteng-prenteng naka-upo sa kabilang upuan. Kung nand'on siya, eh sino 'yong nahigaan ko kanina?

Papalapit na ako sa kinaroroonan nila na may ngiting naka-ukit sa labi dahil napagtanto ko na si kuya ang dumalaw. Buti naman at nagawi siya rito. Namimiss ko na siya e'. Tumawag kasi siya n'ong isang araw at sabi niya miss na niya ako kaya sinabihan ko siya na baka gusto niyang dumalaw rito sa dorm. Buti nalang at nakapunta siya ngayon.

Falling for the Psycho Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon