Nasa isang bar ako ngayon sa malate, bakit ako nandito? Wala lang I'm enjoying my life. Yeah simula nung araw na yun tuwing gabi ay nasa bar ako like I said I'm enjoying my life. And yeah umiinom narin ako ngayon as in inom talaga nakakailang bote rin ako bago ako umuwi pero ang nakapagtataka hindi ako nalalasing. Madami na rin akong nakaflirt na babae pati na nga lalake nakikipagflirt na rin ako minsan. But hey! Don't get me wrong, kahit na nakikipagflirt ako kung kanino ay walang sexual contact kahit pa kiss wala. Aba! Mahirap na baka mamaya eh may HIV or AIDS pa yung makahalikan ko kaya never! Trust me kahit na devasted ako ngayon dahil sa kagaguhan ko rin ay ayaw ko parin makakuha ng sakin. When things get hot I push them away. Pero ngayon wala akong balak makipagflirt ang gusto ko lang ay uminom ng uminom. Habang umiinom ako napatingin ako sa dance floor parang merong babaeng pinaliligiran ng lalake doon habang nagsesexy dance yung girl. Hot naman siya, mahaba ang buhok na waivy sa dulo. Yung damit naman niya naka fit siyang damit no actually I think she's wearing dress and kulay red. Maganda naman ang katawan niya sexy masasabi ko ring maputi siya kasi talagang nakakatawag siya ng pansin. Habang tinitignan ko siyang sumayaw may umupo sa umuan dito sa tabi ko, nasa may counter kasi ako favorite spot ko since nagsimula akong mag bar. Hindi ko siya pinansin ni hindi ko nga nilingon pake ko ba sa kanya, pero meron siyang sinabi na hindi ko mapigilang mapalingon sa kanya.
“Hey, miss yung laway mo tumutulo na!” sabi niya sakin kaya naman talagang nilingon ko siya ang kapal kasi ng mukha para sabihan ako na tulo laway ako. Hello! Sa ganda kong to hindi ako magdrodrool sa tao noh! Sexy parin ako noh kahit na nagkaanak na ako kaya wag siya! Pag lingon ko sa kanya nagulat ako, anung ginagawa niya dito?
“Missed me?” Nakangiti niyang sabi sakin. Yung ngiti na para bang nangaasar tsk!
“Like that would happen...” sagot ko sa kanya habang nakatingin sa bote ng tanduay ice na iniinom ko
“hahaha! Kahit kelan ang sungit mo parin...” hindi ko na sinagot at inom nalang ulit ako
“so... what brings you here? Akalain mong of all places dito pa kita makikita?” sabi niya sakin habang nakatingin parin sakin
“can't you see? I'm drinking...” ang kulit naman kasi ng babaeng to bakit ba kasi nandito siya? Teka kung nandito siya hindi kaya....
“Ang sungit mo naman... kadadating ko lang sa Pilipinas tapos sinusungitan mo na agad ako. Grabe ka talaga Raye...”
Sasagot na sana ako nung biglang may lumawak sa balikad ko mula sa likod, nakaharap na kasi ako sa counter dun sa may bar tendender simula nung kinausap ako nung babaeng to
“Oh? Away kayo agad ni Jeanne? Kadadating lang namin away agad?” Paglingon ko sa kanya nakangiti siya sakin sabi ko na nga ba eh hindi nagiisa si tong Jeanne na to teka kulang parin eh nasan na si.... Bigla akong napalingon, tumingin ako sa dereksyon kung nasaan yung dance floor at hinanap ko yung babaeng sumasayaw kanina.
“Don't tell me si Eden yung sumasayaw na yun?” sabay turo doon sa babaeng naka dress na pula.
“Oo siya nga...” sabay nilang sagot sakin, haay naku sabi ko na hindi mapaghihiwalay tong tatlong to eh napailing nalang ako.
Maya-Maya pa ay lumapit na samin si Eden lumipat na kami sa isang table na malapit parin sa counter yun nalang kasi ang bakante. Ang dami kasing tao sa bar na to sikat ata kasi.
“So Raye... long time no see... namiss mo ba kami?” nakangiting tanung sakin ni Eden
“hmmp! Hindi niya tayo namiss tinanung ko na siya kanina!” sagot naman ni Jeanne
“hahahaha! Baka ikaw lang ang hindi niya namiss... selos ka?” Pangaasar naman ni Clang.
Haaay naku wala paring pinagbago tong tatlong to. Nakilala ko sila nung nagpunta ako ng States. Sa bar ko sila nakilala nung sinamahan ko noon si ate Maricar magbar simula nun nagging kaibigan ko narin sila. Si Jeanne yung unang kumausap sakin noon at pati naman ngayon siya din naunang kumausap, naku papansin kasi. Si Jeanne yung babaeng saksakan ng dami ng tattoo sa katawan akala mo tattoo na tinubuan ng katawan eh imagine medyo maliit lang siya pero madaming tattoo sa katawan yun si Jeanne. Type niya daw ako mahilig daw kasi siya sa tahimik na tao...psh kaya ayan papansin palagi pagnakikita kami. Pero wag ka matalino yan! Lawyer siya actually at Top Notcher sa board exam. Si Clang naman suplado type sa una hindi basta basta nakikipag usap pero pagnagkakilala na kayo saksakan na ng kulit. Ang alam ko yung pamilya nila Clang ang business ay Chain of Restaurants at siya ang nagiisang tagapagmana. Maganda naman si Clang matangkad at may katamkatamang pangangatawan, medyo maikli lang ang buhok niya shoulder length lang at palaging nakabonet o beanie. Si Eden naman dyosa daw siya sabi niya dahil sa parehas na gender eh naakit sa kanya. Mapa lalaki o mapa babae eh nakakarelasyon niya basta type niya. May pagka liberated laking US kasi. Solid yang tatlong yan hindi mo talaga mapapaghiwalay kahit nung sa US palang hindi ko pa ata sila nakitang may kulang na isa. Mababait naman sila at masarap kasama.
BINABASA MO ANG
Shitsuren II
Romanceeto na eto na ang karugtong ng lovestory nila! Ang lovestory nina Raye at Cindy