uwaaaaaah. uwaaaaah. uwaaaaaah.
ano ba yan!? para naman akong bata nito! di ko lang natapos yung test umiyak na agad? ang babaw! pero kasi, nag-aral naman ako. paano nalang kung bumagsak ako sa geometry! ???
tinuruan niya naman ako kanina.. uwaaaaaah. ayoko na!
nakakahiya! baka sabihin niya, nagsayang lang siya ng oras kanina! ang bobo ko kasi. wala naman kasi yung tinuro niya sa test, so nagsayang nga siya ng oras! uwaaaaaaah. T.T
kawawa tuloy 'tong beautiful eyes ko T.T puyat na puyat ako. umiyak pa ng umiyak! tsk.
ang saya saya ko na kasi sabay kami kanina maglakad pabalik ng room galing computer lab. tapos biglang eto nga! di ko natapos yung long test! huhu T.T
"ui, tahan na... halos lahat tayo 'di natapos yung test" kilala ko ang boses na yan... alam ko siya yan...
"oo nga, tahan na" biglang sabi ni Crissel.
"ui... ayos lang yan... tahan na..." siya talaga yan, i'm sure. :)
nakayuko kasi ako habang umiiyak kaya di ko makita kung sino nasa paligid ko.
"di niyo kasi alam uwaaaaah" ayan lumakas yung pag-iyak ko. paano na lang kasi kung bumagsak ako di'ba? T^T
*taas ulo*
*hikbi*
*hikbi*
sabi na siya nga yan! hahahahaha :D ay biglang tawa xD 'di po ako tumawa no? sa isip ko lang yun
"tama na, ayos lang yan... bawi ka na lang next time ha? ako rin, 'di ko rin natapos" ahihi kinikilig naman ako concerned ka? weh? haha
"ang hirap naman kasi nung test, at least ikaw may alam ka :'(" geometry talaga oh?! sirain daw ba yung araw ko. tsk.
so anung tawag dun?
ohw, nakalimutan ko ba? magkaibigan kami syempre ikocomfort niya ako.
*wag bigyan ng meaning! masasaktan ka lang!* ay ang nega ng utak ko? opo.opo. kawawa naman si puso, gusto din maging masaya, pero sa mga oras na 'to alam ko utak ang dapat na manguna.
lumipas ang maraming araw... wow parang drama lang haha xD kung totoo ngang "action speaks louder than words" eh di matagal na akong naniwalng mutual ang feelings. pero di pa rin ganun yun until sabihin niya..
ang dami daming nangyayare sa mundo, dami ng nagbago maliban nalang sa status ko... -umaasa pa rin ako :)
minsan gusto ko ng pakinggan ang sigaw ng puso ko, pero mas malakas pa rin talaga pag-utak ko ang bumulong.
1 day
2days
3days
4days
ganun pa rin! pero ngayon, kinakabahan ako.
*tugs.tugs.tugs*
hindi ako makahinga.
papatayin niya ba ako? anong nakain neto at kung makadikit WAGAS!?
PROMISE. mamamatay na ako. sa KILIG! *urgh. lumayo ka walang hiya!* inuulit ulit yan ng utak ko pero habang tumatagal humihina... at tanging naririnig ko ay ang malakas na tibok ng aking puso.
*tugs.tugs.tugs*
wala akong ibang marinig kundi ang boses niya... umaawit na naman siya.
*ang bigat ng ulo niya! paalisin mo siya!* 'tong utak ko talaga kahit kelan eh nega!
*huwag! ngayon lang ako naging masaya* OMG! ang korni super! haha xD
hinayaan ko lang siya sa ganung position hanggang makatulog ako.
masakit ulo ko. ganun din siya pero 'bat sa akin pa? gusto niya ba talagang umasa ako ng umasa?
haaaaaay.
Sabado. makikita ko ulit siya dahil sa MTAP. alam ko magkakayayaan kami neto. may PGT sa LCC eh.
sabi na! tama ako! andito kaming tatlo ngayon nina Daryl, nanunuod ng audition. nakakatwa talaga yung ibang nag-a-audition parang trip lang. xD
"Dha, baba lang ako tumatawag si ma." sambit ko kanina pa 'to tumutunog eh.
"Sige balik ka ah" sagot niya naman.
*baba.baba.baba.*
*usap.usap.usap.*
*taas.taas.taas.*
"walang kwenta yang mga yan... kanta na lang tayo?" sabi ko pagkabalik ko.
"sige" sagot ni Daryl.
pumili na sila ng kanta. at balak pa talagang kumanta in public.
"highschool kayo be?" ay butiki! si kuya nanggugulat! pero mukha nga siyang butiki bwahahahaha >:D joke lang xD
"opo" sagot ko. adik ba to o may kulang lang sa brain cells?
"pahingi ng number mo!" ay close? pero natatakot na ako. mukhang adik eh. umalis ako. walanjo! baka ano pang gawin neto! FC masyado kuya? whew
nakakatakot mukha niya. at siya na nga yung kakanta :) at buti na lang umalis na din si kuyang adik.
but wait, di niya ako lulubayan, habang kumakanta siya, si kuyang adik nasa likod ko lang.. kaya niyaya ko na sila pauwi. loko yun ahh.. nauuna ako maglakad natatakot kasi ako T.T
"oi! para kang tanga... para namang papabayaan ko siya!" ooops tama ba dinig ko? napatigil ako. concerned? haha
sabay kaming pumunta sa parada.. takutin daw ba ako? haha. :D
okay. wala lang yun, syempre magkaibigan kami. natural yan. kahit sino naman.
tandaan step 6: hope for the best, prepare for the worst and EXPECT NOTHING!
so yan na nga ang dapat kong gawin, pero... mahirap eh. expect nothing? haaaaay paanu ba?
sa lahat ng nangyare di ko alam kung ang mga yun ay signs o assumptions ko lang?
BINABASA MO ANG
obvious
Teen Fictionpaano kung mahulog ka sa taong di mo inaakala? yung tao na, wala lang sa'yo noon... ngayon pala ay mamahalin mo... yung taong kaibigan lang ang turing mo...sa isang iglap, mag-iiba ang lahat... and moment will come, everthing will be 'obvious' :)