CHAPTER 24: Psycho

51 14 9
                                    

[Psycho]

Vince's POV

Papasok pa lang ako sa gate ng Hampshire, narinig ko na agad ang pangalan ko. Not new to me anymore, I am Vince Sebastian Cervantes, the one whom everyone admires. The talk of the town. I am already used with different murmurs about my achievements, my gang and everything about my personal life... But this one is different. They are watching me as if I did something big deal to everyone.

"Ang swerte ng girlfriend ni Vince 'no?"

"Ilang months na kaya sila."

"Hindi naman sila bagay ng girlfriend niya."

I was stunned by these murmurs. Fvck! Spreading rumors about girlfriends is no big deal to me. Sanay na ako sa mga babaeng inaangkin akong jowa nila pero hanggang do'n lang yun at hindi na kumakalat sa buong campus. But this one is really different. I hate issues and spreading false news about me... Especially now. Fvck it!

I hurriedly walked along the halls trying to ignore their nonsense issue. I put my earphone on and frustratingly brushed my hair. Fvk you all! My annoyance is building to the point of having the urge to plant bullets on their bodies. Good thing I saw Jaynard coming.

"Oy Vince, hanap ka ng girlfriend mo kanina pa." I shot him my confused look. Hindi ko mapigilang mangunot ang noo dahil ito ang unang pagkakataon na sumuporta siya sa kung sinong baliw na naghahabol sa akin.

"Tol, hanap ka ng Jowa mo. Nando'n sa canteen naghihintay," sabi naman ni Lloyd na biglang sumulpot mula sa likuran. Fvck! Who the hell spread the goddamn issue!

"Sht!" napamura nalang ako at madaling tinungo ang canteen. Actually, wala talaga akong paki-alam sa kumakalat na issue, gusto ko lang malaman kung sino na naman ang nagkalat nang masuway ko. Hindi pwedeng papasok sila ng ganito sa buhay ko ngayon.

Nag-ikot ako ng tingin sa loob at naghanap ng ka-eska-eskandalong mukha pero wala akong mahagilap dahil tahimik ang lahat. I clenched my fist and gritted my teeth. I am starting to lose my temper. They are ruining my expected good day!

"Bisinti!" nakangiting sigaw ng babaeng palagi kong kasama. Tinaasan ko siya ng kilay. Anong ginagawa niya dito? Fuck!

"Tss. Psycho," Bulong ko at walang emosyong naglakad palayo.

Kailangan ko siyang mailayo dito bago pa niya malaman ang tungkol sa issue'ng kumakalat.

"Hoy, Bisinti sandali lang! Hintayin mo ako!" sigaw niya ulit pero hindi ko pa rin siya nililingon at nagpatuloy lang sa paglalakad. Kailangan ko na siyang mailayo dito. Fvck!

"Bye guys! Una na ako ah, mag-aaral pa kami ng boyfriend ko. Bye!"

Hindi ko mapigilang mapangiti at mainis dahil sa sinabi niya. What the hell! Siya ang nagkakalat? How come? Humarap ako at tiningnan siya ng masama. I just realised that she was with her friends, INC.

Ano bang sinasabi niya? Kahit kailan talaga ang hirap intindihin ng mga babae.

"Makatingin ka naman sa akin, Bisinti. Mahal na mahal mo talaga ako 'no?!" Pinilit kong hindi mapangiti sa biro niya. Alam kong nababaliw na naman siya. Kung anu-ano na ang lumalabas sa bibig niya mula kahapon nang iniligtas ko siya sa isang gago.

Falling for the Psycho Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon