Chapter 4

38 3 0
                                    

(Myles' POV)

Dalawang taon na ang nakakalipas mula nung bumalik kami ni Cindy dito sa Pilipinas. Mula nung sinubukan niyang hanapin si Raye. Siguro isang taon ko din di nakita si Cindy, tapos last year nung nakita ko siya sa isang bar. Singer siya sa bar na yon, mula nung araw na nakita ko siya sa bar parang ang laki na ng pinagbago niya. Mahaba parin naman yung buhok niya. Medyo tumaba na siya pero sexy parin naman. May kulay na ang buhok niya burgundy bagay naman sa kanya kasi maputi naman siya. Ang sexy din niya manamit siguro kasi sa bar siya nagtratrabaho, singer kasi kaya kailangan maganda ang appeal. Mula nung araw na nakita ko siya lagi na kaming magkasama, kapag wala siyang trabaho tambay kami kung saan saan. Pag may trabaho naman siya pinupuntahan ko lang siya sa bar tapos ay sabay na kaming uuwi after ng gig niya. Ang sarap niya kasama laging may tawanan. Minsan napapaisip ako kung nakamove on na ba siya kay Raye o hindi pa. Actually I fell in love with her, pero last month ko lang inamin sa kanya. Ngumiti lang naman siya sakin, kaya hanggang ngayon hindi ko alam kung kami na ba o ano. Sweet naman kami sa isa't isa pero dahil nga sa hindi ko alam kung ano at kung saan ako lulugar sa kanya. That's why I have decided to ask her tonight sakto wala siyang gig ngayon at magkikita kami. Nakapagreserve na rin ako ng restaurant. Handa na ang lahat,pagkain music at venue. Kaming dalawa nalang ang hinihintay. Kaya naman naghanda narin ako kasi 8pm kami magkikita. Sa restaurant nalang kami magkikita kaya kailangang mauna na ako doon. Kailangan kong makasiguro na ok na ang lahat. Pagdating ko sa venue, nakangiti na kaagad sakin yung mga staff, lumapit naman ako sa manager para itanung kong ok na ba, at kung hindi na ba magkakaproblema mamaya. Malaki din ang nagastos ko dito, muntik pa nga akong kulangin sa budget eh, nanghiram pa ako ng pera sa kapatid ko para lang dito, aba sa sosyal na restaurant kami, tapos nagpahanda pa ako ng tarpaulin para mamaya, yung may nakalagay na {Cindy, will you be my Girl} pa oh diba... cheesy na ba masyado? Hehe ganto kasi talaga ko pinanganak na sweet. Magaalas otso na nung tinawagan ko si Cindy kung nasan na siya, syempre kailangan matuloy ito, sayang naman ang pinaghirapan ko.

Maya-maya pa ay dumating na siya, may nagassist sa kanya na isang staff para ituro kung saan siya pupunta, nakaisolate yung lugar namin. Isang table lang, medyo dim ang lights para may romantic effect tapos may bouquet sa table, red roses. Wala ako sa table nung dumating siya gusto ko kasi siyang i-surprise eh. Mukha naman nagulat siya kasi nakita niya yung bulaklak sa lamesa, hinawakan niya yung bouquet tapos tumingin siya sa paligid naghahanap siya habang nakangiti. Hinahanap na siguro niya ako kaya lumabas na ako mula sa pinagtataguan ko. Ang ganda niya, naka red and black cocktail dress siya tapos yung buhok niya naka kulot sa dulo. May make-up din siya pero yung simple lang. Yung ganda niya mapapanganga ka talaga, samahan mo pa ng tulo laway ganun siya kaganda. Nung makita niya na ako, medyo nawala yung ngiti niya. Bakit kaya? Yumuko siya tapos nung tumingin siya sakin nakangiti na siya ulit pero di kasing ganda nung kanina, nung naghahanap pa siya.

Paglapit ko sa kanya hinawakan ko yung kamay niya, tapos lumuhod ako sa harap niya...

“Cindy... alam kong nasabi ko na to sayo before, but this time I want to show how much you mean to me... kaya Cindy... I love you and....” pagkasabi ko nun tumingin ako sa likod ko, binaba na nila yung tarpaulin na pinahanda ko.

“Cindy... will you be my girl?” nakagiti ako sa kanya, siya naman nakatingin lang siya sakin. Seryoso yung mukha niya kaya hindi ko alam kung ano bang sagot niya...

“Myles... I-I'm sorry... but....” hindi ko na siya pinatapos...

“I see... so is it because of her?” tanung ko sa kanya, pero hindi siya sumagot

“do you still love her?” I asked her again, tumingin siya sakin,maluha luha yung mga mata niya

“so you do still love her...” sabi ko sa kanya this time hindi na ako nakatingin sa kanya

Shitsuren IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon