Chapter 10

17 3 0
                                    

Magdamag akong hindi nakatulog kagabi, iniisip ko lahat ng mga sinabi nila sakin kagabi, mga sinabi ni kuya, ate at ang tumatak ng sobra sakin ay ang sinabi ni Cindy sa akin. And tindi ng impact sakin nun. Gusto kong ayusin yung buhay ko, gustong ayusin yung mga problema ko. Ayokong umasa nalang sa mga tao sa palagid ko. I was not raised to be like this, I was raised independent. Kailangan kong ayusin muna ang sarili ko, and to do that I have to face something na tila binabaon ko na sa limot. Mga bagay na tinalikuran ko, simula nung mangyari ang lahat ng ito, I have to face everyone of them, including him... eventually ay kailangan ko talaga siyang harapin. This time ay mas desidido na ako sa mga gagawin ko. Napuyat ako kakaisip kaya dapat lang naman na gawin ko ang tama. 

Unahin ko munang kausapin ang family ko, sina ate at kuya, 

they are my family kaya dapat lang na unahin ko sila. 

Lumabas na ako ng kwarto ko, at tulad ng mga nakaraang araw palagi paring may kausap sina kuya at ate sa phone. Nakita ko si ate na nakaupo sa sofa, habang si kuya naman ay nasa may dinning table nakaupo, mukhang seryoso ang pinaguusapan nila ng kausap niya, saktong pagkaupo ko sa sofa ay natapos narin si ate sa kausap niya, huminga muna siya ng malalim bago ay tumingin sakin. Ako na ang naunang magsalita saming dalawa.

"Ate, sorry sa kahapon." hindi siya nagsalita kaya itunuloy ko na ang sasabihin ko

"nagisip akong mabuti, pinagsisipan ko itong mabuti at-- at napagisipan ko na ayusin ko ang lahat ng to kung saan nagsimula ang gulo, I'll face them, i-i-including him." Nakatingin parin siya sakin, kaya naman sinabi ko na ng buo ang plano ko. 

"Makikipagkita at makikipag usap ako sa mga barkada ko, haharapin ko na sila lahat, I know hindi ko dapat tinakbuhan ang lahat ng to, kaibigan ko sila dapat hindi ko sila tinalikuran, then kakausapin ko din ang lalaking yun, but pwede niyo ba akong samahan kapag kakausapin ko na siya?" nagaantay ako ng sagot niya, pero nagulat ako ng si kuya na ang sumagot, tapos na pala siya sa kausap niya

"Oo naman Raye, sasamahan kita, sasamahan ka namin, wag kang magalala I'll protect you." Sinabi niya yun habang nakahawak sa balikat ko, ngumiti ako sa kanya bilang pagsang-ayon. 

Napabalik naman ang tingin ko kay ate, hinawakan niya kasi ang kamay ko, nakangiti siya sakin at nagsalita "I'm happy, I'm so happy Raye that you are now ready to face your problems and you are not running away. I'll be here, tutulungan ka namin ng kuya." Assuring me that they will be always at my side. 

Malaki ang pasasalamat ko at meron akong mga kapatid na katulad nila. Nagyakapan kaming tatlong magkakapatid. Para kaming mga tangang nagiiyakan sa sofa. Natigil lang kami nung biglang nagtanung si ate sakin.

"Paano si Cindy? ano ang balak mo sa kanya?" tanung niya

Natigilan ako saglit pero nakabawi naman kaagad. 

"Mahal ko siya, mahal na mahal ko siya, kaya naman I'll do everything to win her back. She'll my life, my home. I want her back in my life" 

"I'm so stupid for realizing this now, stupid for pushing her away, nasa akin na siya e, pinakawalan ko pa siya, dahil lang ang duwag ko. This time I'll be strong, ako naman ang gagawa ng paraan para habulin siya, ako naman ang hindi susuko this time. I really love her, I really do" dagdag ko pa

Parehas naman silang nakangiti sa akin, they really support me, si kuya nga ginulo pa ang buhok ko. Nagtawanan kaming tatlo. 

Si kuya na ang nagsabi ng plano ko sa parents namin, sabi naman nila, hindi rin talaga sila papayag na mapangasa ko yung lalaking yun. And they are happy na I'm getting back on my feet. 

Shitsuren IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon