Chapter 5

32 4 0
                                    

Nakita ko siya, gusto ko siyang lapitan pero hindi ko alam kung paano. Para kaming nagbalik sa dati, yung hindi pa kami gaanong makakilala. Hindi alam kung paano siya lalapitan at kakausapin. Minsan iniisip ko paano nga ba kami umabot sa ganito? Alam ko kasalanan ko, ako naman ang nagtulak sa kanya palayo eh. Kung hindi lang kasi ako natanga noon eh di sana masaya kami ngayon. Haaay! Buhay nga naman, ngayon hindi ko na alam kung paano ko na siya lalapitan ngayon. Mukha pa silang close ni Myles, eh kung magpatulong kaya ako kay Myles? Kaya lang malamang sa malamang galit sakin si Myles sa ginawa ko noon. Tsk! Kainis. Bahala na nga. Pababa na sana ako sa kotse ko ng biglang may tumawag sakin, paglingon ko si ate Maricar tinatawag ako. Kasama ko kasi siyang bumalik dito sa Pilipinas limang buwan na ang nakalilipas. Oo limang buwan na akong nandito sa Pilipinas pero hanggang ngayon hindi ko parin magawang lumapit kay Cindy. Eh tanga tanga ako eh, nasa akin na yung babaeng pinakamamahal ko pinakawalan ko pa tapos ngayon para akong ewan na di makalapit. Haaayy bahala na nga sabi naman kasi ni ate Maricar tutulungan niya ako eh mula nung dumating kami ditto puro nalang ata gala at bar ang inaatupag ng kapatid kung to. 

“Raye! May magandang balita ako sayo!” nakangiti si ate habang sinasabi niya sakin yun. 

“anu yun ate?” maikling sagot ko sa kanya

“may naisip na akong magandang paraan para makapagusap ulit kayo ni Cindy” 

“oh? Talaga? Pano yun ate?” nakangiti ako sa kanya

“nung isang gabi kasi nagpunta kami sa bar nung highschool friend ko tapos nakita ko doon si Cindy! Singer siya doon!” inuuga ako ni ate habang sinasabi niya sakin yun. 

Hindi ako makapaniwala talaga singer na si Cindy ngayon? Ang daya naman bakit dati hindi ko manlang siyang narinig kumanta nung magkasama pa kami. Edi madami ng nakarinig sa kanyang kumanta ang daya naman talaga! 

“oh ba’t nakasimangot ka diyan? Hindi ba dapat masaya ka na kasi may chance ka na makausap siya?” sabi ni ate Maricar sakin

“eh kasi ate, hindi ako ang unang nakarinig na kumanta siya. Ang daya!” pagmamaktol ko

“sus! Para yun lang? Raye ha para kang bata! Ang isipin mo kung papaano mo siya kakausapin mamaya…” 

Ano daw? Mamaya? Mamaya na naming pupuntahan si Cindy? Teka muna eh kahit na matagal ko na siyang gustong malapitan at makausap eh hindi ko pa kasi alam kung paano ko siya kakausapin kung papaano ako magpapaliwanag sa kanya. Kung papaano kami magiging okay katulad ng dati.

“Teka ate hindi ko pa alam kung anu at kung paano ko siya kakausapin….” Nagaalalang sagot ko kay ate

“naku wag mo ng isipin yun, pag kaharap mo na siya kusa nalang lalabas sa bibig mo yung mga nararamdaman mo. Hindi na yan pinapractice pa!” 

May point nga naman si ate. Pero kasi… ay bahala na nga! Bahala na mamaya kapag kaharap ko siya.

Umuwi na muna kami ni ate sa condo na tinitirhan namin, mga alas otso pa daw kasi nagsisimulang kumanta si Cindy kaya mga 7:30 na kami pupunta doon malapit lang kasi sa condo yung bar  kung saan kumakanta si Cindy.


Pag pasok namin sa bar grabe ang dami na agad tao ganito ba siya kasikat? Panu nalang kung may mga manliligaw na siya? Kasi naman eh ang tanga tanga ko sobra. Umupo kami ni ate sa may bandang likod kasi wala na kaming choice sa dami ng tao wala na kaming maupuan. Malaki naman ang bar na ito at kahit papano maganda ang ambiance cozy, parang sosyalin tong bar na to ah. May kanta rin na nagplaplay sa background Statue, kaya naman may mga lovers na nagsasayawan sa mini dance floor sa may right side malapit sa stage. Hindi rin amoy sigarilyo bawal ata? May mga ashtray kasi sa mga table eh, pero hindi talaga amoy sigarilyo. Habang nagiintay sa pagkanta ni Cindy napansin ko ba’t parang puro lesbian at bisexual ang mga tao dito? Ahh… bakit ko ba iniisip yun si Cindy ang pinunta ko dito. Maya maya pa may umakyat na sa stage si Cindy na kaya yun? Ang ganda ng likod este maganda yung katawan niya kahit na nakatalikod palang. Sexy siya kitang kita sa damit niya yung hugis ng katawan niya. Pag harap nung babae nanlaki yung mata ko, panu namang hindi eh si Cindy yun eh. Grabe iba na siya manumit ngayon ah, ang sexy na pero… bagay naman sa kanya mas… mas gusto ko lang yung dati nung simple lang siyang manamit. 

Shitsuren IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon