Nagising ako sa isang mahinang boses na tumatawag sakin, alam kong imposible pero naririnig ko ang napakagandang boses niya. And when I open my eyes, naramdamdaman ko nalang ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. I am longing for her, hanggang dito nalang ba talaga kami? I know it's my fault kung bakit wala siya ngayon sa tabi ko. At wala akong karapatan sa kanya, wala na akong karapatan sa mga nararamdaman ko para sa kanya.
Because I am stupid! Stupid for ruining everything, for letting her go!
I want her back!
I know that I love her so much at wala na akong ibang mamahalin pa ng ganito, siya lang. Kaya I have to do whatever it takes to win her back. Kahit mahirap kakayanin ko, para sa kanya. Alam ko marami na siyang pinag daanan, maraming beses ko na siyang nasaktan. Nangako ako noon sa kanya na kahit kelan ay hindi ko siya sasaktan at iiwan pero lahat ng yun ginawa ko sa kanya. Hindi ko alam kung mapapatawad niya pa ako o kung babalik pa ba siya, pero gusto kong gawin ang lahat para bumalik siya sakin.
Pero bago ko magawa ang lahat ng yun, alam kong may kailanagan akong gawin. Alam kong matagal ko na dapat itong ginawa. Matagal ko na dapat itong hinarap. I know I won't be able to move forward if I will not face this. For me to be able to move forward and have a future with her, I have to fix and face my past.
Whatever it takes....
Lumabas ako ng kwarto para kumain, nakaligo at nakabihis narin ako, handa na ako para sa lakad ko ngayong araw. Lumapit ako sa lamesa kung nasan si ate na umiinom ng kape at kumakain tinapay, nakabihis narin siya at mukhang handa na umalis.
"Ayos ka lang ba? Nanginginig ka" sabi ni Ate sa akin
Hanggang ngayon ay hindi ko parin mapigilan ang panginginig ng katawan ko, kahit pa sa isip lang. Kakayanin ko bang harapin siya?
"A-ayos lang ako Ate, basta wag kang aalis sa tabi ko, kailangan ko itong gawin, I have to be strong" sagot ko sa kanya
Hinawakan ni ate ang mga kamay ko at marahang pinisil ito. "Huwag kang mag-alala, hindi ako aalis sa tabi mo" sabi niya sa akin habang nakatingin ng deretso sa mga mata ko, kitang kita ko ang pag-alala sa mga mata niya, pero kasabay nun ay kita ko rin ang tapang na kailangan ko, alam ko masasandalan ko si ate sa mga oras na to.
Matapos kumain ay dumeretso na kami sa sasakyan, si Ate na ang nagmaneho dahil hindi ko parin mapigilan ang panginginig. Nakarating kami sa isang Mall sa Edsa, nagpark sa basement at pagkatapos ay dumeretso na sa napagusapang resto. Papasok na kami sa resto nung makita ko ang piguro ng taong dahilan kung bakit hindi ko mapigilan ang panginginig. Nauna na maglakad sakin si ate, hinarap niya ang lalaking nakaupo sa isang lamesang hindi kalayuan kung saan ako naiwang nakatayo. Nilakasan ko ang loob ko at nilapitan ang lalaking dahilan kung bakit nawala si Cindy sa akin.
Walang nagsasalita on both sides, nakatingin lang siya sakin, ako naman nakatingin sa kapatid ko. Then I looked at him, I looked at the face of the person who raped me, the person who is responsible of my misery, the person who wants to have an agreement with my family, the person who wants to marry me after all those things he did to me. Aaminin ko, nakakaramdam parin ako ng panginginig ng katawan, lalo pa't hindi ganun kalayo ang pagitan naming dalawa. Pero kailangan ko lakasan ang loob ko. Kailangan ko tong gawin.
"Maupo muna tayo, nakakaabala na tayo sa mga staff, hindi sila makadaan." Masungit na pahayag ng kapatid ko habang nakatingin sa kanya.
Kaagad naman naupo siyang naupo. Wala paring nagsasalita hanggang sa siya na ang unang bumasag ng katahimikan.
"Raye, I know mali ang nagawa ko sayo. At humihingi ako ng sorry sa lahat ng mga nagawa at nasira ko sayo. Sana mapatawad mo ako" sabi ni Migs, habang nakatingin sa akin. "I'm so so sorry Raye..." akmang hahawakan niya sana ang mga kamay ko pero mabilis ko agad itong naiiwas sa kanya.
BINABASA MO ANG
Shitsuren II
Romanceeto na eto na ang karugtong ng lovestory nila! Ang lovestory nina Raye at Cindy