(Nathan's POV)
“Bunso?... bunso?” nasan na kaya yun?
“Maricar? Nakita mo ba si Raye?” tanung ko sa kapatid ko
“oo kuya nasa kwarto niya!...” pasigaw na sagot ni maricar sakin, nasa kusina kasi siya naghahanda ng tanghalian namin. Kaagad naman akong umakyat sa kwarto niya. Simula nung dumating kami dito lagi nalang siyang nagkukulong sa kwarto sobrang bihira lang kung umalis siya ng bahay aalis lang siya ng bahay kapag kasama kaming dalawa ng ni maricar. Sobrang natrauma talaga si Raye sa mga ngayari, minsan kapag bigla nalang siyang mahahawakan sa braso niya ng hindi pamilyar sa kanya. Makikita mo yung takot sa mga mata niya tapos minsan pa ay nanginginig siya. Kaya talagang ang laki ng galit ko dun sa kumag na Migs na yon. Kasalanan niya kung bakit nagkakaganto ang kapatid ko. Talagang pag nakita ko siya hindi ko alam ang magagawa ko sa kanya. Pag dating ko sa kwarto ni Raye kakatok pa lang sana ako nung biglang bumukas yung pinto. Nakapangalis siya.
“saan ka pupunta?” tanung ko sa kanya
“kuya sa parlor po magpapagupit ako kuya... ok lang naman kung magpaigsi ako ng buhok diba?” nakagiti siya sakin which is nakakagulat simula kasi nung nangyari un bihira siya kung ngumiti. Oo minsan ngumingiti siya pero yung malungkot na ngiti parin, ewan basta ang laki na ng pinagbago ng kapatid ko kaya naman nagulat ako nung bigla siyang ngumiti as in ngiti talaga yung kung paano siya ngumiti dati ganun yung ngiti niya.
“a-ah e-eh... ok lang naman sakin kung ganun, tanungin mo din ang ate mo kung ok sa kanya...” pagkasabi ko nun ay kaagad siyang bumaba ng hagdan at nagpunta ng kusina.
“ate!!!” sigaw niya. Sumisigaw na din ang kapatid ko, anung nangyari sa kanya? Sumunod ako sa kanya sa pagpunta sa kusina
“oh? Bakit?” sagot naman ni Maricar sa kanya
“ate magpapagupit ako, magpapaigsi ako ng buhok, okay lang ba?” tanung naman ni Raye sa kanya
“hmmm...” sabi ni Maricar habang nakahawak sa buhok ni Raye
“nakakapanghinayang maganda kasi buhok mo eh, mahaba na medyo waivy sa dulo... baka magmukhang ita ka nyan?hahaha” biro naman ni Maricar sa kanya
“ate naman eh, syempre magpaparebond din ako, make over ate” nakangiting sagot ni Raye
“uhmm sige... ok lang sakin, naipaalam mo na ba kina dad at mom yang plano mo?”
“opo ate kagabi pa, payag naman sila binigyan pa nga ako ng pera eh...”
“gusto mo samahan na kita?” sabi naman ni Maricar sa kanya. Tumango lang si Raye at syempre papayag ba akong magpaiwan nalang. Nagbihis na kami at saka umalis ng bahay. Bago nagpagupit si Raye ay nagyaya muna si Maricar na kumain matatagalan daw kasi ang pagpapaparlor baka magutom kami. Tumango lang din si Raye kaya kumain muna kami. Sa Subway kami kumain. (yung kainan ha hindi yung sa sakayan ng train haha) Mukha namang masaya at nageenjoy ang kapatid ko, mas mabuti naman na ang ganto kesa yung malungkot siya at palagi nalang tulala. Nung palabas na kami sa Subway biglang natigilan si Raye sa paglalakad niya. Kaya tinignan namin kung ano at bakit siya natigilan. Nakatitig lang siya sa taong nasa harapan niya. Ganun din kami ni Maricar nakatingin lang kami sa kanilang dalawa.
(Cindy's POV)
“Cindy!.... bumaba ka na dyan at kumain... halika na iha....” tawag sakin ni Tita Mary. Nandito ako ngayon sa province namin, nagmumukmok, umiiyak. Sinungaling ka Raye, sabi mo di mo na ako iiwan sabi mo dito ka lang sa tabi ko? Sabi mo hindi na ako iiyak? Pero bakit ganto? Umiiyak nanaman ako, hindi mo na ba talaga ako mahal? Umiiyak nanaman ako, palagi nalang akong ganto mula nung araw na yun.
BINABASA MO ANG
Shitsuren II
Romanceeto na eto na ang karugtong ng lovestory nila! Ang lovestory nina Raye at Cindy