this way...

9 0 0
                                    

di daw naniniwala? ano ba yan!!

ano bang dapat kong gawin para maniwala siya?

haaaaaay...

sinabi ko na ang lahat kay Angelu. siguro naman, pag mommy niya nagsabi maniwala na siiya.

sana...

"okay, sino dito ang nakagawa na, kahit isang taludtod?"

nagising ako sa katotohanan ng magtanong ang guro namin sa Filipino, oo nga pala, wala pa akong nagagawang tula. kelan ba yun?

*bugsh!*

"ano ba yan?! walang inspirasyon!"

nagpaparinig lang? haha. pati pala siya, wala pa ding nagagawa..

malayo pa naman kasi yang tulang yan eh.

wala talaga akong maisip...

tiningnan ko siya, mukhang masyado siyang busy sa pagsusulat, habang ako, walang maisip...

pag-uwi ko, ang kantang obvious ng westlife ang sumalubong sa akin.

.....i'm not so good with words, since you never notice the way that we belong, i'll say it in a love song..

at isa lang ang naisip ko, mabait talaga ang Diyos sa akin...

nagsimula akong magsulat ng tula..

"pst! tulungan mo naman ako dito oh!" tawag ko sa pinsan ko.

"di ako marunong diyan, busy ako!" ay sungit?? sige magsusulat na nga lang ako.

"okay."

"oh eto!" may inabot siyang papel sa akin.

"ano naman to?" pagtatanong ko.

"basta, makakatulong yan sa'yo. promise"

pagtingin ko, nakasulat ang pangalan niya... napangiti ako... tama!

at ayun, tuloy-tuloy na ako sa pagsulat, sa paraang to, sana naman, maniwala na siya :)

obviousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon