At naiwan akong nakatayo doon, siguro ay may 30mins din akong hindi nakagalaw, nakatulala at nakatingin sa direction kung saan ko huling nakita si Cindy. Bumalik nalang ako sa ulirat ng maramdaman kong may luha na umaagos sa aking pisngi. Doon lang ako nakagalaw ulit. Napakuyom ako ng mga kamay ko. "Kasalanan mo lahat to Raye" nasabi ko sa sarili ko.
Pinunasan ko ang mga luhang naglalandas sa aking mukha, naglakad na ako pabalik sa nakaparada kong sasakyan. Wala narin naman akong gagawin pa dito e, wala na yung kasama ko kanina, iniwan na ako. Yeah iniwan ako kasi ako naman ang unang nang iwan. Karma ba to?
Nagsimula na akong magdrive pabalik ng condo, baka nagaalala narin kasi sina ate at kuya sakin. Hindi ako nakapagpaalam sa kanila, dahil maaga akong umalis ng bahay. Lowbatt narin ang phone ko kaya baka sobrang nagaalala na sila. Ayoko a makadagdag pa sa mga isipin nila dahil alam ko namang madami na silang iniisip ngayon, lalo na't may kinahaharap kaming problem sa business namin.
Pagdating ko sa basement ng condo ay kaagad kong pinarada ang saksakyan ko. Pumasok sa elevetor at pinindot ang number ng floor na pagbababaan ko. Pagbukas ay kaagad akong lumabas ng elevator at naglakad papunta sa pinto ng condo. Pabukas palang sana ako ng pinto ng bigla na itong magbukas, muntik pa nga akong masubsub e. Si ate Marichar, halata sa kanyang nagulat din siya sakin, pero kaagad naman siyang nakabawi.
"Saan ka ba galing? bakit hindi ka sumasagot? hindi ka man lang nagpapaalam!" sabi ni ate
"Ah, sorry ate, may pinuntahan lang ako, nakipag...." saglit akong natigilan
"nakipagkita ako kay Cindy ate" dagdag ko
Saglit na hindi nakapagsalita si ate, marahil ay ramdam niya ang lungkot sa mga mata ko. Si kuya naman ay naglalakad papalapit samin.
"Pumasok na muna kayong dalawa, dito na kayo magusap sa loob" mahinahon niyang pag aya samin. Kaagad naman kaming tumugon kay kuya, pagkapasok ay parehas kaming dumeretso sa may sofa at sabay na naupo, si ate naupo sa tabi ko, at si kuya naman sa harapan naming dalawa ni ate. Si kuya na ang unang bumasag ng katahimikan.
"Anong nangyari sa pagkikita niyo Raye? Nakapagusap ba kayo ng maayos?"
Hindi ako makasagot, unti-uting bumabalik sakin lahat ng mga sinabi ni Cindy sakin kanina, lahat ng mga nararamdaman niya. Muli ay pumatak nanaman ang hula ko, alam ko wala akong karapatan umiyak kasi kasalanan ko naman ang lahat ng to. Kung hindi lang ako naging duwag noon edi sana, meron pang Raye at Cindy ngayon, hindi ganito.
Si ate naman ay inaalo ako, nakayakap siya sa akin, kaya naman ng mga oras na yun mas lalo kung hindi mapigilan ang pag iyak. Si kuya naman ay tumayo at naglakad, hindi ko alam kung saan siya papunta pero pagbalik niya ay naglapag siya ng isang basong tubig sa lamesa sa harapan ko. Buti nalang din at nandito ang mga kapatid ko, hindi ko na siguro alam ang gagawin ko kung wala sila.
Ilang sandali pa ay tumahan narin ako, uminom ng tubig mula sa baso na nasa harapan ko at tumingin sa kanilang dalawa.
"Ate, kuya, hindi na niya ako mahal..." nababasag ang boses ko habang sinasabi ko iyon sa kanila
"galit siya sakin, sino ba namang hindi? Pinagtabuyan ko siya dati, ang tanga tanga ko kasi e!" naiiyak na ako pero nagpatuloy parin ako sa pagsasalita
"sabi niya sakin, ba- - bago siya tuluyan mawala sa harapan ko..."
"kung kaya ko na ba daw siyang panindigan this time"
"Ate! Hindi ako nakasagot! naiwan ako doon mukhang tangang nakatayo! Shit! I'm so stupid!" hindi ko napigilan at bumulos nanaman ang mga luha sa mga mata ko, parang sasabog na ang dibdib ko sa sobrang sakin ng nararamdaman ko. Mahal ko siya, mahal na mahal ko siya pero....
"Raye, alam mong nandito lang kami palagi para sayo, kahit anong desisyon mo ay susuportahan ka namin, alam mo yan diba?" sabi ni kuya Nathan sa akin.
Tumingin ako sa kanya at dahan dahang tumango, muli siyang nagsalita
"kung mahal mo talaga siya, go, don't waste time, don't make the same mistakes that you did before. Kung kailangan mong patunayan sa kanya, gawin mo. Raye, ikaw lang ang makakapagpatunay at makakapagpakita sa kanya ng totoo mong nararamdaman."
"Tama si kuya Raye, oo pwede ka namin tulungan para magkausap kayo ulit, pero ikaw at ikaw lang ang makakagawa ng paraan para maayos mo ito." Dagdag ni ate Marichar
"You are a strong person Raye, don't let this...this problems takes you over, don't let it control you." Sabi ni kuya
"pero kuya paano yung problema ng pamilya natin? yung negosyo? ayokong maging selfish na hahabulin ko yung babaeng mahal na mahal ko pagtapos tatalikuran ko kayo... kayo na pamilya ko" sagot ko sa kapatid ko
"hindi mo kami tinatalikuran, mas mabuti pa yung gantong alam naming lumalaban ka, ayoko na ulit makita kang sobrang lungkot at parang walang buhay Raye, kung negosyo lang, if our business is the only thing that's stopping you from doing what you really what. Then you don't need to worry about it. This is my problem Raye, as the Eldest of our family it is my job to do this. So let me handle this and fix what you have to fix." Nakahawak siya sa balikat ko habang sinasabi niya iyo sa akin. Tumingin ako sa kanya.
"It's not being selfish, if that is what you are thinking. It's not. I'd rather see your smiling face, your lively attitude, rather than seeing you miserable for the rest of your life." dagdag pa ni kuya
"kuya, ayokong maging burden, malaki ang utang natin sa negosyo, kung iisipin ko lang ang sarili ko, pano na sina mama at papa, kayo ni ate paano? Pinaghirapan niyo ang negosyo ayoko maging dahilan kung bakit mawawala yun." sagot ko sa kanya
"So are you saying na willing kang magpakasal sa lalaking yun Raye? Just to save our family business?" sagot ni ate sa akin, halata ko sa mukha niya ang pagkairita lalo na sa tono ng boses niya
"y-yes ate"
"No! No Raye! You are not wasting your life for the man! NO I am not letting you do that!" galit na sagot sa akin ng kapatid ko
"Ate, wala na tayong choice diba? And besides, I just wanted to confirm kung meron pa ba talaga akong babalikan kay Cindy, pero pinagiisipan ko na yung option na... option of getting... m-married with..." naputol ako sa pagsasalita dahil sa isang masakit na bagay na tumama sa mukha ko. My sister slapped me. Yes and it was hard, napahawak talaga ako sa mukha ko, kung saan niya ako sinampal. Kita ko sa expression ng mukha niya yung halong galit,awa at hindi maniniwala sa mga sinabi ko.
"Are you saying na option mo lang si Cindy? God Raye! Kung talagang wala ka na babalikan sa kanya, mabuti pa ngang ganun ang mangyari kesa naman sa ganyan lang gagawin mo sa kanya! God Raye! ano ba?! Wake up!" pagkatapos niyang sabihin yun ay umalis na siya sa tabi ko, pumasok siya sa room niya at pabagsak na sinara ang pinto. Naiwan kaming dalawa ni kuya doon. Nakatingin siya sakin at ako din sa kanya. Papagalitan niya rin kaya ako?
"Raye, getting married is not just a candy that you'll eat then if you don't like you'll spit it out. We can't save you if you make that decision, especially to that man." panandalian siyang nanahimik pero nagsalita ulit.
"Think this over, and think hard. Again I'd rather have you chasing the person you love and doing everything that you can to win her back, than getting married with that person. I don't to see my little sister... miserable." he gently tap my shoulder then gave me a faint smile, after the he went to his room. Naiwan ako sa sala, nakaupo, tumuluto parin ang luha ko, lahat ng mga sinabi nila sakin ay iniisip ko parin. Lahat sila may point, mula kay Cindy, kay ate at kay kuya. Ganto na ba ako kahina ngayon? Na hindi ko na kayang gumawa o magdesisyon ng tama? Magpapadala nalang ba ako sa mga bagay bagay?
No! I have to get back on my feet. This is not me. This is not Raye! I have to fix everything and to do that I have to start fixing myself first.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
BINABASA MO ANG
Shitsuren II
Romanceeto na eto na ang karugtong ng lovestory nila! Ang lovestory nina Raye at Cindy