Chapter 8

51 3 0
                                    

Makalipas nag ilang raw at nakalabas na rin si ate sa hospital, and I still don't know kung sino young josh na tinutukoy niya. Ayaw naman niyang sabihin basta nakilala niya lang daw sa bar a few weeks ago. Hindi na ako masyadong nagtanung pa. Mula nung araw na yun hindi na masyadong nagpupunta si ate sa bar unless kasama niya ako deal namin yup eh, sinasamahan ko na siya palagi ngayon, ayaw ko ng maulit ang nangyari dati. Ilang araw na din ang nakakalipas mula nung huli kong makita si Cindy, yung unang araw pa ata sa ospital yung huling kita ko sa kanya. Yeah I still want to see her kaya lang ang sakit kasi hindi na ako yung nasa tabi niya.

Pupunta kami ni ate ngayon sa isang party masquerade party daw. Ewan ko ba kung bakit may ganitong party pa. Well wala naman akong choice eh kailangan daw magpunta isa sa mga business partners ng parents namin yung nagpaparty kaya kailangan naming pumunta. Kaya naman nagayos na kami. Gusto niyo malaman nag suot ko? Malamang nakadress ako alangan naming mag suit ako? adik lang? Ang haba kaya ng buhok ko, and hello kahit na bisexual ako babae parin ako manamit! Naka long dress ako lilac with black stripes simple lang naman yung dress ko young mask ko matching sa dress ko syempre lilac with black din. Yung buhok ko naman kinulot ko sa dulo. Oh diba ang ganda ko? hahaha. Yung ate ko naman aka pure black long dress may touch of red pero nangingibabaw yung black sa damit niya. Paglabas namin ng condo may nagaantay na black car sa harp ng hotel, sosyal naka limousine kami!

Pagdating namin sa venue ang dami na agad tao. Ang sabi ipapakilala daw ang tagapagmana ng family nila. haaayyy bakit ba ang hilig hilig nila magpaparty para lang ipakilala ang tagapagmana? Kailangan laging big deal? Buti nalang at si kuya ang tagapagmana nila dad kaya walang gantong eksena. Nakakainip dito sa party kaya pumunta nalang ako sa may bar area nila at nagorder ng tequilla. Napapadalas na ata ang paginom ko ah... teka nasan na ba ang ate ko? Ba't bigla nalang siyang nawala? Tumungin ako sa paligid pero wala akong  nakikita, nakamask na lahat ng tao dito bago palang pumasok sa loob kailangan mo ng isuot kaya sa damit nalang ako tumitingin para mas mabilis.

"May I have this dance?" sabi sakin ng isang lalaki medyo familiar young boses niya . Umiling ako, ayaw ko nga makipagsayaw hindi niya ba nakikita na may hinahanap ako? Istorbo tong lalaking to ah... 

"I insist..." sabi nun lalaki nakatayo parin siya sa may right side ko at nakaabot young kamay niya sakin. Kainis naman to...

"Fine!" sagot ko sabay abot ng kamay ko sa kamay niya. Nakangiti naman siya. 

Nagpunta kami sa gitna at duon sumayaw, kahit na ayaw ko wala na akong magagawa tyempo pa na slow dance to, kaya nakahawak yung dalawang kamay ko sa balikat niya. Nakatitig lang siya sakin habang ng sasayaw umiiwas naman ako ng tingin ang weird ng pakiramdam ko sa lalaking to. Sino ba to? Maya-maya pa biglang tumapat samin ang ilaw, spotlight ba tapos may nagsalita....

"Ladies and Gentlemen! Let us welcome the heir of the Chua Family... Prince Miguel Chua! Let give him a round of applause!" 

Nagpalakpakan ang mga tao lahat nakatingin sa dereksyon namin medyo malapit parin ako sa kanya. Maya maya pa ay tinanggal na niya ang kanyang mask. Hindi ko inaasahan to. Napatakip ako ng bibig ko, This is not happening....

Nagsimula ng manginig ang katawan ko, tinignan ako ng lalaking nakatayo sa harap ko. Humakbang siya papalapit saakin, napaatras ako... inilalapit niya yung kamay niya sakin, hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko... someone help me!

"Don't you dare touch my sister!" sabi nung babae sa tabi ko, tinabig niya yung kamay nung lalaki.

Tumahimik ang buong paligid lahat sila nakitingin samin. Humarap yung babaeng nasa harapan ko at sinabing "Raye...? Raye? Don't worry I won't let him touch you let's go...." sabay hawak sa kamay ko. Si ate Maricar siya yung naglitas sakin. Naglakad na kami palayo sa lalaki... hindi ko akalaing makikita ko siya ulit at sa kanitong sitwasyon pa.

Shitsuren IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon