HIS POV
siguro naman ay napagtagumpayan ko ang aking mga pinaggagagawa..
kung ano ang mga ginawa ko?
wag niyo nang alamin. haha
ang mahalaga, pinapansin niya na ulit ako, kahit di tulad ng dati ang turing niya sa akin, ayos lang.
pero, ano kaya talaga ang dahilan?
wala naman siyang ikakagalit sa akin noon, o meron ba?
hanggang ngayon, misteryo pa rin sa akin ang mga araw na yun, mga araw na parang ayaw ko ng balikan.
kung bakit?
isang malaking EWAN ang sagot ko diyan.
di ako sigurado kung yun nga ang dahilan ng pagpansin niya ulit sa akin. bipolar kasi yung babaeng yun, baka nung mga araw na 'yun may sumpong.
parang bata kasi. kung atakihin ng tantrums wagas!
ang cute nga eh, minsan parang matanda magsalita, minsan naman daig pa ang bata na iniwan ng nanay. haaaaay,
ano kaya nakain ng barkada niyan at lagi pa ring kasama kahit ganun yung ugali niya.
ako kasi, di ako magtatiyaga sa ganyan, ikaw ba naman harap-harapan laitin. pero kahit ganyan yan, ewan ko kaibigan ko din. mabait din naman kasi, wag lang kausapin pagbadtrip.
napapaisip tuloy ako.
haaaaaaay, bat ko ba siya dinedescribe?
tsk. talaga oh!? iba ang dulot ng walang magawa.
ang bilis ng oras, parang kailan lang eh.
bilis din ng mga pagbabago.
parang lagi na akong may kulang, sa araw-araw.
kung ano?
di ko alam.
minsan nga di ko na maintindihan sarili ko, ewan ko.
masyadong magulo ang isipan ko.
at di ko namalayan, friday na naman pala.
biglang lumapit si Al, na kakaamin lang din kay Genevic.
"pare, may sasabihin daw siya sa'yo" sabay turo dun, sa makulit na babae, ang kanina ko pa dinidescribe na hindi ko alam kung bakit.
lumapit ako at nagtanong, pilosopo talaga 'tong babaeng 'to.
isagot ba sakin tanong din?
haaaay, tapos biglang walk out, ang gulo niya din eh.
"ako na nga lang magsasabi, ang sabi niya lang eh, crush ka daw niya, at kung crush mo din daw siya, para di na siya aasa" ano daw?
biglaan yun ah, di ko alam ang isasagot.
"di ko pa masasabi"
yan nalang naisagot ko.
grabe yun, biglaan, ano nga ba?
naguguluhan tuloy ako. haha.
basta, di ko pa alam.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: hi po, uhm sa mga susunod na parts, mas clear ung story kasi puro HIS pov. pag HER pov kasi medyo magulo, puro pag-iingay lang alam nung gawin eh.. hahahaha and mas exciting yung events dito, so keep on reading ;)
thanks. and sorry kung medyo 'di magtatally yung story sa pov ni girl, sa pov ni boy, but mas clear po yung nasa HIS pov :)

BINABASA MO ANG
obvious
Teenfikcepaano kung mahulog ka sa taong di mo inaakala? yung tao na, wala lang sa'yo noon... ngayon pala ay mamahalin mo... yung taong kaibigan lang ang turing mo...sa isang iglap, mag-iiba ang lahat... and moment will come, everthing will be 'obvious' :)