Chapter 1

96 7 2
                                    

Shitsuren II

Written by: Lexibel06








Copyright bel@2013



This is a work of fiction. Name, character, business, places, and events are product of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead is purely coincidental.

Do not distribute without the permit of the author.

























Anung gagawin mo kung iwanan ka ng walang paalam ng taong mahal mo?

Ng taong akala mo makakasama mo na pang habang buhay?

Ng taong nangako sa harap mo at sa harap ng nakaraan mo na hindi ka na iiwan?

Na hindi ka niya papabayaan?

Talaga bang promises are mean't to be broken?

Talaga bang mahirap panindigan ang salitang “hindi kita iiwan”?

Alam mo na madaming nangyari at sa sarili mo tanggap mo kung ano ang mga nangyari....

Pero sapat ba?

Sapat ba na iwan ka ng dahil lang sa mga nangyari?

Sa isang relasyon hindi lang isa ang dapat naghahandle o nagdedesisyon, sa mga problema dapat ay dalawa kayong natutulungan.

Paano mo ipapakita sa kanya na dalawa kayo at hindi lang siya?

Sapat na ba na ang pagmamahal ang magging basehan niyo?




Chapter 1

(Cindy's POV)

Nung araw na yun, bigla nalang siyang nawala. Sinubukan ko siyang tawagan at itext pero hindi na niya sinasagot yung mga tawag ko. Maya-maya pa nga cannot be reached na phone niya. Bakit ganun? Hindi na ba ako mahalaga sa kanya? Ganun nalang ba ako sa kanya? Nangako ako sa kanya na after ko makagraduate ay susundan ko siya. At ngayon na ang araw na yun, after ng graduation namin mamaya, pupunta na ako kaagad sa airport, matagal ng nakahanda ang ticket ko. Kahit na hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin dahil ang alam ko lang ay nasa New York siya. Hello! Ang laki kaya ng New York. Simula kasi nung umalis siya kahit isang text wala na kaming natanggap sa kanya. Lahat ng accounts niya like Facebook, Twitter, Myspace, Thumblr lahat ng yun ay nakadeactivate na para bang sinarado na niya yung sarili niya sa mga taong nakilala niya. Ang totoo galit ako sa kanya. Oo galit ako sa kanya, sino ba namang hindi magagalit sa ginawa niya diba? Ikaw na ang bigla nalang iwan ng walang pasabi. Sinabi ko naman sa kanya na sasamahan ko siya, na nandito lang ako sa tabi niya. Pero anung ginawa niya? Iniwan niya ako, naiintindihan ko naman na kailangan niyang umalis eh. Pero sana manlang nagpaalam siya diba? Anu ba ako sa kanya? Nasisp ba niya kung anong mararamdaman ko? Kung anong nararamdaman ko? Isang taon... isang taon akong walang balita sa kanya, isang taon na ang nakakalipas mula nung iwan niya ko. Nakakainis talaga siya.

“Anak?... umiiyak nanaman?” sabi ni mama sakin

“ahh... ma, wala po ito...” sabi ko nalang sa kanya, hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako, na umiiyak nanaman ako. Lumapit sakin sa mama at hinaplos niya ang likod ko

“siya nanaman iniisip mo anak?”

“kasi...kasi ma,” hindi ko na napigilan napaiyak na talaga ako, nakakainis siya sabi niya sakin hindi na niya ako paiiyakin eh ano to? Joke time lang ba yung mga pinagsasabi niya?

“anak... tahan na, masisira ang make up mo niyan....” hinahaplos niya parin yung likod ko nakatingin siya sakin habang nakangiti

“opo ma...” tapos ay ngumiti rin ako sa kanya, patayo na sana ako nung biglang magsalita ulit si mama

Shitsuren IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon