make her notice me

31 0 0
                                    

HIS POV

"crush, paturo sa math. pleaaaaaseeeee? may test tayo ngayon 'di ba?"

"o sige, ano bang di mo maintindihan?"

"eeeh basta ung ano, ung eto!" sabay turo sa isa sa mga lessons namin sa Algebra.

nasanay na rin ako sa kakulitan ng babaeng ito, pati pagtawag niya ng 'crush' sa akin, parang parte na ng sistema ko. di naman totoo pinagsasabi neto.

nagsimula yan nung tinabihan niya ako sa upuan ko, napagtripan ko lang siya noon, tinanong ko siya kung anong height ng crush niya. ang alam ko kasi pulga-pulgada ang taas nun sa kanya. eh sa balibaliktad ulo ng babaeng yan, isagot daw ba sa akin ang "bakit, di mo ba alam height mo?" matagal bago maprocess ng utak ko ang sinabi niya, gaya nga ng lagi niyang pang-aasar sa akin, 'LG' daw ako. so ayun na nga, araw-araw, kahit may teachers, 'crush' tawagan namin.

"crush! hwaaaaah may quiz sa geom. turuan mo ako, di ko magets!"

"crush!! i miss you! hwaaaah absent kasi ako kahapon!"

"crush, uwi ka na? babye!"

"crush!!! assignment! pleaseeeee?"

"crush! :P"

"uwaaaaaaah T^T galing kumanta ng crush kooo! *clap*clap*clap*"

wala namang malisya yang mga yan, sanay na mga kaklase ko. pati ako, nasanay na rin.

halos araw-araw yan ang maririnig ko, pero ngayon... isang linggo nang tahimik ang mundo ko, parang lumalayo na siya. ano bang nangyayari?

pinalipas ko muna ang ilang araw...

pero ngayon, ilang araw na ba?

galit kaya siya?

may nagawa ba ako?

ano bang nangyayari?

may dapat ba akong gawin?

ano ba????

teka, bakit ba ako apektado?

haaaaay... wala akong oras para sagutin yang mga yan.

alam ko dapat gumawa ako ng paraan para masagot yang mga katanungang yan.

pero, paano?

naiilang na ako, ilang araw na siyang ganyan, halos di na ako kausapin. 'di na nagpapaturo sa math. lagi nalang lumalayo.

ano ba kasi nangyayari?

ang hirap naman ng ganito, yung bigla bigla na lang mag-iiba turing niya sa'yo?

wala akong ibang maisip. ang alam ko lang dapat pansinin ko siya. dapat mapansin niya ako.

yan ang dapat, pero kung paano? di ko din alam, basta bahala na.

obviousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon