Ilang buwan narin ang nakalipas, to be exact six months na… December na nga ngayon eh. Isa na akong sikat na photographer, hindi lang ditto sa Pilipinas pati narin sa ibang bansa. Kadalasan ako ang kinukuha ng mga sikat na tao para lang kuhanan sila sa mga occasion ng buhay nila. Sa loob din ng anim na buwan nakapag tayo ako ng studio ditto sa Pilipinas at sa States. Pero kahit na sikat na ako eh yung mga clients ko lang ang nakakaalam kung sino talaga ako, as much as possible kasi gusto ko low profile parin kaya naman nakiusap ako sa mga clients na wag magpopost ng picture ko or kahit na idescribe kung anung itsura ko. Kaya naman nakakalabas parin ako sa public at malamang sa malamang kahit sina Cindy at ang barkada eh hindi alam yoon.
For the past six months ayun sinubukan kong magmove on na kay Cindy, hindi na ako bumalik pa doon sa bar hindi narin akong nagtankang makipagusap pa sa kanya. Bakita pa? Eh magmomove on na daw siya diba? Masaya na siguro siya ngayon. Sabi ni ate madalas daw si Myles sa bar malamang sila ng dalawa ni Cindy. Pero kahit na six months na yung nakaraan hindi ko parin kayang magmove on, ewan ko ba. Baka talagang hindi kami para sa isa’t isa at dumaan lang siya sa buhay ko para maexperience ko yung tinatawag na LOVE. Minsan umaasa parin ako na sana isang araw magbalik yung dating kami, pero alam ko naman na malabo ng mangyari pa yun. Lalo na kung masaya na siya… sa piling ng iba.
Nasa store ako ngayon nagtayo din ako ng store kung saan pwede silang magpakuha ng pictures. To be exact sa red room nag dedevelop ng pictures. Kapag wala akong client ay nandito lang ako. Kapag nandito ako ay isa akong ordinaryong photographer. Kaya naman kung may mga nagpapakuha ng picture ay natutuwa sila, hindi nila alam na ako yung sikat na photographer. Pero mas gusto ko nga yun eh, ang totoo nyan hindi ko naman ginustong sumikat yung parents ko kasi sila ang nagpakilala sakin sa mga business partners nila hanggang sa isang araw ayun mga sikat na personalidad na yung kumukuha sakin. Pero okay narin in a way na nakakalimutan ko yung mga sakit na nararamdaman ko. Naisip ko tuloy ganto rin kaya si Cindy noon? Naputol ang pagiisip ko nung biglang bumukas yung pinto sa red room.
“Ma’am, may magpapakuha po ng picture pinapasok ko na po sila sa studio 1” sabi ng store clerk ko
“ah okay sige pupuntahan ko na… salamat” sagot ko sa kanya
Kaya kinuha ko na yung camera ko at pumunta na ako sa studio 1. Pagbukas ko ng pinto nanlaki ang mata ko, ganoon din yung magpapapicture hindi kami nakagalaw parehas, nakatitig lang kami sa isa’t isa hanggang sa…
“ma’am? Ayos lang po ba kayo?” sabi sakin ng store clerk ko
“ahh… oo… siya ba yung magpapakuha?” tanung ko sa kanya, habang nakatingin parin ako sakanya. Alam kong mali ang tanung ko pero kasi nagulat talaga ko
“yes ma’am siya po…” sagot sakin ng store clerk ko.
Ngumiti siya sakin yung ngiti niya na di ko makakalimutan. Nakatingin parin ako sa kanya hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko siya ngayon. Oo masaya ako pero hindi ko alam kung paano ako kikilos sa harap niya.
“Hi! Ikaw pala yung photographer dito… l…long time no see Raye…” siya na unang nagsalita
“ahh… oo business eh… lo..long time no see din Cindy…” sagot ko sa kanya.
Hindi parin ako makapaniwala na nasa harapan ko si Cindy ngayon, ang babaeng minamahal ko.
“ahh, hindi mo pa ba ako kukunan? Medyo nagmamadali kasi ako eh…” pagkasabi niya sakin yun, bigla nalang ako bumalik sa katinuan totoo na to si Cindy talaga ang nasa harap ko at magpapakuha siya ng litrato. Ano ba Raye umayos ka nga!
“ahh pasensya na, sige pumesto ka na dyan, ahmm anung klaseng kuha ba?” tanung ko sa kanya habang inaayos ko na ang camera ko
“ahhmmm yung pwedeng gawing cover sa CD” sagot niya sakin, napatingin ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Shitsuren II
Romanceeto na eto na ang karugtong ng lovestory nila! Ang lovestory nina Raye at Cindy